KABANATA 12

37 0 0
                                    

PAGBANGON SA PAGSUBOK

“Grabe pala hitsura kapag nasunog ano?” Ang sabi ni Kryztal habang pinapanood ang balita tungkol sa nangyaring sunog tatlong araw matapos mamatay ang tatay ni Mae 
Tuloy lang si Michelle sa pag-aayos ng kilay na para bang walang narinig.
“Mga adik pala ang dahilan ng sunog na yun eh! Saturno Drug syndicate. Bakit kaya sa dinami-dami ng bisyo ay drugs pa ang napili nila?” Komento ni Kryztal.
Biglang napatigil si Michelle sa pag-aayos at halos masugatan ang sarili ng marinig ang Saturno Drug syndicate. Pamilyar sa kanya ang pangalan na yun at ayaw na ayaw niyang makakarinig ng balita tungkol dun. At lalong ayaw niyang may marinig si Kryztal at Kryzel tungkol sa grupo na yun.
“Siyanga pala, nagkita ba ulit kayo ni John?” Tanong ni Michelle kay Kryztal para maiba ang pinag-uusapan nila.
“Hmmm….oo. Pinuntahan ko siya sa gig nila noong isang gabi at sabi ay nag-meet na daw sila ni Kryzel.” Simpleng sagot ni Kryztal.
“Ano! Nakipagkita si Kryzel kay John? Alam ba to ng papa mo?” Nag-aalalang sabi ni Michelle.
“Siyempre hindi ‘no!” Hindi papayag si papa na lumabas si Kryzel na hindi ka kasama. Don’t worry, nakauwi naman ng maayos si Kryzel eh.” Sagot ni Kryztal.
“Basta next time eh ipaalam nyo nga sa akin mga lakad nyo!” Nag-aalalang sabi ni Michelle.
“Yes mam!” Pang-aasar ni Kryztal.

Nang oras na ‘yun sa hospital…..
“Aling Nancy, ako po yung kaibigan ni Brianna. Nasabi po kasi nya na maipapasok nyo ako sa restaurant na pinagtratrabahuhan nyo.” Magalang na sabi ni Mae.
“Ay oo. Nasabi ni Brianna sa akin na kailangan mo ng trabaho dahil sa nangyari sa pamilya mo. Nakikiramay ako sa iyo Mae. Dito sa Urdaneta City yung restaurant na pinagtratrabahuhan ko at pwede ka ng magsimula kung nailibing na ang ama mo.” Ang sagot ni Aling Nancy.
“Maraming salamat po Aling Nancy. Ililibing na po si papa this week kaya po pwede na akong magsimula agad.” Ang sabi ni Mae.
“Sige Mae hihintayin kita dito!” Ang sabi ni Aling Nancy at ibinaba ang telepono.
Bumalik si Mae sa higaan ng ina. Angioplasty ang ginawa dito imbes na bypass operation kaya nakakakilos na ito. Natutulog ang ina nya ng oras na yun at hindi mapigilan ni Mae na maiyak habang tinititigan ang ina.
Biglang nagulat si Mae ng marinig ang isang flash report sa TV.
“Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa liblib na bahagi sa Bulacan na kung saan ay nadiskubre ng mga pulis na namatay ito sa matinding impeksiyon sanhi ng naputol na dila. May sugat din ang mata ng lalaki kaya hinala ng mga pulis na hindi ito nakalabas agad ng bahay dahil sa pagkabulag na nagresulta para hindi ito makakuha ng lunas.”  Ang sabi sa balita.
“Buti nga sa iyo!” Sabi ni Mae sa sarili.
Nakahinga ng maluwag si Mae ngayong ligtas na ang ina. Ang kailangan nyang gawin ngayon ay suportahan ang ina at magtrabaho para mabayaran ang bahay sa banko. Buo sa loob ni Mae na kailangang tapusin nya ang pag-aaral nya para hindi maging kawawa sa hinaharap.
Tatlong araw pa ang lumipas at inilibing na ang ama ni Mae. Hindi nakasama sa pakikipaglibing ang ina ni Mae dahil na rin sa kundisyon nito. Puno ng pakikiramay ang ipinaabot ng mga dumalo sa libing at may ilan na nag-abot ng tulong pinansiyal sa dalaga. Matapos ang libing ay umuwi ng bahay si Mae para ayusin ang mga gamit nya.
Naluluha si Mae habang nagliligpit ng mga gamit nya para sa trabahong papasukan. Sa Urdaneta City ang restaurant na papasukan nya kaya every weekend ang uwi nya. First time na mahihiwalay siya sa ina kaya naman nalulungkot siya. Hapon na ng makabalik siya ng ospital.
“Ma, huwag ka nang umiyak. Kailangan nating maging matibay ngayon. Naging maayos naman po ang libing ni papa. Nakakulong na po yung mga adik na sumunog sa restaurant natin kaya huwag na po kayo maging malungkot. May nakuha po akong trabaho sa Urdaneta City.” Ang alo ni Mae sa ina.
“Naawa ako sa iyo anak! Hindi mo dapat dinadanas ito ngayon! Tandaan mo lagi na ingatan mo ang sarili mo at maging matatag ka. Wala na ang ama mo at may sakit ako! Harapin mo ng buong tapang ang pagsubok sa buhay kahit hindi naging pantay ang laban!” Umiiyak na sabi ng ina ni Mae.
Nanatili pa ang ina ni Mae sa ospital sa loob ng isang linggo. Pagkatapos ay tumuloy na ang ina ni Mae sa sa bahay nila kasama ang tiyahin para bantayan ito at alagaan.
“Mama, aalis na po ako. Tuwing Sunday po ang uwi ko dito. Don’t worry po, lagi akong tatawag sa inyo!” Ang sabi ni Mae sa ina at humalik ito bago lumabas ng bahay.
Habang nasa bus papuntang Urdaneta City ay hindi mapigilan ni Mae ang mga luha niya.  Pero pinigil nya ito at itinanim sa isip na dapat siyang maging matatag.
Makalipas ang mahigit limang oras ay narating ni Mae ang restaurant na pagtratrabahuhan niya. Rising Star restaurant ang nakalagay sa neon sign nito sa labas. Pumasok siya sa loob at agad na hinanap si Aling Nancy.
“Miss, pakihintay na lang si Aling Nancy. Usually dumarating siya 1 pm na. Ilang minuto na lang at darating na rin siya.” Ang magiliw na sabi ng waitress.
Umupo si Mae sa waiting area at pinagmasdan ang trabaho ng mga waiters at staffs sa loob ng restaurant. Dahil may restaurant din sila ay alam ni Mae ang pasikot-sikot sa kalakaran sa restaurant.
Maya-maya pa ay may pumasok na babaeng nasa 40 years old pero halatang may kagandahan noong kabataan nito. Siya si Aling Nancy. Ang katiwala ng may-ari ng restaurant. Agad na nilapitan ni Aling Nancy si Mae at ngumiti sa dalaga.
“Ikaw pala si Mae na kaibigan ni Brianna. Mas maganda ka pala sa personal kumpara sa picture!” Ang puri ni Aling Nancy kay Mae.
“Maraming salamat po.” Nahihiyang sabi ni Mae.
“Halika doon tayo sa loob ng opisina.” Ang aya ni Aling Nancy.
Kiming sumunod si Mae kay Aling Nancy sa loob ng opisina at doon ay naabutan nila ang manager ng restaurant.
“Aida, siya si Mae. Nag-usap na kami ni Mateo na siya ay magiging waitress dito at cashier kapag kailangan.” Ang sabi ni Aling Nancy sa manager.
Bagama’t manager ang kausap ni Aling Nancy at di hamak na mas mataas ang pinag-aralan nito kaysa kanya ay mas nakakapanaig ang mga utos si Aling Nancy dahil siya ang pinagkakatiwalaan ng may-ari sa mga negosyo nito.
“Ok Aling Nancy. Nag-usap na ba kayo tungkol sa suweldo niya?” Tanong ng manager na si Aida.
“Oo. Fifty per cent higher sa minimum ang sweldo niya. Ok na kay Mateo yun, nag-usap na kmi.” Sagot ni Aling Nancy.
Pagkatapos ay ipinakilala ni Aling Nancy si Mae sa mga makakasama nito sa trabaho. Dinala si Mae sa dorm ng isa sa mga waitress para ituro kung saan ang kama niya.
“Dalawa lang tayo na matutulog dito sa kuwarto kasi uwian sa bahay yung iba nating kasama. Huwag kang mag-alala, mababait ang mga kasamahan natin dito.” Ngumiti ang waitress na si Anne.
“Salamat Anne.”Tipid na sagot no Mae.
Kinabukasan ay nagsimula nang magtrabaho si Mae bilang waitress at paminsan-minsan ay umuupo bilang cashier. Madali nyang natutunan ang trabaho at naging madali sa kanya ang trabaho dahil pamilyar na siya dito. Nakabuti kay Mae ang pagtratrabaho dahil nawala sa isip nya ang kamatayan ng ama at problema sa pera.
Isang buwan ang lumipas……
“Aling Nancy, Kumusta ang takbo ng mga restaurant ko?” Ang nakangiting tanong ng isang lalaki na nasa 30s habang naglalakad papasok sa restaurant.
Ang lalaki ay si Mateo Fernando, ang may-ari ng restaurant. Disente itong manamit at may kagwapuhan pero hindi katangkaran. Mayor ito sa isang bayan sa Pangasinan pero may mga negosyo sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
“Mateo! Nandito ka na pala! Siya nga pala si Mae, yung bagong waitress dito.” Pakilala ni Aling Nancy.
Nang makita ni Mateo ang hitsura ni Mae ay agad itong humanga sa kagandahan ng dalaga pero agad niyang binawi ang tingin dahil may asawa na siya. Hindi lang basta asawa kundi isang matapang at bungangerang asawa.
“Ikaw pala yung bagong waitress dito. Magsabi ka lang kay Aling Nancy kung ano ang kailangan mo.” Ngumiti si Mateo na halatang nag-aalangan na makipag-usap kay Mae.
Maya-maya ay pumasok ang isang babaeng pinagtampuhan ng tadhana ang mukha at katawan. Pangit na, mataba pa at mukhang palengkera. Alangan na alangan ito kay Mateo. Nagka-idea tuloy si Mae kung bakit ganoon makipag-usap si Mateo sa kanya. Nakaramdam siya ng awa sa mayor.
“Mateo mahal, baka ma-late tayo sa pupuntahan natin. Alis na tayo!” Malambing na sabi nito at pagkatapos ay tumingin ng matalim kay Mae.
Agad na yumuko si Mae. Hindi nya lubos na maisip kung bakit nagustuhan ng mayor ang babae.
“Ok mahal. Tsinek ko lang itong restaurant tutal ay malapit lang naman yung pupuntahan natin. Aling Nancy kayo na ang bahala dito at aalis na kami ni misis!” Nakangiting sabi ni Mateo.
Hindi tiningnan ni Mateo si Mae nang lumabas ito ng restaurant. Mukhang dominante ang babae at sunod-sunuran lang ang mayor. Nang makalabas na ang mag-asawa ay bumulong si Aling Nancy.
“Yung babae ang mayaman at pinikot nya lang si Mateo. Walang magawa si Mateo dahil gobernador ang tatay ng babae. Ipapatay si Mateo kung hindi niya pakakasalan ang anak ng gobernador. Bilang premyo ay kay Mateo lahat nakapangalan ang lahat ng negosyo nilang mag-asawa. Kawawang Mateo.” Iiling-iling si Aling Nancy.
Hindi makapaniwala si Mae sa narinig. Mayroon pala talagang ganoong kwento. Bumalik sa trabaho si Mae pagkatapos. 
Sa isip ni Mae, sino kaya ang mas kawawa? Siya o si Mateo?

The Semi-VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon