KABANATA 14

41 0 0
                                    

JOHN’S NEW FAN

Samantala……
Matapos makilala ni Michelle si John ay hindi na nawala sa isip ng dalaga ang binata. Every time na mag-aya si Kryztal na panoorin ang banda ni John ay hindi nag-atubiling sumama si Michelle dito.
Ayaw ipaalam ni Michelle kay Kryztal at Kryzel na crush din niya si John dahil ayaw niyang magselos ang dalawang babae.
“Ate Michelle pasukan na naman bukas. Kumusta na kaya si John?” Ang tanong ni Kryztal.
“Naku Kryztal! Itulog mo na lang yan at bukas mo na lang isipin yung crush mo!” Inis na sagot ni Michelle.
“Ate Michelle, ang mabuti pa ay tulungan mo akong alamin ang mga schedule and activities ni John. Tutal mas maluwag naman ang schedule ng klase mo compared sa akin.” Ang sabi ni Kryztal.
“At paano ko naman gagawin yun aber?” Napataas ang kilay ni Michelle nang tanungin si Kryztal.
“Eh di pumunta ka sa school at manmanan mo siya. Mahusay ka sa ganun di ba? Para ka kayang detective!” Ang ngiti ni Kryztal.
Sa isip ni Michelle ay masyado nang obsessed si Kryztal kay John kaya gustong malaman ni Kryztal ang bawat kilos at aktibidad ng binata.
“Gagawin mo pa akong CCTV mo! Oh sige susundan ko siya pero huwag kang magpabaya sa pag-aaral mo kundi lagot tayong dalawa kay tito!” Ang sagot ni Michelle.
Hindi alam ni Kryztal na tuwang-tuwa si Michelle nang sabihan siya ni Kryztal na mag-stalk kay John. May dahilan na siya ngayon na pumunta sa school ni John sa free time nya  para mag-stalk at makita si John.
Kinabukasan…..
Break ni Michelle sa subject nya for two hours kaya naisipan niyang pumunta sa school ni John. Tiyempo naman na naglalakad siya sa loob ng Eastern University nang makita niyang pumasok sa library si John.  Pumasok din si Michelle sa library at  tiningnan secretly ang galaw ni John. Unexpectedly, nakita siya ni John.
“Hey! Hindi ba ikaw si Michelle? Kaibigan ni Kryztal?" Tanong ni John.
“Oh hello John! Kamusta ka?" Sagot ni Michelle na kinakabahan.
"Anong ginagawa mo dito sa library namin?" Tanong ni John kay Michelle.
"May research ako at sabi sa akin ng classmate ko na nandito ang librong hinahanap ko  kaya nag-decide akong pumunta dito!" pagsisinungaling ni Michelle.
“Siyanga pala nakilala ko na si Kryzel. Kamukhang-kamukha ni Kryztal si Kryzel. Triplets pala sila at identical ang hitsura nilang tatlo!" Sabi ni John.
Hindi makapagsalita si Michelle sa sandaling iyon. Kaibigan niya ang magkakapatid at ayaw niyang maglabas ng anumang information tungkol sa mga ito.
“Oo. Magkakamukha sila at baka malito ka sa kanilang tatlo. Anyway, may gig ka ba mamayang gabi?" Curious na tanong ni Michelle.
"Hindi. Pero may practice kami maya-maya lang sa loob ng studio. Gusto mo bang sumama sa akin para makita ang practice namin?" Kaswal na tanong ni John kay Michelle.
Nagulat si Michelle sa tanong ni John. Isasama siya sa practice!
“Sure! Pwede ko namang balikan yung librong kailangan ko sa ibang araw!" Tuwang-tuwang sagot ni Michelle.
"Good! Let’s go!" Inilahad ni John ang kamay niya kay Michelle kaya tuwang-tuwa niyang hinawakan ang kamay ni John.
Sabay silang naglakad habang magka-holding hands. Masayang-masaya si Michelle habang sabay silang naglalakad patungo sa studio.
Naimagine niya na boyfriend niya si John nang mga sandaling iyon. Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa studio.
"Hey John, siya ba ang bago mong girlfriend?" Tanong ng isa niyang kabanda.
"Hindi pa!" Pabirong sabi ni John sa  kabanda niya. Pagkatapos ay tumingin siya kay Michelle na parang guilty.
"Sorry  Michelle, nagbibiro lang ako!” Sabi ni John na kinakamot ang ulo na parang nahihiya.
“Okay lang!” Nahihiya rin na sagot ni Michelle.
Deep inside ay tuwang-tuwa si Michelle nang marinig niyang sinabi ni John na ‘hindi pa’. Sa isip niya, baka hilingin ni John na maging girlfriend siya kaya sa isip niya, oo agad ang isasagot niya kapag tinanong siya ni John.
Inabot ng isang oras at kalahati ang banda si john sa practice.
Patuloy na pinapanood ni Michelle si John na tumutugtog ng gitara at hindi niya maiwasang lalong kiligin kay John. Ini-imagine ni Michelle na siya talaga ang girlfriend ni John. Sa isip ni Michelle, sinong lalaki ang magdadala ng babae sa isang studio para manood ng practice maliban sa girlfriend niya?
“Ok ba yung bagong piyesa namin?” Ang tanong ni John kay Michelle na noo’y tulala sa pag-imagine na boyfriend nya si John.
“Ha? Eh…Oo naman! Ang galing mo pala talagang mag-gitara!” Ang puri ni Michelle.
Pagkatapos ng practice, dinala ni John si Michelle sa canteen para sa snacks. Nag-usap sina John at Michelle habang nagmemeryenda. Little that Michelle knows, hindi na crush ang nararamdaman niya. She's starting to fall in love with John.
More than two months na ang nakakaraan simula nang unang makilala ni Michelle si John ay natutunan na niyang mahalin ang lalaki. At dahil isang beses lang silang nagkakilala ni Mae ay nakalimutan nya na rin ito.
Hindi lang si Michelle ang nakalimot kay Mae. Maging si John ay unti-unti na ring nakakalimutan si Mae. Well, not totally. Paminsan-minsan ay naaalala ni John na hinalikan niya si Mae.

Lumipas ang mga araw……
Nagpatuloy si Mae sa pagiging waitress sa restaurant ni Mateo. Napagkasunduan nila Mae, Anne at Aling Nancy na walang ibang makakaalam ng ‘other profession’ ni Mae para na rin proteksiyonan ang pagkatao ng dalaga.
Mamaya ay sasalang na naman sa entablado si Mae kaya buong maghapon na pinapalakas ni Mae ang loob niya para makapag-perform ng maayos ngayong gabi.
“Mae, ready ka na ba mamayang gabi?” Pasikretong tanong ni Anne.
“Oo. Ready na ako.” Simpleng sagot ni Mae.

Dumating ang gabi…..
Palakpakan ang mga manonood ng matapos ang performance ni Mae. Tulad ng nakaraan ay umiyak ang dalaga sa dressing room pagkatapos. Sa loob-loob ni Mae ay hindi siya masasanay kahit kailan sa pahuhubo’t-hubad sa harapan ng maraming lalaki.
Nang makauwi si Mae sa dormitory ay kinuwenta niya ang kikitain kung kailan siya pwedeng tumigil sa pagiging stripper. Sa tantiya nya ay mahigit isang taon na pagsasayaw ang gagawin nya para makaipon ng sapat para sa pagpapagamot ng ina, amortization ng restaurant at tuition fee nya hanggang maka-graduate siya ng college.
Ayaw ni Mae na magsayaw habang nag-aaral sa takot na may makadiskubre ng sikreto nya.
Nagpatuloy ang paghuhubad ni Mae ng mga sumunod na araw para makaipon ng sapat na perang kailangan.

Isang gabi…..
Katatapos lang umiyak ni Mae matapos siyang magsayaw ng hubo’t hubad sa stage nang lumapit si Anne.
“Ummm…..Mae. May gusto sanang makipag-table sa iyo. Medyo malaki ang tip ng customer na ito. Baka lang interesado ka.” Ang tanong ni Anne.
“Anne, natatakot ako na baka pwersahin nya akong makipag-sex sa kanya. Alam mo naman na hindi ako papayag dun.” Ang sagot ni Mae.
“Alam ko yun. Hindi ka niya pwedeng pwersahin. Kapag nagpumilit ay sumigaw ka lang at lalapit agad yung bouncer.” Ang paniniguro ni Anne.
“Sure yan ha?” Atubiling sagot ni Mae.
“Sure yun. Hmmm….May ibang paraan para kumita ka ng malaki nang hindi mo ibibigay ang sarili mo. Yun nga lang, baka ayaw mo. Alam mo na, let the lips do the work.” Sagot ni Anne.
Hindi nakasagot si Mae. Sanay na sanay siya sa bagay na yun pero hindi nya alam kung kaya nyang gawin yun sa lalaking hindi nya kilala. Wait, nagawa nya na pala at sa matanda pa.
“At tsaka Mae, nagsinungaling ako sa iyo. Atin lang ito ha? Tutal ay pareho tayong may itinatagong sikreto.” Ang sabi ni Anne.
Nagtaka si Mae kaya nagtanong siya: “Ano yun?”
“Umm…. Hindi alam ng asawa ko na may iba pa akong trabaho. At hindi nya rin alam na nagpapagalaw ako kapalit ng bayad. Hindi ko sinasabi na gawin mo rin yun. Ang sa akin lang eh kung gusto mong kumita ng mas malaki ay may pagpipilian ka tulad ng lips mo.” Ang sabi ni Anne.
Sa isip ni Mae, papayag kaya siya kahit malaki ang bayad? Hindi nya masagot ang tanong niya sa sarili. Ayaw niyang magpakababoy at ilubog ang sarili sa putik.
Maya-maya pa ay pumasok si Mae sa VIP room at inabutan nya doon ang isang lalaki na nasa mid-30s ang edad. Mukhang disente ito at higit sa lahat, medyo may pagkaguwapo.
“Hello Yvonne, ako si Brad.” Nakangiting bati nito kay Mae.

The Semi-VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon