KNIGHT IN SHINING ARMOR
“Ingat ka sa pag-uwi Yvonne!” Ang sabi ni Anne habang inihahatid si Mae sa labas ng bar.
3am na ng madaling araw at hindi sure si Mae kung may mga taxi pa sa sa oras na ito.
“Dalhin mo itong payong baka magkasakit ka!" Pahabol ni Anne.
“Salamat Anne. Ibabalik ko ito sa iyo bukas." Sabi ni Mae.
Habang naglalakad siya patungo sa taxi bay, lumapit sa kanya ang apat na lalaking may mga tattoo. Mukhang mga gangster ang apat na lalaki dahil sa mga tattoo sa mga braso.
"Miss beautiful, saan ka pupunta?" Tanong ng isang lalaking may hikaw sa ilong kay Mae habang nakatingin sa kanya.
"U…Uuwi na ako!" Kinakabahang sabi ni Mae.
“Ihatid ka na lang namin para safe ka!" Nakangiting sabi ng isa pang lalaki.
“Sa…salamat..ok lang… kaya kong umuwi mag-isa.” Nag-aalalang sagot ni Mae.
"Ano ba naman yan! Hindi kami masamang tao. ihahatid ka namin para ligtas ka." Sinubukan ng isa sa mga lalaki na hawakan ang kamay ni Mae.
"Hindi! Layuan nyo ako!" Sigaw ni Mae habang nagpapanic.
“Huwag ka ngang maarte! Magkano ba isang gabi sa iyo?" Sabi ng isang lalaki tapos tumawa ito.
“Hindi ako prostitute! Mga salbahe kayo!" Galit na sigaw ni Mae at mabilis na naglakad para makalayo sa apat na lalaki.
“Tatakas ka ha! Kunin nyo siya!” Sabi ng leader ng grupo.
Nang marinig ni Mae ang sinabi ng lalaki ay mabilis siyang tumakbo palayo sa mga lalaki. Nang lingunin niya, nakita niya ang mga naka-tattoo na lalaki na hinahabol siya habang tumatawa.
Nang ibalik ni Mae ang tingin nya sa harapan, nabangga niya ang isang matangkad at mahabang buhok na lalaki na nakasuot ng black crocodile leather jacket.
Nawalan ng balanse si Mae at natakot sa pag-aakalang kasamahan ng lalaking humahabol ang lalaking long hair. Nang malapit na siyang matumba ay agad na niyakap siya ng lalaki at marahan siyang tinulungang makatayo. Tumingin ang lalaki sa kanyang mga mata at ngumiti.
Nang tingnan ni Mae ang lalaki ay nakita niyang kalmado ang lalaki. Kahit mahaba ang buhok ng lalaki, may bigote at mukhang bad boy, nakita ni Mae na gwapo ang lalaki. Mukhang relaxed ang lalaki at mukhang hindi natatakot sa apat na lalaking humahabol sa kanya.
"Binastos ka ba ng mga lalaking iyon?" Tanong ng lalaki sa kalmado na boses.
Nakaramdam ng kaligtasan si Mae nang marinig ang boses ng lalaki. Bagama't ito ang unang pagkakataon na nakilala niya ang lalaki, naramdaman niyang ligtas siya sa piling nito. There is a unprecedented feeling in her heart while the man is hugging her.
Binitawan siya ng lalaking mahaba ang buhok nang maramdaman ang awkwardness niya. Inilagay ng lalaki si Mae sa likuran niya at tumingin sa apat na lalaki.
“Mga pare, madaling araw na. Siguro naman eh kailangan nyo nang bumalik ngayon sa mga bahay nyo." Kalmadong sabi ng lalaki habang sinenyasan si Mae na lumipat sa likuran niya.
“Gago! Umalis ka dito baka masaktan ka!" Sabi ng pinuno.
"Talaga?" Ngumiti ng mahiwaga ang lalaki.
Nakita ni Mae ang tingin na nakakatakot sa mga mata ng lalaki nang ngumiti ito. Makalipas ang ilang segundo, sinugod ng lalaking may mahabang buhok ang apat na lalaking may tattoo. Tinamaan ng jumping front kick sa solar plexus ang unang lalaki na sinundan ng spinning backfist sa ulo ng isa pang lalaki.
Agad na nawalan ng malay ang dalawang lalaki. Natakot ang dalawa pang lalaki at tatakas na sana pero hinawakan ng lalaking may mahabang buhok ang kwelyo nila.
Binigyan ng lalaki ang dalawang gangster na tig-isang suntok sa ilong nila, na nagpabagsak sa dalawa sa lupa. Natakot ang dalawang lalaki sa ginawa ng lalaki sa kanila.
“Buhatin nyo itong dalawang kupal na to at umalis na kayo dito! Subukan nyong magtawag ng mga kasamahan nyo at pagbababarilin ko kayo! Alis!” Sigaw ng lalaki sa dalawang lalaking may tattoo.
Binuhat ng dalawang lalaki ang dalawa nilang kasamang walang malay at tumakbo palayo. Bumalik ang lalaki kay Mae habang nakangiti ito sa kanya.
Hindi makapaniwala si Mae nang ipagtanggol siya ng lalaki. Humanga si Mae sa martial arts skills ng lalaki.
Pakiramdam ni Mae ay nasa cloud nine siya. Isang knight in shining armor ang nagligtas sa kanya.
“Ayos ka lang ba Miss?” Tanong ng lalaki.
Ilang segundo rin bago nag-react si Mae. Ito ang pangalawang pagkakataon na naramdaman niya ang ganito bukod kay John. Hindi niya naramdaman ang ganito kahit sa crush niyang si Bruce. Mabilis na nahulog ang loob niya sa lalaking ito.
“Ayos lang ako. Maraming salamat sa pagligtas sa akin.” Nahihiyang sabi ni Mae.
“I don’t know why you’re still outside at this hour lalo na ngayong madaling araw. Maraming luko-luko sa paligid." Sabi ng lalaki kay Mae sabay tanggal ng leather jacket niya.
Medyo napahiya si Mae sa sinabi ng lalaki. Ano nga ba ang ginagawa nya sa labas ng ganitong oras? Hindi siya prostitute pero pang-prostitute ang ginawa nya sa customer kanina.
“Eto, isuot mo ito. Umuulan at basang-basa ka na. Baka magkasakit ka pa. Gusto kitang ihatid pero nagmamadali ako. Kailangan kong makauwi agad. Sasamahan na lang kita mag-abang ng taxi tapos aalis na ako ako." Sabi ng lalaki habang ibinibigay ang leather jacket kay Mae.
“Paano ka? Basang basa ka!" Nag-aalalang sabi ni Mae.
“Hindi mo kailangang mag-alala sa akin. May extra akong leather jacket, extra shirt at towel sa bag ko. At saka, malakas ang pangangatawan ko kaya hindi ako magkakasakit sa kaunting ulan lang!" Tumawa ang lalaki.
Tumawa din si Mae at nawala ang awkwardness nila sa isa’t-isa.
“Ano nga pala ang pangalan mo?” interesadong tanong ni Mae.
"Ako si John." Simpleng sabi ng lalaki habang ikinakaway ang kamay para tumawag ng taxi.
John! Pareho sila ng pangalan ng lalaking unang nagpatibok ng puso niya! Gitarista ang una at martial arts expert naman ang nasa harapan niya! Magka-iba sila.
Huminto ang taxi sa kanila kaya binuksan ng lalaki ang pinto ng taxi at tinulungan si Mae na makapasok dito. Mukhang nagmamadali ang lalaki at hindi man lang natanong ang pangalan niya.
“Goodbye Miss. Ingat ka na lang pauwi. Sana talaga magkita ulit tayo!” Isang ngiti ang ibinigay ng lalaki kay Mae habang kumakaway sa kanya saka tumalikod at sumakay sa bus papuntang Maynila.
Iyon ang pinakamagandang ngiti na nakita ni Mae sa buong buhay niya. Sa loob ng taxi, niyakap ni Mae ang sarili habang dinadama ang init ng leather jacket mula sa lalaki.
Napangiti si Mae hanggang sa makauwi. Nakalimutan nya ang pagpapakababoy niya sa piling ng lalaking customer kanina.
Sa loob ng bus ay naiinis si John sa sarili dahil hindi nya nakuha ang pangalan at cellphone number ni Mae.
Kanina nang makita niya si Mae na naglalakad ay naramdaman niyang parang pamilyar ito kaya sinundan nya ang dalaga.
Nang makita nya na binabastos ito ng mga lalaki ay nanaig ang pagiging gentleman niya at mas ginusto niya na masiguradong ligtas ang babae. Sa isip ni John ay kailangang makauwi ng ligtas ang babae.
Hindi nakilala ni John si Mae at ganoon din si Mae. Malayo ang hitsura ni John kumpara sa dati dahil balbas sarado ito. Si Mae naman ay nakasuot ng malaking salamin at naka-pony tail ang buhok kaya malayo ang porma compared noong una silang magkita.
Makaraan ang ilang minuto ay tsaka nila na-realize na nagkita na pala sila noong concert ng Ravermaya. Pareho silang nanghinayang nang lumampas ang pagkakataong makausap ulit ang isa’t-isa.
Gustong batukan ni John ang sarili ng mga oras na yun. Si Mae naman ay nalungkot nang maisip na although intact pa ang hymen niya ay wala na siyang maipagmamalaki sa kahit sinong lalaki dahil tatlong lalaki na ang nagpakasawa sa sexy niyang katawan.
Mapaglaro talaga ang tadhana.
BINABASA MO ANG
The Semi-Virgin
RomanceIsang kwento ng dalaga na bagama't birhen ay may karanasan na sa mga lalaki dahil na rin sa mapait na pangyayari sa kanyang buhay. Hanggang kailan nya maiingatan ang puri? Maihahandog niya pa kaya sa lalaking minamahal ang iniingatan niya?