THE PROPOSITION
Simula noong araw na isinama ni John si Michelle ay palaging pinapanood ng dalaga ang binata sa practice nito tuwing free siya. Hindi alam ni Kryztal at Kryzel ang tungkol dito kaya naman parang guilty ang feeling ni Michelle.
Dahil na rin sa kagustuhan ni Kryztal na ipa-monitor kay Michelle ang tungkol sa mga aktibidad ni John, palaging naghahanap si Michelle ng oras para makita si John. Secretly, ang pagmamahal ni Michelle sa binata ay lalo pang tumitindi.
Isang araw, dinala ni John si Michelle sa canteen ng school para mag-meryenda. Malapit na ang preliminary examination noong araw na yun.
"Michelle, hindi ko alam kung dapat ko bang itanong ito sa iyo pero hindi ka ba natatakot na baka mapagkamalan tayong mag-syota?" Kaswal na tanong ni John kay Michelle.
Hindi agad nakasagot si Michelle. Namula ang mukha niya dahil hindi niya alam ang sasabihin.
“Okay lang sa akin. Ewan ko sayo!" Medyo awkward na sagot ni Michelle.
“Mukhang close kasi kayo ni Kryztal but I think baka magselos si Kryztal if she thought that we’re sweethearts. Pakiramdam ko gusto niya ako pero masyado pa siyang bata para maramdaman yung ganoong bagay!" Sabi ni John habang nakatingin sa mga mata ni Michelle.
"Bakit siya magseselos?" Curious na tanong ni Michelle.
"Wala. Anyway, kalimutan mo na ang sinabi ko. Sana mapanood ninyo nila Kryzel at Kryztal ang concert namin bago ako grumaduate this semester!” Sabi ni John.
“Oo naman John! Sigurado kaming pupunta kami doon!" Ngumiti si Michelle kay John.
Deep inside Michelle’s heart, how she wish that John will ask her to be his girlfriend. Pero walang alam ang dalaga na hindi na darating ang oras iyon.
Sa Urdaneta City…..
Halos one week nang nagtratrabaho as personal secretary ni Mateo si Mae pero very minor lang ang mga ginagawa niya. Nasa abroad nang oras na yun ang asawa ni Mateo kaya madalas ay nasa Pangasinan ito.
Isang gabi ay nagulat na lang si Aling Nancy at Mae nang biglang dumating si Mateo sa bahay.
“Aling Nancy, dito po muna ako matutulog ngayon. Pakihanda na lang po ang kuwarto ko.” Ang sabi ni Mateo.
“Inaway ka na naman ba ni Aiza? Nasa abroad na siya pero inaaway ka niya pa din!” Concerned na tanong ni Aling Nancy.
“Wala pong bago di ba?” Malungkot na sabi ni Mateo.
Iiling-iling si Aling Nancy na pumasok sa kuwarto para ihanda ito. Narinig ni Mae ang usapan ng dalawa kaya alam niyang may problema ang amo.
“Sir natapos ko na po yung mga ipinapa-check nyo na mga documents.” Ang nahihiyang sabi ni Mateo.
“Mae, kumusta na ang nanay mo? Kamusta ang trabaho mo?” Tanong ni Mateo.
“Ok naman po. Nakaka-recover na naman po siya.” Ang sagot ni Mae.
Hindi kumibo si Mateo. Halata sa hitsura nito ang problema sa buhay. Hindi tuloy maiwasan ni Mae na tanungin ito.
“May problema po ba kayo sir? Baka po may maitulong ako.” Ang nahihiyang tanong ni Mae.
Tumingin si Mateo sa dalaga at ngumiti.
“Alam mo, makita lang kitang masaya at walang problema ay masaya na ako.” Ang biro ni Mateo.
“Palabiro pala kayo sir!” Napangiti si Mae.
“Walang biro. Ngayong alam ko na na hindi mo na binalikan yung isang trabaho mo eh masaya na ako. Tandaan mo, hindi pera ang nagpapasaya sa tao kundi pag-ibig.” Ang malungkot na sabi ni Mateo.
“Bakit po sir?” Curious na tanong ni Mae.
“Alam mo Mae, ulilang lubos ako at walang kapatid tapos miserable pa ang buhay may-asawa ko. Pinikot ako ng asawa ko at ako naman na tanga eh pumayag kapalit ng kayamanan niya. Para tuloy akong isang alipin, preso at robot na walang kalayaan.” Malungkot na sabi ni Mateo.
Hindi nakakibo si Mae dahil ramdam nya na totoo ang sinasabi ng mayor. Nakita nya ang lungkot at takot sa mga mata ni Mateo noong kasama nito ang asawa.
“Patay na ang biyenan ko kaya plano kong ipa-annul ang kasal namin at maghanap ng bagong mamahalin.” Ang pagpapatuloy ni Mateo sabay tingin ng makahulugan kay Mae.
“May iba po kayong babaeng nagugustuhan?” Curious na tanong ni Mae.
“I know that it sounds crazy and I know you won't believe me but I started to like you the first time I saw you. Huwag kang tumawa! Totoo iyon!" Nakangiting sabi ni Mateo.
"Nagbibiro ka lang sir!" Natawa din si Mae.
"Well alam kong hindi ka maniniwala sa akin pero yun ang totoo. Hindi ko mahal ang asawa ko at hindi mo ako masisisi kung magkagusto ako sa iyo." Seryosong sabi ni Mateo.
Nagulat si Mae sa sinabi ni Mateo. Somehow ay naramdaman nya na gusto nga siya ni Mateo. Napaisip siya sa sinabi nito.
Nanatiling tahimik naman ang mayor. Iniisip niya kung paano sasabihin kay Mae ang nasa isip niya. Nag-aalangan siya dahil baka magalit si Mae at mag-quit sa trabaho nito.
“Mae, gusto kong maranasan kung papaano ka mahalin. Please wag kang magalit pero makinig ka muna sa akin.” Sabi ni Mateo.
Pakiramdam ni Mae ay hindi pabor sa kanya ang proposition ni Mateo kaya agad niyang tinanggihan ang alok.
“Sir, with all due respect, inaamin ko na nagpakababa ako bilang stripper pero hindi ako prostitute. I’m still a virgin at hindi ko isusuko ang virginity ko para lang sa pera. Kahit na hindi ko matapos ang pag-aaral ko, hindi ko isusuko ang aking pagkabirhen para sa pera!" Gustong umiyak ni Mae sa sinabi nito.
“That’s not it! Look, alam kong virgin ka pa at wala akong balak kunin ang virginity mo”. Mahinahong paliwanag ni Mateo.
Natigilan si Mae. Ayaw ni Mateo sa virginity niya. Paaano yun?
"Ano yun sir?" Curious na tanong ni Mae.
“Magsama tayo na parang mag-asawa pero walang actual sex. Gusto ko lang maranasan na tratuhin ng maayos at may respeto. Alam kong para akong tanga sa gusto kong mangyari pero para sa isang taong api ay malaking bagay na yun kahit kunwari lang ang relasyon.” Ang paliwanag ni Mateo.
“Bibigyan kita ng allowance bukod sa sweldo mo as my secretary at lahat ng kailangan mo kasama na ang mga damit, cellphone, laptop, beauty products, lahat lahat. Makakaipon ka ng mabilis para sa tuition at amortization ng lupa at restaurant nyo. Ako na rin ang bahala sa pagpapagamot sa nanay mo!" Pagpapatuloy ni Mateo.
Napatulala si Mae sa proposition ng mayor. Masyadong maganda ang proposition nito. Magka-live-in partner sila pero hindi nito kukunin ang virginity niya. Pwede ba yun?
"Maganda proposition mo sir pero paano tayo magiging live-in partner kung hindi natin gagawin iyon?" Curious na tanong ni Mae.
"Magandang tanong yan. Normal akong tao na may normal na pangangailangan. Sinabi ko na hindi ko kukunin ang pagkabirhen mo. May sinabi sa akin si Anne sa paraan mo. Alam mo ang ibig kong sabihin." Ang pahiwatig ni Mateo.
Hindi agad nakasagot si Mae. Muli ay bumalik ang lihim na galit nya kay Anne dahil sa hindi ito marunong magtago ng sikreto. Anyway, naisend na ni Mae sa asawa ni Anne ang video nito na nagsasayaw at nakikipagtalik sa customer.
"Sir, kung papayag ako, hanggang kailan tayo magsasama as secret lovers?" tanong ni Mae.
“As long as you want." Simpleng sabi ni Mateo.
Pinag-isipan ni Mae ang proposition ng mayor. Alam niyang imposibleng mahulog ang loob niya sa mayor. Talagang kailangan niya ng pera at tsaka, medyo gwapo si mayor mukhang maamo at mapapagkatiwalaan. Besides, anim na lalaki na ang nagpakasawa sa katawan niya. Hindi nya na kailangang ipagamit ang katawan niya kung kani-kanino para lang kumita.
“Pag-iisipan ko po.” Mahinhing sabi ni Mae.
Tumayo ang mayor at binuksan ang TV para manood ng balita. Pagkabukas ng TV, nakakagulat na balita ang bumungad sa kanila.
“Sa Dagupan City, tatlong katao ang namatay sa aksidente matapos bumangga ang isang truck sa van ng mga biktima. Nasa custody na ng mga pulis ang driver ng truck!”
“Sa Urdaneta City naman, isang negosyante ang natagpuang patay sa bakanteng lote na may tama ng baril sa ulo. Pinaghihinalaang hired killer ang pumatay sa negosyante.”
“Samantala, patay ang isang batang ginang matapos itong bugbugin ng kanyang asawa nang makita ng lalaki ang sex video ng babae sa ibang lalaki. Napag-alaman na waitress ang babae pero hindi alam ng lalaki na nagtratrabaho rin bilang prostitute ang asawa nito. At sa iba pang mga balita……”
Na-shock si Mae sa napanood sa TV. Ang talent scout at ang dalawang lalaki na partner nya sa paggawa ng ‘penekula’ ay namatay sa aksidente.
Ang lalaki naman na binaril sa ulo ay ang customer nya na nagtangkang pagsamantahan siya.
At si Anne……pinagbayaran nito ang pagkakalat ng sikreto niya. Kahit papaano ay nalungkot siya at na-guilty pero sa bandang huli ay naisip nya na mali rin ang ginawa nito na nagtaksil sa asawa.
Huminga ng malalim si Mae. Wala ng iba pang nakakaalam ng lihim niya. Ang unang customer niya na si Brad na dalawang beses niyang ‘pinagsilbihan’ ay hindi na bumalik kaya alam niyang safe na ang sikreto niya.
Tumingin si Mae sa mayor at tiyempo naman na napatingin din ang mayor kay Mae. Napangiti ang mayor ng makita niyang maaliwalas na ang mukha ni Mae kaya tumayo ito mula sa pagkakaupo at lumapit kay Mae.
BINABASA MO ANG
The Semi-Virgin
RomanceIsang kwento ng dalaga na bagama't birhen ay may karanasan na sa mga lalaki dahil na rin sa mapait na pangyayari sa kanyang buhay. Hanggang kailan nya maiingatan ang puri? Maihahandog niya pa kaya sa lalaking minamahal ang iniingatan niya?