PAGKATAO AT KAPALARAN
Kinabukasan…..
“Kuya Wilbert, sama kami ni John sa pag-akyat nyo sa Mt. Banahaw! Matagal na akong hindi nakakaakyat dun eh.” Ang sabi ng kaibigan ni John na si Harold sa kuya nitong si Wilbert.
“Oh sige. Pero hindi kayo pwedeng sumabay sa grupo ko kasi kasama ko si mayor. Kasama din natin si Yvette pag-akyat natin. Basta sabihin mo kay John na alalayan ang bunsong kapatid natin kung hindi eh makakatikim siya sa akin!” Ang biro ni Wilbert.
“Alright! OK Kuya! See you on Saturday!” Masayang sabi ni Harold.
“Oh ano na? Ano sabi ni kuya Wilbert?” Tanong ni John.
“Siyempre kasama tayo pero ikaw ang aalalay kay Yvette! Tsaka hindi tayo pwedeng sumabay sa kanila kasi kasama niya si mayor!” Ang sabi ni Harold.
“Kasama si Yvette? Baka abutin tayo ng gabi sa paglalakad!” Ang biro ni John.
“Kung bat kasi ayaw mo sa bunso namin eh. Bayaw na sana tawag ko sa iyo!” Ngumiti si Harold.
“Alam mo naman na kapatid ang turingan natin eh kaya parang kapatid ko na rin si Yvette.” Seryosong sagot ni John.
“Nasabi pala sa akin ni kuya na may malaki silang operation kaya gusto nya puntahan si Nanay Apolonia para humingi ng guidance. May third eye kasi yun na nababasa ang pagkatao at kapalaran ng isang tao.” Ang sabi ni Harold.
“Eh di puntahan din natin yung matandang yun!” Sagot ni John.
Dumating ang Sabado……
“Nanay Apolonia, kasama ko po si mayor Mateo at gusto po sana niyang magpabasa sa inyo!” Ang magalang na sabi ni Wilbert.
Tiningnan ni Nanay Apolonia si Mateo at kinuha ang kamay nito. Tiningnan ng matanda ang palad ni Mateo ng ilang segundo at napakunot noo ito.
“Mabuti kang tao at matulungin. Kaya lang ay malungkot ang buhay mo. Balang araw ay makakawala ka din sa paghihirap ng kalooban mo. Magiging kasangkapan ka ng katarungan sa hinaharap.” Ang simpleng sabi ni Nanay Apolonia.
Pagkatapos ay si Wilbert naman ang nagpabasa kay Nanay Apolonia. Muli ay napakunot ito ng noo.
“May dedikasyon ka sa serbisyo at responsableng tao. May darating na pagsubok sa pamilya mo pero magiging kasangkapan ka rin ng katarungan.” Ang seryosong sabi ni Nanay Apolonia.
Napangiti si Wilbert. Bagama’t matalinhaga ang mga salita ni Nanay Apolonia ay natuwa si Wilbert dahil magiging kasangkapan siya ng katarungan.
“Pwede po ba ako?” Alanganing tanong ni Mae.
Kinuha ni Nanay Apolonia ang kamay ni Mae at tiningnan. Napakunot-noo ito at maya-maya ay nandilat ang mata. Parang natakot ito sa palad ni Mae .
“Bakit po?” Nagtatakang tanong ni Mae.
Matagal bago nakasagot ang matanda.
“Iha, ayaw magpabasa ng palad mo kaya hindi ko masabi kung ano ang pagkatao mo. Bumalik ka dito pagkatapos mong maligo sa Santa Lucia para lumiwanag ang palad mo.” Ang nanginginig na sabi ng matanda.
“Ganoon po ba? Sige po pagbalik na lang.” Nakangiting sabi ni Mae.
“O paano po Nanay Apolonia. Magpapaalam na po kami at bukas po ay babalik kami pagkagaling sa bundok!” Ang sabi ni Wilbert .
Pagkatapos ay lumakad sila Mae palayo sa bahay ng matanda para puntahan ang iba pa nilang kasama. Nang makalayo na sila ay lumapit ang isang babae kay Nanay Apolonia.
“Bakit po parang natakot kayo sa palad ng babae na yun?” Nagtatakang tanong ng babae.
Napabuntong-hininga ang matanda at napailing.
“Mabuting babae siya at puno ng pagsubok ang buhay. Pero nakita ko na mapanganib ang kagandahan niya! Kamatayan ang hatid ng ganda niya sa mga lalaking maghahangad sa kanya! May mga lalaki na nga ang nagbayad ng buhay dahil sa kanya! Matatagpuan niya ang tunay na pagmamahal sa mapapang-asawa niya pero daranas siya ng mas matinding pagsubok na higit sa mga pinagdaanan niya. Magkakaroon ng dugo ang mga kamay niya dahil sa pagmamahal! Pero kapag nalampasan niya ang mga pagsubok na iyon ay kapayapaan, kaligayahang tunay at kasaganaan ang magiging kapalit!” Seryosong sabi ni Nanay Apolonia.
Samantala……
“Kuya Harold, pupunta ba tayo muna kay Nanay Apolonia bago tayo umakyat sa bundok?” Tanong ni Yvette.
“Oo naman! Gusto ko rin na humingi ng guidance sa kanya para alam ko gagawin ko.” Sagot ni Harold.
“Siya ba yung matandang may third eye?” Tanong ni John.
“Oo. May kapangyarihan siya na basahin ang pagkatao at kapalaran ng isang tao. Hindi siya nagkakamali kahit noon pa!” Sagot ni Harold.
“Gusto kong malaman kung ano kapalaran ko sa pag-ibig!” Kinikilig na sabi ni Yvette.
“Hindi si Nanay Apolonia ang dapat mong tanungin kundi si John!” Biro ni Harold.
“Walang ganyanan pre!” Natawa si John habang namula ang mukha ni Yvette.
Matagal ng may gusto si Yvette kay John simula pa lang ng high school ang binata pero kapatid lang ang turing ni John kay Yvette. Si Yvette na ang nagtapat kay John pero talagang parang kapatid lang ang pagmamahal ni John sa dalaga.
Maganda si Yvette. Halos hindi ito patatalo kay Mae, Michelle at Kryzel. Yun nga lang, hindi pwedeng turuan ang puso.
Makalipas ang ilang minuto ay narating nila ang bahay ni Nanay Apolonia.
“Nanay Apolonia si Harold po ito! Kasama ko po si Yvette at ang kaibigan namin!” Magalang na sabi ni Harold.
“O tuloy kayo Harold. Magpapabasa ka ba? Hindi pa kita nababasahan.” Nakangiting sabi ni Nanay Apolonia.
“Opo! Pwede po ba?” Masayang tanong ni Harold.
“Akin na ang palad mo.” Kinuha ni Nanay Apolonia ang kamay ni Harold at tiningnan ito.
Muling napakunot ang noo ni Nanay Apolonia. Mukhang hindi maganda ang nakita nito.
“Harold, bumalik ka dito pagkagaling mo sa Santa Lucia. Nahihirapan akong basahin ang palad mo.” Sabi ni Nanay Apolonia.
“Ako na lang po!” Masayang sabi ni Yvette.
Agad na kinuha ni Nanay Apolonia ang kamay ni Yvette at agad na tiningnan. Maya-maya ay nagsalita na ito.
“May darating na pagsubok sa iyo pero iyon ang magbibigay daan sa iyo para maging matapang at magtagumpay. Magiging kasangkapan ka ng katarungan sa hinaharap.” Ang sabi ni Nanay Apolonia.
“Wow! May challenge na darating sa akin!” Nakangiting sabi ni Yvette.
“Pwede rin po ba ako?” Tanong ni John.
Hindi sumagot ang matanda pero kinuha nito ang kamay ni Joh at tiningnan. Katulad ng reaksiyon niya kay Mae ay nanlaki ang mata ng matanda pagkakita sa palad ni John.
“Maligo ka rin sa Santa Lucia at bumalik ka dito pagkatapos para mabasahan kita.” Sabi ni Nanay Apolonia.
Medyo nadismaya si John pero wala siyang magawa. Maya-maya pa ay nagpaalam na ang tatlo para umakyat sa bundok. Muli ay lumapit ang babae kay Nanay Apolonia at nagtanong.
“May nakita na naman po ba kayo na hindi maganda?” Tanong ng babae.
“Masaklap ang kapalaran ng tatlong magkakapatid. Tanging ang babae lang ang makakaligtas. Magkakadugtong ang kapalaran ng mga taong binasahan ko kanina at ng tatlong bagong dating.” Seryosong tugon ni Nanay Apolonia.
“Eh yun pong guwapong binata? Bakit po parang natakot kayo?” Tanong ng babae.
Sandaling tumahimik si Nanay Apolonia. Parang kumuha ito ng lakas ng loob sa sasabihin.
“Ngayon lang ako nakakita ng magkakadugtong na kapalaran. Matalino at mabuting tao ang guwapong lalaki na yun pero siya ang magiging dahilan ng trahedya sa kanilang lahat! Madudumihan ng masasamang dugo ang kamay ng dalaga kanina dahil sa lalaking yun!” Ang nanginginig na sabi ni Nanay Apolonia.
BINABASA MO ANG
The Semi-Virgin
RomanceIsang kwento ng dalaga na bagama't birhen ay may karanasan na sa mga lalaki dahil na rin sa mapait na pangyayari sa kanyang buhay. Hanggang kailan nya maiingatan ang puri? Maihahandog niya pa kaya sa lalaking minamahal ang iniingatan niya?