KABANATA 23

35 0 0
                                    

INTERTWINED FATE

Magkaiba ng lugar ang tinahak ng grupo ni John at ng grupo ni Mae kaya hindi nag-krus ang mga landas nila. Enjoy si John sa pag-akyat sa bundok at ganoon naman din si Mae.
Bandang hapon na nang maisipan ng dalawang grupo na mag-set ng tent sa kani-kanilang pwesto at doon magpalipas ng gabi. Tig-iisa ng tent ang grupo nila John habang magkasama naman sa iisang tent si Mae at Mateo.
“John pare, tamang-tama itong dala kong inumin natin! Malamig dito!” Ang nakatawang sabi ni Harold habang inilalabas ang dalawang both ng alak
“Naku pre! Pass muna ako dyan. Holy land itong lugar kaya hindi ako iinom ngayon!” Ang sabi ni John.
“Ikaw ang bahala! Ubusin ko na lang ito!” Sabi ni Harold at sinimulang tunggain ang alak mula sa bote.
“Kuya maaga kang malalasing nyan! Imbes na magdasal ka eh inom ang inaatupag mo!” Naiinis na sabi ni Yvette.
“Pabayaan mo na ang kuya mo. Minsan lang naman uminom yan eh. Minsan lang sa isang linggo!” Pabirong sabi ni John.
“Ano nga pala ang plano mo sa graduation mo?” Ang tanong ni Yvette.
Nagkwentuhan ang dalawa ng kung anu-ano at hindi nila namalayan na lumipas na ang dalawang oras. Pagtingin nila kay Harold ay naghihilik na ito sa loob ng tent.
“Ang kuya mo talaga! Hindi pwedeng hindi iinom!” Natatawang sabi ni John.
Napangiti si Yvette nang makita na tulog na ang kapatid. Silang dalawa lang ni John ang magkasama ngayon kaya isang plano ang nabuo sa isip nya. Lumapit siya kay John at niyakap ito.
“John, alam mo na mahal na mahal kita! Pagka-graduate mo eh bihira na tayong magkita. Pabayaan mong bigyan kita ng regalo ngayon.” Ang malambing na sabi ni Yvette at masuyong hinalikan sa labi si John.
“Teka Yvette! Alam mo na parang kapatid lang ang turing ko sa iyo. Hindi ko talaga maturuan ang puso ko na mahalin ka. I tried believe me! Pero wala talaga eh.” Ang sabi ni John habang nakatingin kay Yvette.
“Eh ito, matuturuan mo ba ang katawan mo na pigilin yun?” Ang sabi ni Yvette at unti-unting hinubad ang mga damit hanggang sa totally naked na siya.
Napanganga si John sa kagandahan na nasa harapan niya. Totoo na hindi nya mahal si Yvette pero iba ang sinasabi ng puso at iba naman ang sinasabi ng puson. Lalaki lang si John at mahirap tanggihan ang isang hubad na diyosa sa harapan niya.
Hindi napigil ni John ang sarili sa harap ng tukso at hinalikan nya si Yvette at dinala sa loob ng tent niya. Sa loob ng tent ay nagsalo sa init ang katawan ng magkaibigan.
Samantala, sa loob ng tent ni Mateo …..
“Napakaswerte talaga ng mapapang-asawa mo Mae!” Ang ungol ni Mateo nang magpakawala ito ng lakas sa likod-bahay.
Pigil na pigil naman ang ungol ni Mae dahil unang beses nyang makarating sa langit mula ng makasama si Mateo. Dala na rin ng thrill and excitement ng outdoor environment coupled with the fact na baka mahuli sila ng mga kasamahan ay nagawa nitong mag-enjoy sa ginagawa ni Mateo.
Matapos magbihis ay lumabas ng tent si Mateo at kinausap si Wilbert.
“Magkikita kami ni Don Pablo sa Love Nest Club kaya dapat ay nakapwesto na kayo dun bago pa dumating si Don Pablo. Ang sabi nya ay siya lang at ang driver nya ang pupunta pero duda ako dun. Mas maganda na full force ang tropa nyo.” Ang sabi ni Mateo.
“Huwag kang mag-alala Mateo. Nakatimbre na sa PNPSAF at SWAT yung pagkikita nyo ni Don Pablo. Nandun din ang PDEA at local police kaya sigurado huli siya!” Confident na sabi ni Wilbert.
“Kaya ako nag-aalala ay kasama ko si Yvonne. Hindi pupunta si Don Pablo sa meeting kung hindi kasama si Yvonne kaya sinugurado ko kay Don Pablo na kasama ko siya. Basta kapag wala na sa meeting si Yvonne ay doon nyo na hulihin si Don Pablo para hindi madamay si Yvonne.” Sabi ni Mateo.
“Areglado Mayor!” Ang tugon ni Wilbert at bumalik ang dalawa sa tent nila.
Yvonne ang pakilala ni Mateo sa lahat ng mga kakilala niya para proteksiyonan ang katauhan ni Mae. Walang nakakaalam sa tunay na pangalan ni Mae kundi siya lang at si Aling Nancy.
Kinabukasan ay naunang bumaba ng bundok sila John. Laking dismaya niya ng malaman na umalis papunta sa bundok si Nanay Apolonia at hindi alam kung kailan ang balik. Walang nagawa sila John kung hindi maglakad papunta sa sasakyan nila.
“Natapilok ka ba Yvette?” Nagtatakang tanong ni Harold nang makita na hirap maglakad ang kapatid.
Namula ang mukha ni Yvette nang marinig ang tanong ng kapatid at napalingon kay John na umiwas naman ng tingin. Sa loob-loob ni Yvette, si John ang dahilan kung bakit hirap siyang maglakad.
“Oo kuya pero minor lang ito. Mamaya lang ay wala na ito.” Sagot ni Yvette.
Nagpatuloy ang tatlo sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa sasakyan nila.
Nang mga oras na yun ay dismayado din si Mae dahil wala sa bahay nito si Nanay Apolonia. Gusto pa naman niyang i-try ang kapalaran nya pero wala sa bahay ang matanda kaya nagdedisyon sila na umuwi na lang.
Tiyempo na papaalis na ang sasakyan nila John ng dumating sila Mateo sa parking lot. Napasulyap si John sa mayor at sa babaeng kasama nito. Nakasumbrero si Mae at nakasuot ng salamin. Nakasanayan na ni Mae na i-disguise ang sarili para hindi makilala.
Laking gulat ni John ng makita ang babae. Kamukha siya ni Mae!
“Pre yun ba ang mayor at ang misis niya na kasama ni kuya Wilbert?” Tanong ni John.
“Ah oo. Sabi ni kuya Wilbert ay yun daw ang misis ni mayor, Yvonne daw ang name. Medyo hawig sa artistang si Marian Evangelista. Bakit, type mo?” Biro ni Harold.
Yvonne? Hindi pala siya si Mae, sa loob-loob ni John. Magkamukha lang sila.
“Naitanong ko lang pre. Besides, kahawig naman ng artistang si Heart Rivera si Yvette!” Biro ni John sabay ngiti kay Yvette.
Napangiti si Yvette sa biro ni John. Ibinigay niya ang sarili sa binata kagabi bilang advanced graduation gift. Kahit siya ang talo dahil kapatid lang ang turing ni John sa kanya ay masayang-masaya ang dalaga nang makapiling si John sa buong magdamag.
At umalis ang tatlo mula sa Mt. Banahaw na nagtatawanan. Maya-maya pa ay sumunod na umalis ang sasakyan ng mayor.
Sa di kalayuan ay nakatanaw si Nanay Apolonia na tumigil sa pagdadasal para sundan ng tingin ang pag-alis ng grupo.
“Nanay, hindi na po ba mababago ang kapalaran nila?” Tanong ng babae.
“Hindi ko alam. Pero sa nabasa ko sa mga palad nila, dadanak ang maraming dugo pero ang mga dugong iyon ang magbibigay ng kalayaan sa kanila. Magkakadugtong ang kapalaran nilang lahat. Tatlo sa kanila ay lalaya sa pamamagitan ng kamatayan at ang tatlo ay magkakaroon ng masaya at masaganang pamumuhay.” Ang sabi ni Nanay Apolonia.
“Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit may nakita akong isang babae na papatayin ang sarili para makalaya at makakapiling nya ang lalaking minamahal. Paano niya makakapiling ang lalaki kung pinatay nya ang sarili?” Pagpapatuloy ni Nanay Apolonia.

Sa bahay nila Kryzel……
“Kryzel anak, kumusta ang pag-aaral mo?” Tanong ng isang lalaki na nasa mid-mid-forties.
“Ok naman po papa! Enjoy po ako!” Masayang tugon ng dalagita.
“Hmmm…..Mukhang may crush na ang baby ko at inspired mag-aral!” Ang biro ng ama niya.
“Wala po! Talagang masipag lang ako!” Nahihiyang tugon ni Kryzel.
“Siyanga pala, sa school nyo ba ay nag-uusap kayo nila Kryztal at Kryzette?” Ang seryosong tanong ng ama ni Kryzel.
“Eh hindi po papa. Mahigpit kasi ang bilin nyo na huwag akong makikipag-usap sa kanila sa school or kahit saan except dito lang sa bahay.” Sagot ni Kryzel.
“Opo papa! Maingat po kaming tatlo! Hindi kami nag-uusap kapag nasa labas kami!” Ang sagot naman ni Kryztal.
“Bakit ganoon papa? Ikinahihiya mo ba kami? Nakakahiya ba na ikaw ang naging dahilan ng pagkakasakit namin?” Ang galit sa sabi ni Kryzette.
“Kryzette! Walang ginagawang masama si papa! Imagination mo lang yun! Tumigil ka na nga dyan! Pampagulo ka lang eh!” Sigaw ni Kryztal.
“Kryztal, Kryzel, tandaan nyo kakailanganin nyong dalawa ang tapang at talino ko balang araw! Ayaw nyong maniwala sa akin na malaki ang kasalanan ni papa sa ating tatlo!” Ang sigaw ni Kryzette.
“Magsitigil kayo! Huwag na kayong mag-away! Pumasok na kayo sa kuwarto nyo!” Ang sigaw ng tatay nila.
Pumasok sa kuwarto nila ang magkakapatid samantalang si Michelle naman ay tahimik na nakatingin sa tatay nila. Kita sa mata ng lalaki ang lungkot at pag-aalala sa mga anak.
“Michelle anak, lagi mo silang babantayan. Ireport mo lagi sa akin kung ano ang nangyayari sa kanila para alam ko. Sabay kayong lumaki kaya kilalang-kilala mo ang anak ko. Balak kong pumunta sa abroad para doon sila ipagamot.” Ang sabi ng tatay nila Kryzel.
“Opo tito Paul. Lagi ko po silang binabantayan. Hindi po sila nag-uusap kapag nasa labas. Yun nga lang po eh inaaway lagi ni Kryzette yung dalawa pagdating sa bahay.” Ang sabi ni Michelle.
“Next school year ay dadalhin ko na talaga sila sa abroad.” Napabuntong-hininga ang tatay ng mga dalagita.
Magkahalong lungkot at kasiyahan ang naramdaman ni Michelle ng oras na yun. Malungkot siya dahil mapapahiwalay sa kanya ang itinuturing nyang nakababatang kapatid.
At masaya siya dahil hindi na siya mag-aalala na may kahati siya kay John.

The Semi-VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon