MOVING ON
Hindi na nagdalawang-isip si Harold kaya sinigawan niya si John.
“John! Barilin mo na ang hayop na yan! Si Don Pablo ang demonyong yan! Papatayin niya rin ang kapatid ko!" Sigaw ni Harold.
“Oo John! Papatayin niya ako kaya huwag kang mag-atubiling barilin ang demonyong ito!" Sigaw din ni Wilbert.
Hindi alam ni John ang gagawin. Naipit siya ngayon sa isang sitwasyon kung saan siya ang magpapasya sa pagitan ng buhay at kamatayan ni Wilbert. Tumingin siya kay Don Pablo at nakita niyang nakatutok pa rin ang baril nito sa ulo ni Wilbert.
Dahan-dahan siyang lumapit kay Don Pablo habang nakatutok ang baril sa ulo nito. Nakita ni Don Pablo na papalapit si John sa kanya at walang takot na tumingin kay John.
“Iho, kaya kitang ipahanap saan ka man magpunta. Nakita na kita sa loob ng bar na nanonood sa masked stripper! Makukuha ko ang CCTV recordings sa loob ng bar para ipahanap ka kahit saan! Bibilang ako ng isa hanggang tatlo. Ibaba mo yan o papatayin ko ang lalaking ito!" Matigas na sabi ni Don Pablo.
Walang bakas ng takot sa tono ni Don Pablo. Parang ilang beses na niya itong ginagawa.
“John! Hindi niya deserve mabuhay! Isa siyang salot sa lipunan! Barilin mo na siya!" Sigaw ni Wilbert kay John.
Biglang isang malakas na putok ang narinig sa baril ni Don Pablo. Binaril niya si Wilbert sa ulo na ikinamatay nito kaagad. Nang itutok ni Don Pablo ang baril sa kay John ay agad na pinaputukan ni John si Don Pablo na tumama sa dibdib at tiyan nito.
Agad na tumakbo si Harold patungo kay Don Pablo para i-restrain ito pero biglang pinaputukan ni Don Pablo si Harold at tinamaan ito sa ulo. Bullet proof vest pala ang suot ni Don Pablo. Namatay on the spot si Harold.
Na-shock si John sa pagkamatay ng magkapatid kaya binaril niya si Don Pablo at tinamaan ito sa binti na ikinabasag ng femur bone nito. Nagpaputok ulit si John at tumama sa balikat ni Don Pablo. Nagpaputok ulit si John sa ulo ni Don Pablo pero dumaplis ito pero nagdulot yun ng malalim na sugat sa mukha ng drug lord.
Hindi na maigalaw ni Don Pablo ang kamay niyang may hawak ng baril dahil sa sakit.
“Patayin mo na ako! Pagsisisihan mo kung hindi mo ako papatayin!" Umuungol si Don Pablo.
Babarilin na sana ni John ang ulo ni Don Pablo nang marinig ni John ang mga makina ng sasakyan patungo sa kanila. Nang tingnan niya ito, nakita niya ang mga lalaking nakasuot ng itim na uniporme at may mga baril. Ang akala ni John ay pulis sila pero nang huminto ang mga sasakyan ay mga tauhan pala sila ni Don Pablo!
Agad nilang pinaputukan si John. Agad na tumakbo si John sa eskinita nang maramdaman niyang may dumaplis na bala sa tagiliran niya. Paekis-ekis siyang tumakbo para hindi siya muling tamaan ng bala.
Maya-maya ay narinig ni John ang mga sirena ng patrol cars ng mga pulis na papalapit sa kinaroroonan ni Don Pablo at nakarinig siya ng maraming putok ng baril. Nagpatuloy sa pagtakbo si John sa madilim na eskinita nang makarinig siya ng panibagong putok ng baril. Biglang nagdilim ang paningin ni John.
Samantala, hindi muna umuwi si Mae sa bahay at nagbabakasakali na makita ulit si John. Halos isang oras nang magsimula ang putukan ay may mga ambulansiya na dumating. Minabuti ni Mae na makiusyoso at baka makita si John kaya sinundan niya ang ambulansiya sa eskinita kung saan nakipagbarilan si John.
Maya-maya pa ay nakita ni Mae na isa-isang binubuhat ang mga patay na katawan kasama ang magkapatid na Wilbert at Harold. Nagimbal si Mae nang makita niya na buhat-buhat ng mga rumesponde si John na duguan at wala ng buhay.
“John! Diyos ko! John! John! Hindi! Diyos ko!” Hysterical na sigaw ni Mae.
Hindi makapaniwala si Mae na ang lalaking minamahal niya ay mamamatay ng gabing iyon. Gusto niyang lapitan si John pero pinigilan siya ng mha pulis.
“Miss, delikado ang sitwasyon dito! Mas mabuti na umuwi ka na dahil baka makita ka ng mga miyembro ng Saturno Drug syndicate eh madamay ka pa! Sila ang may kagagawan ng pagkamatay ng mga taong ito!” Ang sabi ng isang pulis.
Laking panghihinagpis ni Mae nang makumpirma na kasama si John sa mga namatay. Umiyak siya ng umiyak ng ilang minuto hanggang lapitan siya ni Mateo.
“Mae! Mabuti at ligtas ka! Huwag mong iyakan ang pagkamatay ni Wilbert! Namatay siya ng marangal para sa kapakanan ng marami! Mga miyembro ng Saturno Drug syndicate ang may kagagawan nito!” Ang sabi ni Mateo.
Patuloy sa pag-iyak si Mae. Inakala ni Mateo na si Wilbert ang iniiyakan nya. Hindi makakalimutan ni Mae ang gabing ito. Ang Saturno Drug syndicate na naging dahilan ng pagkamatay ni Bruce at ng ama niya ang siya rin palang magiging sanhi ng kamatayan ng lalaking pinakamamahal niya.
Ipinangako niya sa sarili na kung bibigyan siya ng pagkakataon ay siya mismo ang papatay sa mga miyembro ng Saturno Drug syndicate.
Kinabukasan…………..
"Mae please wag mo akong iwan! I'm very sorry sa ginawa ko kagabi na ipagamit ka sa ibang lalaki! Mahal na mahal kita at hindi ko alam ang gagawin kung iiwan mo ako!" Sabi ni Mateo habang umiiyak na pinipigilan si Mae na lumabas ng bahay.
“Mateo hindi ako galit sa iyo dahil naiintindihan ko na kailangan mong mai-secure yung business deal pero gusto kong magsimula ng bagong buhay! Nasabi ko na noon na hindi kita mahal but still, thank you for your support. Itutuloy ko ang pag-aaral ko at iwanan ang madilim na nakaraan ko!" Sabi ni Mae habang inaayos ang mga gamit niya.
“Mae please hayaan mo akong bisitahin ka paminsan-minsan kung iyon ang desisyon mo. Pwede pa rin naman tayo na maging magkaibigan at magkaroon ng communication." sabi ni Mateo.
“I’m sorry Mateo but I said that I’d like to put all the things between us behind. Gusto kong kalimutan ang mga traumatic experiences ko lalo na yung nangyari kagabi. Mas maganda kung hindi na tayo magkita ulit." Seryosong sabi ni Mae.
Natahimik si Mateo. Alam niyang nakapagdesisyon na si Mae. Wala siyang magawa kundi tanggapin ang desisyon ni Mae.
“I guess this is it. Siguradong mami-miss kita!” Sabi ni Mateo habang binibigyan niya ng huling halik si Mae sa labi nito.
"Salamat Mateo sa lahat ng tulong mo. Kailangan ko ng umalis!" Sabi ni Mae at hinalikan nya sa huling sandali si Mateo saka naglakad palayo para sumakay sa Grab taxi na naghihintay sa labas.
“Paalam Mae! Mahal na mahal kita!" Naiiyak na sabi ni Mateo.
Sa loob ng taxi ay hindi napigilan ni Mae na maiyak nang maalala ang nangyari kay John kagabi. Masyadong malaki ang pagsubok na dumaan sa buhay niya simula nang mamatay ang ama niya pagkatapos ay sinundan pa yun ng pagkamatay ni John.
Alam niyang kailangan niyang magpakatatag at kalimutan na si John. May pera na siya ngayon kaya sisimulan niyang ayusin ang buhay niya. Oo nga at semi-virgin siya pero tanging si Mateo lang at Aling Nancy na lang ang nakakaalam nun.
Kung magmamahal siya ulit ay hindi nya sasabihin dito ang madilim na sikreto niya dahil ayaw na nyang maalala pa ang madilim na nakaraan ng buhay niya.
“Ma’m Karla Mae Esmeralda? Tama po ba ang name nyo? Confirmation lang po sa nagpa-book ng ride.” Naputol ang iniisip ni Mae nang magtanong ang Grab driver.
“Oo. Tama ang name. Karla Mae Esmeralda.” Simpleng sagot ni Mae.
Sa sandaling iyon………….
"Nasaan ako?" Sabi ni John pagkagising niya sa isang kwarto.
"Nasa loob ka ng kwarto ng ospital. Binato ka sa ulo habang tumatakas ka kagabi. Mabuti na lang at hindi grabe ang sugat mo. Ako nga pala si Police Colonel Pedro Garcia ng Special Ops Group!" Sabi ng koronel.
“Nasaan na sina Wilbert at Harold?” Tanong ni John.
“Nakaburol na magkapatid ngayon. Iho, hinahanap ka na ngayon ng buong grupo ng Saturno Drug syndicate pagkatapos mong masugatan ng husto si Don Pablo. Bilib ako sa iyo bata! Buo ang loob mo" Pinuri ni Koronel Garcia si John.
Napaiyak si John nang maalala ang nangyari sa magkapatid kagabi. Hindi nya alam kung ano ang magiging reaksiyon ni Yvette sa pangyayari.
"Nakatakas ba si Don Pablo?" tanong ulit ni John.
“Oo pero may mga napatay at nahuling mga miyembro ng sindikato. Sinabi sa amin ng mayor ng lungsod na may pumuntang mga armadong lalaki kanina sa Love Nest para kunin ang CCTV footage sa loob ng club. Look, pinalabas namin na napatay ka. Mas mabuting magpalamig ka sa loob ng kampo ng pulisya para ligtas ka.” Nagpatuloy si Col. Garcia.
Saglit na nag-isip si John. Alam niyang nanganganib ang buhay niya ngayon matapos makatakas si Don Pablo. Tiyak na hahanapin siya ni Don Pablo ngayong mayroon na itong CCTV footage ng bar.
"Well, I'm going to have my review for the civil engineering board examination kaya sa tingin ko mas mabuti na magtago nga ako sa loob ng police camp habang nagre-review." Sabi ni John kay Colonel Garcia.
"By the way, ano pala ang buo mong pangalan?" Tanong ni Col. Garcia kay John.
"Juan Marco Cortez po." Sagot ni John.
BINABASA MO ANG
The Semi-Virgin
RomanceIsang kwento ng dalaga na bagama't birhen ay may karanasan na sa mga lalaki dahil na rin sa mapait na pangyayari sa kanyang buhay. Hanggang kailan nya maiingatan ang puri? Maihahandog niya pa kaya sa lalaking minamahal ang iniingatan niya?