THE BEST FRIENDS MET
Ilang araw ang lumipas…….
“Huwag na huwag kayong titigil habang hindi nyo nahahanap ang may gawa nito sa akin! Habang buhay na damage ang ginawa sa akin ng gagong yun!” Ang galit na galit na sabi ni Don Pablo sa mga tauhan niya.
Nasa isang hideout ang lider ng Saturno Drug syndicate na kumpleto sa hospital facilities si Don Pablo. Doon siya dinala sa halip na sa hospital para hindi ma-trace ng mga pulis.
“Opo Don Pablo! Nakita na po namin yung bahay ng kaibigan niyang pulis at mapapaamin din po namin ang mga nakakakilala sa may gawa niyan sa inyo!” Ang sagot ng isa sa mga tauhan.
“Gawin nyo ang lahat para malaman kung sino at kung saan nakatira ang walanghiyang yun!” Galit na sabi ni Don Pablo.
Maya-maya ay humahangos na pumasok ang isang napakagandang babae sa loob ng kuwarto.
“Tito! Nabalitaan ko ang nangyari kagabi sa iyo kaya nagpunta agad ako dito! Ano po ang nangyari?” Tanong ng dalaga.
“Nasa meeting ako kagabi nang napagtripan ako ng grupo ng mga kabataan paglabas sa meeting. Yung pinaka-lider nila ay may baril pala at walang habas na pinaputukan ako. Mabuti na lang hindi ako namatay. Ipinapahanap ko na siya sa mga tauhan ko!” Pagsisinungaling nito.
“Tito! Sasama ako sa paghahanap! Ako mismo ang magdadala ng ulo niya sa harapan mo!” Ang seryosong sabi ng magandang babae.
“Huwag Mayari. Pabayaan mo ang mga tauhan ko sa bagay na ito. Ang asikasuhin mo ay ang pagbabantay sa anak ko.” Ang sabi ni Don Pablo.
Walang nagawa ang dalaga kundi sumunod na lang.
Isang linggo ang nakalipas…….
“Ate Michelle, wala pa rin bang balita kay John? Hindi ko makontak ang cellphone niya! Pati mga barkada at kaibigan niya ay walang balita sa kanya. Nasaan na kaya siya? Baka kung ano na ang nangyari sa kanya!” Ang umiiyak na tanong ni Kryztal.
“Wala rin akong balita eh. Nawala lang siyang bigla pero inireport na sa pulis pagkawala niya. Pati ako ay nag-aalala eh!” Ang nag-aalalang tugon ni Michelle.
“Sinabi ko naman sa iyo na walang mapapala ang pagmamahal na yan! Tingnan mo imbes na maging masaya ka eh problema pa dulot ng lalaking yun!” Ang balewalang sabi naman ni Kryzette.
“Tumahimik ka Kryzette! Kita mo nang nag-aalala kaming tatlo tapos ganyan ka pa! Palibhasa matigas ang puso mo at hindi mo kayang magmahal!” Ang sigaw naman ni Kryzel.
“Magsitigil na nga kayo!” Ang sigaw ni Michelle.
Biglang tumahimik ang lugar kung saan naroon sila Michelle at ang magkakapatid. Nasa vacant room sila sa loob ng school nila. Bandang 6pm na at wala ng tao sa building maliban sa kanila.
“Good Ate Michelle! Sinisigawan mo na kami!” Tumatawang sabi ni Kryzette.
“Ang mabuti pa ay umuwi na tayo. Ako na lang ang magtatanong tungkol kay John.” Ang mahinahong sabi ni Michelle.
Nang lumabas na ang mga babae sa kuwarto ay may isang security guard sa labas na nakangisi.
“Sira-ulo!” At tatawa-tawang lumakad ang security guard papalayo sa mga babae.
Naningkit ang mga mata ni Michelle habang tinandaan ang mukha ng security guard at niyakap ng mahigpit ang magkakapatid.
Kinabukasan ay agad kinausap si Michelle ng ama ng magkakapatid. Naikwento ni Michelle ang health condition ng magkakapatid sa ama nito.
“Iha, dadalhin ko sa makalawa ang mga anak ko para maipagamot sa abroad. Lalala ang kondisyon nila dito. Maiwan ka dito at tapusin mo ang pag-aaral mo. This time eh complete therapy ang gagawin sa kanila.” Sabi ng ama ng magkakapatid.
“Opo.” Malungkot na sagot ni Michelle.
Samantala, katatapos lang mag-enroll si Mae sa St. Michael University sa kursong Business Management. Lumipat siya mula sa San Deba para kalimutan ang mga pangit na nakaraan at makapagsimula ng panibagong buhay.
Mahigit isang linggo matapos ang pangyayari sa Love Nest Club ay natanggap na ng dalaga na wala na si John. Kailangan na niyang mag-move on at ipagpatuloy ang buhay.
Nakaramdam ng gutom si Mae kaya nag-decide siyang kumain sa canteen. Habang kumakain ay narinig nya ang usapan ng mga empleyado ng school.
“Kaninang umaga pala nakita yung katawan ni Mang Gusting sa likod ng generator room. May tama ng screw driver sa tenga nito na tumagos sa utak. Sabi ng pulis ay mukhang professional killer ang pumatay kasi masyadong malinis ang crime scene.” Sabi ng isang empleyado.
“Medyo may kabastusan ang matandang yun kaya hindi ako magtataka kung may pumatay sa kanya. Siguro may binastos na naman yun.” Ang sabi naman ng isa.
Ipinagpatuloy ni Mae ang pagkain nang magkaroon ng flash News sa TV.
“Sa Pangasinan, patay ang mag-asawa ng pagbabarilin ng mga hindi kilalang salarin sa loob mismo ng kanilang bahay. Inaaalam pa ng mga pulis kung may kinalaman ito sa pagkamatay ng dalawa nilang anak noong nakaraang linggo matapos ang failed operation ng pulisya laban sa mga miyembro ng Saturno Drug syndicate. Ang isa sa mga anak ng mga biktima ay operatiba na nagtangkang humuli sa lider ng Saturno Drug syndicate. At sa iba pang mga balita….”
Napatigil si Mae sa pagkain sa narinig mula sa TV. Ang Saturno Drug syndicate na sanhi ng kamatayan ng ama niya, ni Bruce at ni John ay malamang na siyang may kagagawan ng pagkamatay ng mag-asawa.
Magbabayad din sila balang araw sa loob-loob ni Mae.
Sa Camp Vicente Lim ng mga oras na yun ay galit na galit si John nang malaman na pati mga magulang ni Harold at Wilbert ay pinatay ng sindikato.
“John, ayon sa Intel report ay nalaman ng sindikato na magkapatid si Harold at Wilbert at na-trace nila na magkaibigan kayo ni Harold kaya pinuntahan ng sindikato ang mga magulang nila para alamin kung sino ka. Mga demonyo talaga ang sindikato na yan!” Ang sabi ni Colonel Garcia.
“Sir, pwede ba akong mag-join sa training ng mga pulis? Pagkapasa ko ng board exam ay magpupulis din ako para ako mismo ang susugpo sa kasamaan ng sindikatong yan.” Ang galit na sabi ni John.
“Pwedeng-pwede kang magpulis John! Ganito, kapag pumasa ka sa board examination ay mag-apply ka sa lateral entry sa Engineering Service para tinyente ka agad. Kapag opisyal ka na ay ipapa-pull out kita para ma-assign sa Special Ops.” Ang sabi ng koronel.
“Sige po sir! Pero sasabay na ako sa training para makapaghanda na ako.” Ang sabi ni John.
“No problem. Siyanga pala, hindi kayo pwedeng magkita ng kapatid ni Wilbert na si Yvette. Kailangan yun para sure na hindi ka mahahanap ng sindikato. Nangako ako na hindi ko pababayaan si Yvette. Nag-decide siyang maging kadete ng PNPA.” Tugon ni Colonel Garcia.
Natahimik si John. Awang-awa siya kay Yvette. Hindi nya kayang tumbasan ang pagmamahal nito sa kanya. Gustuhin man ni John na damayan si Yvette at hindi dahil na rin sa safety nilang dalawa.
Lumipas pa ang isang linggo at nagsimula na ang pasukan sa eskwela…….
Lumipad patungong U.S. ang magkakapatid na Kryztal, Kryzel at Kryzette para sa therapy at para doon na ipagpatuloy ang pag-aaral. Si Michelle naman ay naiwan para ituloy ang pag-aaral at para na rin maghintay ng balita mula kay John.
Mahaba na ang buhok ni Michelle ngayon at mas mukhang dalaga na kumpara noong una niyang makilala si John. Mas gumanda ito at mas lalong naging sophisticated ang dating. Ibang-iba na ang hitsura niya ngayon. Para siyang isang supermodel sa mukha, katawan at tindig.
Ganoon din naman si Mae. Mas gumanda ito at mas naging elegante. Hindi bakas sa kanya ang pagsubok na pinagdaanan. Maihahambing sa artista ang dating ni Mae na bukod sa maganda ay mukhang sosyal ito.
Nagsuot na rin si Mae ng salamin dahil na rin nag-aalala ito na baka may makakilala sa kanya na nagpupunta ng Love Nest kaya iba na rin ang porma at kilos niya kumpara ng una niyang makilala si Michelle at John.
Ang tadhana ay talagang mapaglaro. Iisang kurso, subjects, section at schedules ang nakuha ng dalawa. Dahil minsan lang silang nag-meet at ilang buwan na din ang lumipas ay hindi na nila nakilala ang isa’t-isa.
“Hello classmate. May nakaupo ba dito?” Ang tanong ni Michelle kay Mae.
“Ah wala. Sige upo ka.” Nakangiting sabi ni Mae.
Pinagtitinginan ng mga kaklase ang dalawa dahil magkatabi sa upuan ang dalawang animo’y diyosa sa kagandahan.
“By the way, I’m Michelle Angela Pelaez! You can call me Mitch! Ikaw?” Tanong ni Michelle.
“I’m Karla Mae Esmeralda. You can call me Karla.” Sabi ni Mae.
“I’m glad to meet you!” Nakangiting sabi ni Michelle.
“Me too!” Ang sagot ni Mae na nakangiti at nagkamay ang dalawa.
That moment ay nagkaroon ng instant connection ang dalawa. Never they have imagined na nagkakilala na pala sila and that their fates are iintertwined. At higit sa lahat, iisang lalaki lang ang minamahal nila.
BINABASA MO ANG
The Semi-Virgin
RomanceIsang kwento ng dalaga na bagama't birhen ay may karanasan na sa mga lalaki dahil na rin sa mapait na pangyayari sa kanyang buhay. Hanggang kailan nya maiingatan ang puri? Maihahandog niya pa kaya sa lalaking minamahal ang iniingatan niya?