THE RECRUIT
Lumipas ang mga araw at sumabak na sa training si John kasama ang mga pulis bilang civilian augmentation volunteer. Kasama nya rin ang iba pang kabataan na na-rescue ng mga pulis na biktima ng brutality ng Saturno Drug syndicate.
Pagkatapos ng training sa umaga ay magre-review siya sa hapon. Sa gabi naman ay tutulong siya sa paglilinis ng mess hall pagkatapos ng hapunan ng mga police recruits. Dahil sariwa pa sa alaala ni John ang pagkamatay ng kaibigan ay pinili ni John na sa next board examination na lang mag-take para sure na makakapasa siya. Ang isang taon na review ay sapat na para maka-focus siya sa review.
Iba na ang porma ni John ngayon. Wala na ang pormang rakista nito. Sa halip ay skinhead na siya at laging white t-shirt at maong pants ang suot katulad ng mga kasabay niyang police recruits. Minabuti nyang ganito ang porma niya para hindi siya mamukhaan ng sindikato.
Si Mae naman at Michelle ay lalong naging close sa isa’t-isa. Pareho nilang nalaman na pareho pala sila ng hilig tulad ng pagkanta at volleyball. Pero hindi sinabi ni Mae ang tungkol sa madilim na nakaraan nya. Ang tanging sinabi nya lang kay Michelle ay ang pagkamatay ng ama niya sa sunog.
Si Michelle naman ay nagkwento na siya ay inampon ng isang negosyante kaya naging kaibigan nya ang anak nito. Hindi na siya nagkwento tungkol sa magkakapatid dahil medyo sensitive ang sakit ng mga ito.
Isang gabi habang nagliligpit si John ng mess hall ay nakatawag ng pansin sa kanya ang isang babae. Parang modelo ito sa ganda kaya nagkainteres si John dito.
“Miss, hello! Ngayon lang kita nakita dito ah. Mag-ooffer ba kayo ng mga uniforms sa mga recruit?” Kompiyansang tanong ni John habang nagliligpit.
Napatingin ang babae kay John. Napansin ng babae na angat kaysa karaniwang recruit ang height, katawan at hitsura ni John pero halata kay John na sunog ito sa araw dahil sa training. Bukod dun ay may mga gasgas ang braso maging ang mukha nito na nakabawas ng malaki sa original na guwapong hitsura ng binata.
“Hindi. Ako ang supervisor ng catering service dito.” Medyo mataray na sabi nito kay John.
Nahalata ni John na parang turned-off ang babae sa pagiging striker nya sa kampo. Striker ang tawag sa mga gustong magpulis pero nagsisilbi sa kampo bilang all around boy habang naghihintay ng recruitment schedule.
Na-challenge si John sa inasal ng babae. Never that any girl turned him down. Minabuti nyang itago ang totoong pagkatao niya at subukan kung sasagutin siya ng babaeng ito despite his lowly status as a striker.
“Ako nga pala si John! Striker ako dito!” Nakangiting sabi ni John na parang proud pa sa pagiging striker.
Despite sa new look ni John ay kita ang magandang mata ng binata at ramdam ng dalaga ang confidence nito.
“Sarah. Sarah Delos Angeles. Excuse me, may aayusin pa ako!” Medyo mataray na sabi nito.
“Sure Sarah. Kung kailangan mo ng tulong like pagbubuhat, mga hugasin pati paglalaba at pagpaplantsa eh tawagin mo lang ako. Eksperto ako dyan!” Pagbibiro ni John.
“Whatever!” Mataray na sagot nito at iniwan si John na hindi lumilingon.
Medyo nairita siya at nainsulto sa inasta ng dalaga dahil parang mataas ang tingin nito sa sarili.
“Ipro-project kita! Mapapasagot din kita!” Ang sabi ni John sa sarili.
Pagkatapos ay nagtanong tanong si John at nalaman niya na si Sarah ay anak ng isang retired PNCO (Police Non-Commissioned Officer) at namamahala ng catering service ng kampo. Katatapos lang nito ng kursong pharmacy pero minabuti munang magtrabaho bago mag-take ng board exam.
“Bata, mataas ang standard ng babaeng yan. Madami nang nanligaw dyan pati na mga opisyal pero walang pumasa. Ayaw nya sa pulis kasi nadala na siya sa tatay nyang pulis na madaming kabit!” Sagot ng isang sarhento.
Nang malaman ni John ang mga bagay tungkol kay Sarah ay lalo itong naging desidido na mapasagot ito.
Nagpatuloy ang buhay ni John sa kampo at gabi-gabi ay kinukulit nya si Sarah. Kahit hindi siya pinapansin ng dalaga ay hindi naman timitigil si John sa pagpapapansin dito. Sa loob-loob ni John ay mukhang mahihirapan siya dahil bawas ang appeal nya dahil sa hitsura nya ngayon.
Sa police training, pare-pareho ang suot, ang buhok, ang kulay at kutis kaya halos hindi mo talaga sila makilala sa isa’t-isa. Para silang mga itlog na nasa tray.
Napansin naman ni Sarah ang persistence ni John at kahit papaano ay gumagaan ang loob nya sa binata. Nakita ng dalaga na maaalahanin ito, sweet, caring, funny at gentleman bukod sa matalino ito. Yun nga lang, college undergraduate ang pakilala ni John dito.
Isang araw ay may activity sa gym at nag-cater ang catering services nila Sarah. Tiyempo naman na nagkakasiyahan ng oras na yun at nabunot si John para magbigay ng isang presentation sa klase.
Tumayo si John at kinuha ang gitara para tumugtog. Nang magsisimula na siya ay nakita nya si Sarah na isinu-supervise ang mga tao sa pag-aayos ng mga mesa.
“Classmates, ladies and gentlemen! I would like to dedicate this song to the girl who gave me inspiration these past few days. Salamat sa pagtityaga mo sa pangungulit ko. Anyway, I hope you like this song. Sarah, this is for you!” Ang sabi ni John.
Nagulat si Sarah nang marinig si John. Masyadong maganda ang pagsasalita nito na animo ay sanay na sanay sa public speaking. Besides, confident ito at halata na mataas ang IQ.
Lalong nagulat si Sarah ng kantahin ni John ang Love of my Life ng Queen na despite sa kalumaan nito ay mahirap itong kantahin. Bukod dun ay acoustic version ang accompaniment ni John sa gitara. Napahanga si Sarah kay John dahil paborito nya ang kantang yun.
At that instance, naramdaman ni Sarah na na-attract siya kay John.
Natapos ang kanta ni John na puno ng palakpakan at biruan. Tinawag pa ng drill sergeant si Sarah sa harapan para tabihan si John. Puno ng kantiyawan at sigawan ang maririnig sa mess hall.
“I now pronounce and announce you Man and Wife!” Pang-aasar ng drill sergeant.
“Kiss! Kiss!” Sigaw ng mga recruits.
Inakmaan ni Sarah ng suntok si John ng pormang hahalikan siya ng pabiro ni John. Noon ay alam na ni John na bibigay na din si Sarah sa mga susunod na araw.
Nagpatuloy ang review at training ni John ng mga sumunod na araw at unti-unti ay nahuhulog ang loob ni Sarah kay John. Si John naman ay originally na-challenge lang kay Sarah pero nagustuhan nya na rin bandang huli.
Although hindi yun kasingtindi ng pagmamahal nya kay Mae or kay Michelle at Kryzel ay hindi hamak na mas higit yun kay Yvette. Na-guilty siya ng maalala si Yvette. Hindi nya natumbasan ang pagmamahal ng kaibigan sa kanya.
“Hello Sarah! Flowers for you!” Ang nakangiting bati ni John kay Sarah sabay abot ng isang bouquet ng bulaklak dito.
Tuwing hapon lang nakikita ni John si Sarah dahil tuwing tanghali ay nasa Camp Castañeda ang dalaga para dun mag-supervise ng catering.
“Salamat John!” Reply naman ni Sarah.
“May pag-asa ba ako?” Tanong ulit ng binata.
“Hmm….tingnan natin!” Nakangiting sagot ng dalaga at bumalik sa ginagawa.
“Sarah, napapapansin kong nagiging malapit ka sa lalaking yan. Nalaman ko na hindi naman pala yan mag-pupulis! Talagang striker lang siya dito! Kung pipili ka ng lalaki eh yung may sinabi naman at hindi yung basta-basta!” Ang sabi ng tiyahin ni Sarah.
“Mukha naman po siyang mabait, matalino at responsableng tao!” Pagtatanggol ni Sarah.
“Ang dami dyan na higit sa kanya!” Ang dugtong ng ina ni Sarah.
Nagkibit-balikat lang si Sara pero tinimbang sa sarili ang sinabi ng tiyahin at ng ina. Medyo dismayado ito dahil may nakapagsabi sa kanya na hindi naman talaga magpupulis si John.
Isang araw ay may dumating na martial arts instructor para turuan ang mga trainees ng self-defense. Maraming humanga dito dahil mukhang epektibo ang itinuturo nito maliban kay John. Dahil napuyat sa review ay aantok-antok ang binata na siyang ikinaiinis ng instructor.
“Bata! Mukhang kaya mong depensahan ang sarili mo kaya hindi ka nakikinig!” Ang maangas na sabi nito kay John.
“Pasensiya na po sir puyat lang po. Alis na lang po ako para hindi nakaabala sa klase nyo.” Ang magalang na sabi ni John.
Napansin ng instructor ang magandang tindig ni John.
“May alam ka ba sa self-defense?” Tanong nito kay John.
“Konti lang po.” Mapagpakumbabang sagot ng binata.
“Good! Dito ka at ipakita mo sa akin!” Nakangising sabi ng instructor na confident sa sariling kakayahan.
Nahalata ni John na gusto siyang ipahiya ng lalaki sa harap ng mga kasama kaya naisip niyang bigyan ito ng lesson.
“Pass po muna ako. Sa ibang araw na lang po sir!” Ang sagot ni John.
“Bakit? Natatakot ka?” Ang mayabang na tanong nito.
“Nagkakamali po kayo. Ayaw ko kayong masaktan ng mga kasama mo kaya tumatanggi ako!” Seryosong sabi ni John at tumingin ng matalim sa lalaki.
BINABASA MO ANG
The Semi-Virgin
RomanceIsang kwento ng dalaga na bagama't birhen ay may karanasan na sa mga lalaki dahil na rin sa mapait na pangyayari sa kanyang buhay. Hanggang kailan nya maiingatan ang puri? Maihahandog niya pa kaya sa lalaking minamahal ang iniingatan niya?