TEAM LAKAN
Lumipas pa ang mga araw at linggo at lalong umigting ang pagmamahalan ni John at Sarah. Natanggap na rin ni Yvette na talagang hindi magiging kanya si John kahit kailan. Ilang buwan na lang at magiging kadete na siya kaya makakalimutan nya rin si John.
Si Mae at Michelle naman ay lalong naging close bilang magkaibigan. Bagaman at close ay may kanya-kanyang lihim sila na hindi pa nila kayang aminin sa isa’t-isa. Samantalang si Kryzel at mga kapatid nya ay sa U.S. na nagpatuloy ng pag-aaral kasabay ng therapy sa sakit nila.
Isang araw……
“John, kumusta ang training mo sa mga fighters natin?” Tanong ni Colonel Garcia.
“Kuya Peter, yung tatlo sa kanila eh pwede nang isabak sa laban. Nasa kundisyon na sila at malaki ang tiwala ko na mananalo sila sa laban.” Ang sagot ni John.
Minabuti ni Colonel Garcia na tawagin siyang kuya ni John para na rin maramdaman ng binata na pamilya ang turing nya sa mga iniligtas nila. Likas na mabuting tao si Colonel Garcia kaya maraming mga tauhan niya ang gusto siyang kasama lagi.
“Good! Alagaan mong mabuti ang mga yan para hindi maargabyado sa laban! Siyanga pala, eto si Marvin. May potential itong batang ito. ” Ang sabi ni Colonel Garcia sabay turo sa isang eighteen year old na lalaki.
“Hello kuya! Nakita ko kung papaano mo tinalo yung instructor kaya gusto kong magtrain sa yo!” Magiliw na sabi nito kay John.
Natuwa si John pagkakita kay Marvin. Pinakabata ito sa mga tuturuan nya at mukhang pinakamasayahin sa kanilang lahat. Magaan agad ang loob ni John sa binata.
“Sure! Basta para tayong pamilya dito ha? Kapag may problema eh sabihin agad para sama-sama nating lulutasin!” Sabi ni John.
Tulad ni John, lahat sila ay nasagip sa iba't ibang operasyon ng pulisya at nasa ilalim ng proteksyon ng pulisya. Parang nakatatandang kapatid sa kanila si Colonel Garcia o kuya Peter kung tawagin nila at tinuturing siyang pamilya ng grupo nila John.
“Kapag ready na kayo ay lalaban kayo sa Mixed martial arts tournament sa mga susunod na buwan kaya magtrain kayong mabuti. Huwag kayong mag-alala dahil puro alyas ang gagamitin nyong pangalan sa laban para walang makakilala sa inyo.” Ang sabi ni Colonel Garcia.
Pagkatapos ay iniwan ni Colonel Garcia sila John habang patuloy ang grupo sa pagsasanay. Nang matapos ang training ay deretso naman si John sa kuwarto para mag-review para sa board examination.
Pagdating ng gabi ay muli silang nagkita ni Sarah at sinabi ng dalaga na gusto siyang makausap ng ama nito.
“Ngayon na ba talaga?” Gulat na tanong ni John.
“Oo. Naisip ko din na dapat makilala ka ng mga magulang ko kasi boyfriend kita tapos hindi ka nila kilala.” Malambing na sabi ni Sarah.
“Eh di sige. Punta tayo ngayon.” Ang sabi ni John.
Naglakad ang dalawa papunta sa bahay nila Sarah na nasa likod lang ng kampo. Pagdating sa bahay ay inabutan nila ang mga magulang at ibang kamag-anak ni Sarah na ikinagulat ng magkasintahan.
“Tatay, ‘nay bakit naman nandito pa ang mga tiya at tiyo pati na ang mga pinsan ko?” Medyo inis na tanong ni Sarah.
“Gusto naming makilala ang boyfriend mo. Ikaw ang pinakamaganda sa inyong magpipinsan kaya gusto namin malaman kung anong klase ang boyfriend mo.” Sagot naman ng isang tiyahin ni Sarah.
Pakiramdam ni John ay sasalang siya sa panel interview ng defense sa research. Mukhang gigisahin siya ng mga ito kaya minabuti nyang i-introduce ang sarili.
“Magandang gabi po. I’m Juan Marco Cortez also known as John by my friends. Kasalukuyang po akong striker sa kampo and I’m hoping to be a police officer someday. Huwag po kayong mag-alala dahil mahal ko po si Sarah at gagawin ko ang lahat para maging masaya siya lagi.” Ang sabi ni John.
Confident siyang nagsalita pero medyo may kaba siya sa isang tao. Ang ama ni Sarah. Hindi nya maintindihan ang sarili pero ninenerbiyos siya sa ama ng girlfriend.
“Kaya mo na bang buhayin ang anak ko? Ano ang pinag-aralan mo? Paano mo maipagmamalaki ang pagiging striker mo?” Sarkastikong tanong ng ama ni Sarah.
Medyo nabastusan si John sa tono ng salita nito pero naisip nya na hindi pa panahon para ipaalam kung sino talaga siya. Delikado pa ang sitwasyon at baka hinahanap pa siya ng mga miyembro ng Saturno Drug syndicate.
“Sa ngayon po ay wala pa dahil hindi pa po dumarating ang panahon. Pero tulad po ng diamond ay isa pa lang po akong uling (coal) pero nasa stage pa po ako patungo sa pagiging diamond. Balang araw po ay tataas ang halaga ko.” Matalinhagang sagot ni John.
“Masyado kang makata iho. Panindigan mo ang sinabi mo.” Sagot ng ama ni Sarah.
Nagpatuloy ang ‘interrogation’ kay John ng mga kamag-anak ni Sarah. Sa huli ay iisa ang conclusion nila; hindi bagay sila Sarah at John dahil walang tinapos ang binata at walang magandang trabaho. Binalewala nila ang talino at iba pang magagandang katangian ni John.
Dismayado si Sarah sa pamilya at kamag-anak dahil sa panghuhusga nila sa binata. Pero sa likod ng isip ni Sarah ay may katotohanan ang sinabi ng mga ito. Ano ang mapapala niya sa isang striker?
Nagpaalam si John kay Sarah at sinabihan ang kasintahan na balang araw ay ipagmamalaki siya ng babae. Nagtaas ng kilay si Sarah at medyo na-offend si John. Pati pala si Sarah ay nagdududa sa kakayahan niya. Di bale, sosorpresahin nya ang dalaga sa resulta ng board examination ilang buwan simula ngayon.
Patutunayan nya na siya ay isang diamond na nagkukunwaring mumurahing bato.
Nang oras na yun ay hindi makatulog si Michelle. Halos apat na buwan na ang nakalipas buhat ng mawala si John pero hanggang ngayon ay wala pa din siyang balita dito.
Madaming nagkakagusto kay Michelle pero halos lahat ay takot manligaw sa dalaga dahil bagaman at palakaibigan ito ay hostile naman siya sa mga nagpapahayag ng damdamin sa kanya. Ngayon lang siya nagmahal and she promised to herself na hindi nya pahihirapan sa panliligaw si John kung liligawan siya nito.
Ngayon na walang nakakaalam ng kinaroroonan ni John ay nawawalan na siya ng pag-asa na makita ang binata.
Maya-maya ay naka-receive siya ng tawag mula sa tatay nila Kryzel.
“Iha, bukas ay pupunta na ako sa U.S. para matutukan si Kryzel. Ilang buwan na din akong pabalik-balik sa Pilipinas at hindi ko sila maasikaso. Iiwan ko na lang sa mga pinagkakatiwalaan ko ang mga negosyo ko dito. Balitaan mo na lang ako sa mga ibinilin ko sa iyo.” Ang sabi ng ama ni Kryzel.
“Opo tito. May ipapatrabaho ba kayo sa akin?” Alinlangan na tanong ni Michelle.
“Wala. Mag-concentrate ka sa pag-aaral mo para matulungan mo si Kryzel in the future.” May iba pang ibinilin ang ama ni Kryzel bago tinapos ang tawag.
Nakahinga ng maluwag si Michelle dahil walang ibang utos ang tatay ni Kryzel. Mabait sa kanya ang tatay ni Kryzel dahil para na ring anak ang turing sa kanya nito pero may mga utos itong labag sa kalooban niyang sundin. Naisipan nyang tawagan ang sister-in-law ng ama ni Kryzel kaya kinuha nya ang cellphone at dinayal ito. After few rings ay sumagot ang nasa kabilang linya.
“Michelle napatawag ka?” Tanong ng kausap.
“Tita Emy, kailan ang punta mo sa U.S.? Pati ba yung pharmaceutical business ni tito Paul ay ikaw ang magha-handle?” Tanong ni Michelle.
Medyo nabigla si Emy sa tanong ni Michelle. Never kasi siyang nakiaalam sa pharmaceutical business ng bayaw.
“Alam mo naman Michelle na sa lahat ng negosyo eh yung pharmaceutical ang ayaw ko. Kinausap ako ni Paul at after graduation sa College ni Kryzel ay ipapamana sa kanya yung lahat ng businesses except the pharmaceutical. Gusto ni Paul na si Kryzel ang mag-handle ng lahat ng yun. Kaya pagbutihin mo ang pag-aaral mo para matulungan mo si Kryzel na i-manage lahat ng negosyong ipapamana sa kanya!” Ang sabi ni Emy.
“Mabuti naman po at hindi kasama yung pharmaceutical business. Anyway tita, samahan mo ko ako this weekend. Lalaban kasi ako sa MMA tournament para mapraktis ako. Medyo kinakalawang na kasi ako eh.” Ang sabi ni Michelle.
“Ikaw kinakalawang? Maniwala ako! Araw-araw eh eh nagprapraktis ka tsaka you’re a martial arts genius. Teka baka na-inlove ka at napabayaan mo training mo?” Curious na tanong ng babae.
“Ah eh tita, ang totoo nyan eh…”At nagkwento si Michelle tungkol kay John.
“My God! You and Kryzel are both in-love with the same guy! Kawawa naman si Kryzel at siguradong nag-aalala siya sa binatang yun. Made-depress siya at baka lumala kundisyon nya. I hope na safe yung guy at sana eh makita mo na siya.” Napabuntong-hininga si Emy.
“Oo nga tita Emy. Anyway, basta samahan mo ako this weekend!” Ang sabi ni Michelle.
“No problem! Sa yo ako pupusta!” Tumatawang sabi ni Emy at tinapos ang pag-uusap kay Michelle.
Hindi lang basta personal bodyguard siya ni Kryzel kundi parang magkapatid ang turingan nila at alam ni Michelle na dapat ay lagi siyang nasa kundisyon para mapangalagaan ang dalagita. This weekend ay sasali siya sa MMA tournament hindi para sa pera kundi para mahasa ang kakayahan niya.
Kinabukasan ay pinuntahan ni Colonel Garcia si John sa MMA training.
“John, may biglaang invitation this weekend sa MMA tournament. Ready ba mga bata natin?” Seryosong tanong ni Colonel Garcia.
“Ready na kami kuya Peter!” Ang sagot ni Nikko na isa sa mga tinuturuan ni John.
“Oo kuya Peter! Ready na kami!” Ang sagot naman ni Obet na isa rin sa grupo.
“Good! Mag-relax na muna kayo para nasa kundisyon kayo this weekend. Mauuna ang female fight then susunod ang mga lalaki. Ano pala ang magandand tawag sa grupo nyo?” Tanong no Colonel Garcia.
“Team Lakan kuya Peter.” Simpleng sagot ni John.
BINABASA MO ANG
The Semi-Virgin
RomanceIsang kwento ng dalaga na bagama't birhen ay may karanasan na sa mga lalaki dahil na rin sa mapait na pangyayari sa kanyang buhay. Hanggang kailan nya maiingatan ang puri? Maihahandog niya pa kaya sa lalaking minamahal ang iniingatan niya?