DIYOSA NG DIGMAAN
Sabado…..
“Mag-iingat ka love sa laban mo ha?” Nag-aalalang sabi ni Sarah kay John bago sumakay ang binata sa sasakyan.
“Huwag kang mag-alala love. Hindi naman away yun kundi sports lang kaya hindi delikado. Kapag nanalo ako eh date tayo. Kapag natalo eh date pa rin tayo!” Ang biro ni John kay Sarah at hinalikan ito pagkatapos.
Kumakaway si Sarah habang nakatingin sa papaalis na van nang lapitan siya ng tiyahin at ng ina.
“Kukunin pala niya sa pakikipagbasagan ng mukha yung pang-date nyo! Sana eh matauhan ka Sarah!” Ang sabi ng ina.
Nasaktan si Sarah sa sinabi ng ina pero hindi nya magawang ipagtanggol si John dahil may katotohanan ang sinabi nito. Sa isip ni Sarah ay hindi sapat ang kinikita ni John bilang striker kaya lalaban ito sa MMA. Ayaw ni Sarah na masaktan si John pero somehow ay naniniwala siyang mananalo ito.
Iniwan nya ang ina at ang tiyahin para ipagpatuloy ang trabaho. Mahal niya si John pero totoo ang sinasabi ng mga kamag-anak niya na hindi nya maipagmamalaki si John dahil striker lang ito.
Nang oras na yun ay nasa venue na si Michelle at nagwa-warm up na para sa laban. Walo silang babae kaya tatlong laban ang gagawin ni Michelle hanggang championship. Alam ni Michelle na mananalo siya dahil mas higit pa sa laban na ito ang mga pinagdaanan niya. Kahit mga special forces ng AFP at PNP ay mahihirapan sa mga pinagdaanan ni Michelle.
“Ladies and gentlemen, our first fight for the women’s category tonight is between Diwata and Dark Rose! Let the fight begin!” Sigaw ng announcer.
Diwata ang alias nya sa MMA fight na bagay na bagay sa kanya na mukhang anghel sa kagandahan pero mapanganib.
Sa isang iglap ay naglaban ang dalawang babae. Maskulado at mukhang lalaki ang kalaban ni Michelle kaya marami ang nag-aakalang matatalo si Michelle pero laking gulat ng lahat na animo’y batang pinaglaruan ni Michelle ang kalaban at natalo ang kalaban via knock out.
Malakas na palakpakan ang maririnig sa audiences nang itaas ng referee ang kamay no Michelle.
Ganun pa din ang nangyari sa sumunod na laban ni Michelle kontra kay Busty Beast. Nanalo si Michelle via submission.
“Michelle, hindi ka man lang pinawisan! Yan ba ang wala sa kundisyon?” Natatawang sabi ni Emy habang papunta sila ni Michelle sa dressing room.
“Yung susunod eh medyo mahusay kaya baka pagpawisan na ako!” Pabirong sabi ni Michelle.
Alternate ang laban sa ring kung saan pagkatapos ng babae ay lalaki naman ang susunod na maglalaban. Nang makababa sa ring si Michelle ay pumanhik naman si John kaya hindi nagkita ang dalawa.
Bandang huli ay naipanalo lahat nila John ang lahat ng laban at magkikita sila ng mga susunod na makakalaban sa championship rounds maya-maya lang.
“Kuya Nikko! Hanep yung tsiks na nanalo sa mga laban kanina! Napakaganda pero napakahusay! Akala ko eh napanood ko ng personal si Wonder Woman eh! Kahit yata lalaking fighter eh kaya nyang patulugin! Ibang klase siya!” Ang sabi ni Marvin na kanina pa nanonood ng laban.
“Weh? Di nga? Sayang at hindi namin mapapanood. Kailangan nasa dressing room lang kami para hindi ma-distract!” Ang sabi ni Nikko.
Dumating ang championship round para sa women’s division. Ang makakalaban ni Michelle ay ang reigning champion na si Ronda Rapido na kilalang malupit sa kalaban.
“Michelle, mukhang lugi ka sa makakalaban mo.” Iiling-iling na sabi ni Emy.
“Bakit naman tita?” Nagtatakang tanong ni Michelle.
“Ang ganda-ganda mo kaya halata yung pasa o sugat kapag tinamaan ka pero tingnan mo ang makakalaban mo. Kahit ilang tama ng suntok at sipa ang abutin ay hindi halata!” Nakatawang sabi ni Emy.
“Tita! Ang sama mo!” Napatawa din si Michelle.
Ilang sandali pa at tinawag na sila ng referee. Pagkatapos makipagkamay ay sinimulan na ng dalawa ang laban. Sa simula ay tinatantiya pa ni Michelle ang kalaban pero after a few moves ay nahuli nya na ito kaya sa isang iglap ay nagpakawala si Michelle ng sunod-sunod na suntok at sipa na nagpatumba sa kalaban. Maya-maya ay hindi na makabangon ang kalaban ni Michelle at nanalo siya via knock out.
Hiyawan ang mga tao nang matapos ang laban. Hindi sila makapaniwala na animo’y isang diyosa ng digmaan kung makipaglaban si Michelle. Napakagandang babae pero siguradong madaming magdadalawang isip na ligawan siya.
Matapos ang laban ay lumakad papuntang dressing room si Michelle at Emy. Habang naglalakad ay tiyempo namang lumabas si John sa dressing room at nasulyapan ang nakatalikod na si Michelle. Na-attract si John sa porma ni Michelle at gusto nya sana itong sundan pero hinatak siya ng corner nya dahil magsisimula na ang laban niya.
Napatingin din si Michelle kay John na noon ay papunta na sa ring. Hindi nya nakilala ang binata dahil sa skinhead na buhok nito at sa maitim na kulay ng balat. Ang napansin nya lang dito ay maganda ang pangangatawan nito na para bang isang Greek god.
Tulad ni Michelle, reigning champion din ang makakalaban ni John. Malaki ang katawan nito at mabagsik ang mukha. Kung ikukumpara si John at ang makakalaban ay parang paglalabanin ang isang battle tank at isang muscle car. Mukhang modelo si John samantalang mukhang construction worker naman ang kalaban niya.
Nagsimula ang laban pagkatapos magkamay ang dalawa at sa isang iglap ay nagpakawala ng sunod-sunod na suntok ang kalaban na nagawang madepensahan ni John. Bandang huli ay nag-counter si John at napatulog ang kalaban. Ang muscle car na naturingan ay isa palang super car na si KITT ng TV series na Knight Rider kaya hindi uubra kahit pa battle tank ang kalaban.
Nang gabing yun ay nakuha nila ang titulong Madirigma kung saan si John ang pinakasikat sa kanila. Tuwang-tuwa si Colonel Garcia sa panalo nila John at nangako na magce-celebrate sila sa kampo.
Nakaalis na si Michelle at Emy ng oras na yun at hindi na hinintay pa ang mga ibang laban kaya na-miss nya ang opportunity na makita ang lalaking pinaka-mamahal niya. Nakuha na ni Michelle ang gusto nya. Ang magpraktis sa malalakas na kalaban.
Agad tinawagan ni John si Sarah para ibalita dito ang tagumpay niya. Nakahinga ng maluwag si Sarah nang malaman na safe si John. Kahit paano ay proud siya sa panalo ng boyfriend.
“John, maganda ang record ng grupo nyo ngayong gabi. Panalo kayong apat sa mga laban nyo. Sa susunod na laban ay mataas na ang prize money!” Nakangiting sabi ni Colonel Garcia.
“Sa next fight ay isalang natin si Marvin. Mukhang may ibubuga ang batang yun!” Sabi ni John.
“Basta sumama lang kayo sa daily routine ng mga recruit para cross-training nyo na rin!” Ang sabi ni Colonel Garcia.
Masayang bumalik sa dressing room ang grupo ni John at maya-maya pa ay bumalik na sila sa kampo sakay ng van.
Naulit ang mga laban nila John nang mga sumunod na linggo at tulad ng naunang mga laban ay panalo silang lahat. Nagsimula na ring lumaban si Marvin at nagulat sila dahil natural fighter ito. Despite sa batang edad ay napakahusay na nito.
Laging sinasabi ni Marvin na idol nya si John. Nakita ni John na obsessed ito sa MMA kaya sinasabihan ito lagi ni John.
“Marvin, mas maganda kung mag-aral ka ng ibang skills para magkaroon ka ng trabaho pagkatapos ng protective custody mo dito sa kampo. Hindi pwedeng puro MMA ang iisipin mo.” Paalala ni John.
“Ok Kuya!” Ang sabi ni Marvin na mukhang nanggaling sa ilong ang reply.
Lumipas ang ilang buwan at kilalang-kilala na ang Team Lakan sa MMA tournament. Si John ay tinaguriang Bathala na hango sa Philippine mythology dahil sa husay nito at si Marvin naman ay binansagang Sidapa na hango din sa Philippine mythology.
Hindi na lumaban ulit si Michelle kaya naging misteryoso ang pangalang Diwata. Nagpatuloy siya sa pag-aaral niya kasama si Mae na noon ay naka-recover na sa mga masaklap na bagay na nangyari sa buhay nya.
Paminsan-minsan ay naaalala ni Mae si John at hindi nya maiwasan na malungkot. Ganoon din naman si Michelle. Sa halos isang taon simula ng mawala si John ay nawalan na siya ng pag-asa na makita ulit ang binata. Gusto man niyang mag-move on ay hindi nya kaya kahit pa may mga nanliligaw sa kanya. No one can replace John in her heart.
Sa mga buwan na nakalipas ay medyo nag-iiba ang attitude ni Sarah. Dahil nga para itong princess kung tratuhin ni John ay sumosobra na ito. Nagiging spoiled brat ang dalaga. Nagiging demanding din ito at madalas ay napapagtaasan ng boses si John kapag wala sa expectation niya ang sinabi at ginawa ng binata.
“Sarah, huwag mo namang ganyanin yang boyfriend mo at baka magsawa yan sa yo. Ang bait kaya nya!” Paalala ni Grace.
“Kung mahal nya talaga ako eh tatanggapin nya kung ano ako. Kasi tinanggap ko siya bilang siya!” Depensa ni Sarah.
“Pero hindi nya naman kasalanan kung bakit hindi siya tapos at striker lang siya! Pero yung ginagawa mo sa kanya ay hindi tama at nakaka-insulto sa pagkalalaki! Sana ay maisip mo yun!” Iritadong sabi ng kaibigan.
Natanim kasi sa isip ni Sarah ang mga sinasabi ng mga kamag-anak niya na makikita mo ang pagmamahal ng lalaki kung susubukin nya ito kung hanggang saan ang kaya nitong tiisin. Hindi na naisip ni Sarah na sumosobra na siya at malaki ang pagkakamali ng mga tiyahin nya na i-manipulate ang isip nya.
Isang buwan na lang at magta-take na ng board exam si John kaya naisipan nya na bigyan ng sorpresa si Sarah once na lumabas na ang resulta nito. Nangako si Colonel Garcia na kukunin nya sa special ops si John kapag naging opisyal na ito kaya tiwala si John na maipagmamalaki na siya ni Sarah at hindi na siya mamaliitin ng mga kamag-anak nito.
Magkakaroon siya ng matatag na hanapbuhay at magandang career kapag naging tinyente na siya. Besides ay makakapagpractice pa siya ng pagiging inihinyero kapag pinili nyang ma-assign sa PNP Engineering Service.
Kinausap ni John si Obet na kasama nya sa Team Lakan na ito na ang maghanap ng event coordinator para sa birthday surprise nya kay Sarah after lumabas ang resulta ng board examination. Top secret operation kung baga kaya todo-ingat nila para walang makaalam ng birthday surprise ni John para kay Sarah.
Maraming pera si John mula sa kinita sa mga laban kaya gusto nya ay engrande ang surprise nya. Ipinangako niya sa sarili na hindi makakalimutan ni Sarah kailanman ang surprise nya dito.
BINABASA MO ANG
The Semi-Virgin
RomanceIsang kwento ng dalaga na bagama't birhen ay may karanasan na sa mga lalaki dahil na rin sa mapait na pangyayari sa kanyang buhay. Hanggang kailan nya maiingatan ang puri? Maihahandog niya pa kaya sa lalaking minamahal ang iniingatan niya?