THE FAKE GEM
Tatlong araw matapos ang board examination ay lumabas na ang resulta nito. Pang-3rd place si John sa Top Ten kaya naman tuwang-tuwa siya. Ayaw nya pa itong ipaalam kahit kanino kaya minabuti nyang sabihin muna yun kay Colonel Garcia.
“Congratulations John! Ibang klase ka talaga! Tamang-tama! Next quarter ay start na ng processing para sa lateral entry sa PNP kaya sure ako na papasa ka!” Very proud na sabi ni Colonel Garcia.
“Kuya wala munang makakaalam nito lalo na si Sarah at pamilya nya! Gusto ko siyang i-surprise sa birthday nya!” Ang sabi ni John.
“Huwag kang mag-alala John!” Nakangiting sabi ni Colonel Garcia at iniwan si John.
Nang hapon na yun ay masayang pinuntahan ni John si Sarah.
“Sarah! My love! Labas tayo sa birthday mo! Ako ang bahala!” Ang masayang sabi ni John.
Simula ng ibigay ni Sarah ang sarili nya kay Condrado ay ilang araw na siyang inuusig ng kunsensiya. Alam nya na dapat ay nakipaghiwalay muna siya kay John bago nya ginawa ang bagay na yun. Pero ano ang dahilan para makipaghiwalay siya? Napakabuting tao ni John! Dahil sa pera? Napakababa ng pagkatao nya kung ganoon.
“Sige love! Magkasama tayo sa birthday ko buong hapon!” Ang sweet na sagot ni Sarah.
Gustong bumawi ni Sarah sa pagkakamali nya at ayaw niyang saktan si John. Pagkatapos ng birthday nya ay doon nya sasabihin sa kasintahan na may iba na siyang nagugustuhan. Tama ang tiyahin, ama at ina niya. Hindi siya mabubuhay sa pagmamahal lang.
Nagpatuloy ang pagkukwentuhan ng magkasintahan hanggang sa maghiwalay sila bandang hapon. Pinatatag ni Sarah ang kalooban nang makita kung gaano kasaya si John habang kasama siya.
Gusto naman puntahan ni John si Yvette ng oras na yun pero alam niyang nagtra-training na bilang PNPA cadet ang kaibigan kaya dadalawin nya na lang ito pagkatapos ng birthday ni Sarah kasama si Colonel Garcia.
Naglalakad si John pabalik sa quarters nang tawagin siya ni Marvin.
“Kuya John! May invitation sa akin para sa underground MMA. Triple ang premyo! Gusto kong sumali! Baka pwedeng samahan mo ako!” Sabi ni Marvin.
“Naku underground yan kaya walang rules. Although mga pipitsugin ang mga kalaban dyan eh may madadaya dyan!” Ang warning ni John.
“Kayang-kaya ko to! Kita mo naman di ba? Sige na kuya! Kailangan ko ng pera eh! Wala akong alam na ibang pagkakakitaan!” Ang sabi ni Marvin.
Parehong pinatay ng sindikato ng droga ang mga magulang ni Marvin kaya naging kagustuhan ni Marvin na makapasok sa pulisya. Sa kasamaang palad, hindi siya nakatapos ng high school. Laging sinasabi ni John kay Marvin na mag-aral ng ilang technical skills para magkaroon siya ng magandang kinabukasan pero nahilig ito sa martial arts.
“Sige na nga pero wala kang pagsasabihan nito!” Ang bilin ni John.
“Alright!” Tuwang-tuwang sabi ni Marvin at patalon-talon ng umalis.
Iiling-iling si John sa kilos ng binata. Para itong bata kung umasta.
Nang oras na yun ay kausap ni Sarah ang kaibigan.
“My God Sarah! Alam mo ba yang ginawa mo? Kilala mo na ba ng lubusan yang Condrado na yan? Baka abot langit ang pagsisisi mo kapag mali ang desisyon mo!” Ang galit na sabi ng kaibigan niya.
“Buo na ang pasya ko. Tama ang nanay at mga tita ko. Hindi ako kayang buhayin ng pagmamahal lang.” Ang sagot ni Sarah.
“Mahal na mahal ka nung tao! Nagpa-under siya sa iyo kahit hindi ka pa asawa! Kung pagtaasan mo siya ng boses ay wala kang pakiaalam sa mararamdaman niya! Kung magsalita ka ay parang ikaw lagi ang tama! At wala siyang karapatang magdesisyon dahil ikaw lagi ang nasusunod! Daig mo pa ang bata! Para ka kayang tumama sa lotto kay John! One of a kind siya!” Sabi ng kaibigan na si Grace.
“Oo wala siyang magandang trabaho pero masipag siya at gumagawa ng paraan. Tsaka malay mo kung sinusubukan ka lang niya kung mamahalin mo siya despite of being uneducated pero highly educated pala siya? Eh di ipinagpalit mo ang isang diamond sa ginto!” Dagdag pa nito.
Tinamaan si Sarah sa sinabi ng kaibigan. Hindi na siya nangatuwiran dahil alam niyang tama ito.
Kinabukasan ay nagulat si Sarah nang makitang maaga pa ay nandoon na si Condrado sa mess hall. Alam ni Sarah na pagkatapos ng kainan ay darating na si John para magligpit ng hall kaya hindi nag-alala si Sarah na makita si Condrado. Usapan nila ay aalis agad ang lalaki kapag dumating na ang mga recruit.
“Hello sweetheart! Miss me?” Nakatawang sabi ni Condrado at niyakap si Sarah at hinalikan sa labi.
Walang tao ng mga oras na yun kaya sinagot ni Sarah ng halik ang halik ni Condrado. Walang kaalam-alam ang dalawa na nasa gilid si John at balak surpresahin si Sarah para ibigay ang isang bagong iPhone 15 sa dalaga.
Hindi makakilos si John sa nakita at gusto nyang sugurin ang dalawang taksil. Pero pinakalma ni John ang sarili at sinabi sa sarili na hindi siya deserve ni Sarah. Type nya lang si Sarah at hindi mahal noong una pero pagtagal ay nahulog din ang loob nya dito kahit papaano. Pero dahil nga sa minamaliit siya ng pamilya nito ay nagdalawang-isip siya kung para nga ba sila sa isa’t-isa.
Ewan nya kung mahal nya talaga ang babaeng ito o dahil lang ba sa na-challenge siya dito dati at nahulog ang loob pero ang sigurado siya ay natapakan nito ang pagkalalaki nya sa eksena ngayon.
Huminga siya ng malalim at lumayo sa mess hall. Sa makalawa ang birthday ni Sarah. Isang sorpresa na para lang sa kasintahan. Nakaready na ang lahat at bayad na ang lahat ng gastusin. Nag-decide si John na ituloy na lang iyon nang wala siya.
Pagdating sa quarters ay napansin ng mga kaibigan na namumugto ang mata ni John kaya nag-aalala silang kinausap ang kaibigan. Tiyempong dumating din si Colonel Garcia at tinanong si John. Ayaw magsalita ni John pero sa bandang huli ay naikwento nya ang nangyari.
“Mabuti na ang nangyari John dahil hindi pa kayo kasal ng malaman mo ang infidelity nya. The best revenge is to show to her how successful you are! Doon ka muna sa PNPA para makapag-usap kayo ni Yvette. Kami na ang bahala sa birthday surprise mo kay Sarah.” Seryosong sabi ni Colonel Garcia.
Tahimik na tumango lang si John. Tama si Colonel Garcia. Mainam na ang nangyari habang hindi pa sila kasal. Kahit papaano ay gumaan ang kalooban niya.
Nang gabing yun ay magkasalo sa kama si Sarah at Condrado. Buo na sa isip ni Sarah na hihiwalayan nya na si John after her birthday pero alam niyang niloloko nya lang ang sarili. Pangalawang beses na nilang ginawa ni Condrado ang bagay na ito pero wala siyang nadamang ni katiting na kaligayahan. Para siyang pinaparusahan sa bawat ulos ni Condrado.
Natapos si Condrado na hindi nakatikim ng ligaya si Sarah. Lingid sa kaalaman ni Sarah ay isang maiitim na plano ang nasa isip ni Condrado. May inilagay itong tablet na agad natunaw sa tubig inumin ni Sarah.
“Sweetheart labas lang ako sandali. Inumin mo muna itong tubig para ma-relax ka!” Malambing na sabi ni Condrado.
Dahil si John ang laman ng isip ni Sarah ay balewalang ininom nya ang tubig. Pagkalabas ni Condrado ay nakaramdam ng antok si Sarah at kaagad nakatulog.
Maya-maya ay pumasok ang limang kaibigan ni Condrado at halinhinang pinagsawaan ang hubad na katawan ni Sarah na walang kamalay-malay sa panghahalay sa kanya. Ang isa sa mga ito ay kinukunan pa ng video ang ginagawa nilang pang-abuso sa dalaga.
Pagkatapos ng mahigit dalawang oras ay umalis ang lima at pumasok si Condrado para siya naman ang umabuso sa dalaga. Nakatulog ito sa ibabaw ng dalaga pagkatapos.
Tanghali na nang magising si Sarah at ramdam nya ang sakit ng iniingatan nya. Inakala nya na epekto yun ng ginawa nila kagabi at wala siyang kamalay-malay na limang lalaki ang nagpakasawa sa maganda niyang katawan.
Tumulo ang luha niya ng maisip si John. Mahal nya nga ang lalaki dahil sa kabila ng pagpayag nya kay Condrado ay si John palagi ang laman ng isip nya. Di bale, matututuhan nya ding mahalin si Condrado tulad ni John sa isip nya.
Pagdating sa bahay ay walang imik si Sarah nang makita ng ama at ina. Somehow ay alam nila na magkasama si Condrado at Sarah kagabi at lihim silang natuwa doon. Para silang tumama sa lotto kung si Condrado ang mapapang-asawa ng anak nila.
“Kumusta anak? OK na ba kayo ni Condrado? Alam mo na naman siguro ang gagawin mo kay John!” Nakangiting sabi ng ina ni Sarah.
“Opo nay. Pakiusap ko lang po ay pabayaan nyo akong sumama muna kay John bukas sa birthday ko. Gusto kong maging maayos ang paghihiwalay namin.” Ang sabi ni Sarah.
Maya-maya ay may kumatok sa pintuan nila. Nang buksan ito ng ama ni Sarah ay laking gulat nito ng makita kung sino ang bisita.
“Sir! Kayo pala yan! Tuloy kayo!” Masayang sabi ng tatay ni Sarah.
“Hindi na. May gusto lang akong sabihin. Alam kong birthday party ni Sarah bukas pero may importanteng pag-uusapan bukas para sa catering services kasama ang mga invited guest namin. Kailangan kayong lahat doon. Medyo formal ang meeting kaya magbihis kayo ng maayos. Nasabi ni John na may lakad sila ni Sarah bukas pero may importanteng utos ako kay John kaya sa ibang araw nyo na lang ituloy.” Simpleng sabi ni Colonel Garcia.
“Tungkol saan po ba yung meeting?” Nagtatakang tanong ng nanay ni Sarah.
“Opportunities. Big opportunities. Kailangang nandoon kayo at baka makawala. Sayang naman.” Matalinhagang sabi ni Colonel Garcia.
“Sure sir! Nandun kami lahat bukas!” Ang masayang sabi ng tatay ni Sarah.
Umalis si Colonel Garcia na pigil ang ngiti. Ang tatay ni Sarah ang dahilan sa pagkamatay sa atake sa puso ng isang tauhan niya nang hindi nito makayanan ang pamamahiya ng tatay ni Sarah sa tauhan niya.
Ang tauhan ni Colonel Garcia ay kapatid ng kaibigan ng koronel at gustuhin nya man na maramdaman ng tatay ni Sarah kung papaano mapahiya ay hindi nya alam kung papaano.
Bukas ay isang napakagandang scenario na gigising sa kamalayan at katangahan ng isang buong pamilya.
“Mga tanga! Ipinagpalit nyo ang isang diamante sa mababang uri ng ginto!” Sa isip ni Colonel Garcia.
BINABASA MO ANG
The Semi-Virgin
RomansaIsang kwento ng dalaga na bagama't birhen ay may karanasan na sa mga lalaki dahil na rin sa mapait na pangyayari sa kanyang buhay. Hanggang kailan nya maiingatan ang puri? Maihahandog niya pa kaya sa lalaking minamahal ang iniingatan niya?