KABANATA 34

19 0 0
                                    

THE REVELATION

Kinabukasan ay sinamahan ni Colonel Garcia si John sa PNPA para makipagkita kay Yvette. Batid ng koronel na devastated si John sa pangyayari na 3rd place nga siya sa board exam pero pinagtaksilan naman ng girlfriend. Kahit sinong lalaki ay labis na masasaktan dito. Alam ng koronel na mas makakabuting magkita ang magkaibigan matapos ang halos isang taon na pagkakahiwalay.
Pagdating sa PNPA ay agad na kinausap ni Colonel Garcia ang mistah nya para maipatawag si Yvette. Nagtataka si Yvette kung bakit siya ipinatawag. Laking gulat at tuwa nya ng makita si John. Kaagad tumulo ang luha niya at niyakap si John pagkakita dito.
“Ang pangit mo!” Biro ni Yvette kay John.
“Ikaw din!” Ganti ni John at pumunta ang dalawa sa isang kwarto para mag-usap.
Naikwento ni John ang lahat ng nangyari sa kanya pati na ang pagpasa as 3rd Placer sa board examination at ang pagtataksil ni Sarah. Nabigla si Yvette sa kwento ni John at hindi makapaniwala sa nangyari.
“John sa pagkakakwento si Sarah sa akin ay mahal na mahal ka nya pero tutol ang mga kamag-anak niya dahil akala nila ay striker ka talaga! Naiinis at naaawa ako kay Sarah. Kung bakit kasi nakinig siya sa kamag-anak niya eh.” Ang sabi no Yvette.
“Sana lang ay mabuting tao  yung lalaki at mahalin siya ng totoo.” Ang sabi ni John na bakas ang panghihinayang.
Bumalik si Colonel Garcia sa kampo para siguraduhin na maayos at naaayon sa plano ang gusto ni John. Naaawa siya sa binata at gusto nya ring makita ang panghihinayang ng mag-anak ni Sarah.
Dumating ang hapon…..
“Happy birthday Sarah!” maririnig ang mga pagbati mula sa mga kaibigan ni Sarah pagpasok nila sa loob ng venue.
Buong akala ng mag-anak ay meeting ang pupuntahan nila kaya ganoon na lang ang pagkagulat nila ng isa pala itong surprise birthday party mula kay John. Hindi akalain ng mag-anak ni Sarah na may kakayahan si John na maghanda ng ganitong kagarbo.
“Ang sweet naman talaga ni John! Ang swerte mo Sarah!” Sabi ng kaibigan ni Sarah na si Grace.
Wala pang nakakaaalam ng pangyayari tungkol kay Condrado at Sarah kaya nagkatinginan si Sarah at ang mga kamag-anak nito sa sinabi ni Grace. Nakaramdam sila ng pagkapahiya at guilt sa engrandeng surprise ni John. Ganito ba ang striker lang?
Maya-maya pa ay nagsalita na ang emcee.
“Ladies ang gentlemen, welcome to the big birthday celebration of Sarah courtesy of her loving boyfriend, John.” Madami pang sinabi ang emcee hanggang tawagin nito si Colonel Garcia.
“Magandang gabi sa inyong lahat. I’m glad that you all came to celebrate the birthday of John’s true love, Sarah!” Ang sabi ng koronel at tumingin nang nakangiti kay Sarah.
Naasiwa si Sarah sa speech ni Colonel Garcia. Hindi nya akalain na true love ni John ang pagkakadescribe sa kanya ng koronel.
“Alam ninyo, maraming hindi nakakaalam pero graduate si John ng civil engineering as a cum laude. Isa din siyang member of college swimming team. He’s a talented and a smart person. The reason why he chose to became a striker is that he wants to join the police force via lateral entry after he passed the board examination.” Pagpapatuloy ng koronel.
Nagulat lahat ng taong naroon lalo na ang mag-anak na Sarah nang malaman ang totoong pagkatao ni John. Minamaliit nila si John pero hidden deeply ang mabuting background nito kaya nakaramdam sila ng pagkapahiya.
“So habang nagre-review siya ay nagdecide siyang maging striker and that’s when he met Sarah. It was love at first sight!” Pambobola ng koronel.
“Meeting Sarah is one of the greatest things that happened in John’s life dahil nagbigay ito ng inspiration kay John to do his best for the board examination. And he did. Ladies and gentlemen, John made it to the 3rd place in the Civil engineering board examination!” Ang proud na sabi ng koronel sabay tingin sa mag-anak ni Sarah.
Umugong ang palakpakan sa buong hall. Lahat at humanga sa talino at kakayahan ni John.
“Kita mo na Sarah!  John is a diamond pretending to be a coal!” Sabi ni Grace kay Sarah na hindi maiwasang manghinayang.
Hindi naman makapaniwala ang buong pamilya ni Sarah sa narinig. Matinding pagkapahiya ang naramdaman nila sa sinabi ng koronel. Si Sarah naman ay hindi mapakali. Natutuwa siya dahil hindi basta-basta si John pero laking panghihinayang at pagsisisi nya dahil nagkamali siya ng akala.
Sa pagkakaalam ni Sarah ay hindi alam ni John ang tungkol sa kanila ni Condrado kaya nag-decide siya na pupuntahan ang kasintahan at mamahalin ito talaga. Tungkol  naman sa nabasag na pagkabirhen ay sasabihin nya na  nilaro nya dati yun noong teenager siya kaya nabutas.
“Unfortunately ay may importanteng lakad si John at walang nakakaalam kung ano yun. Pero ibinilin nya na ituloy ang pagtitipon na ito para kay Sarah. Ang sabi ni John ay may mahalagang message siya kay Sarah kaya panoorin natin ang video message niya.” Ang sabi ng koronel.
Habang inaayos ang projector ay hindi mapigilan ni Sarah ang lumuha. Sobrang guilty siya sa nangyari dahil hindi siya nagtiwala sa kakayahan ng boyfriend. Ganun din ang kamag-anak ni Sarah na kita ang lungkot sa dalaga dahil mas pinili nito na paniwalaan ang mga sinabi nila. Ngyon ay ipinagpalit ng dalaga ang kaligayahan para sa inaakalang mas maayos na lalaki.
Maya-maya pa ay lumabas sa projector screen ang video message ni John. Halatang pilit ang mga ngiti nito.
“Happy birthday my Love! Pasensiya ka na at wala ako ngayon dyan dahil may napakaimportante akong gagawin. Alam mo na mahal na mahal kita at pagpasensiyahan mo ang pagtatago ko sa pagkatao ko. Gusto ko kasi na mahalin mo ako bilang ako at hindi yung achievements ko or kung anong material na bagay na mayroon ako. Nakita ko naman na minahal mo rin ako.” Ang sabi ni John at pansamantalang tumigil.
“Alam ko na wala kang mapapala sa isang striker pero ngayon ay maipagmamaki mo na ako. Bilang 3rd placer sa board examination ay madami nang mga company ang lumalapit sa akin para kunin ako bilang inihinyero. Magiging matatag na ang pamumuhay natin kung mag-decide ka na piliin ako.” Muling tumigil ang binata at may kinuha sa bulsa.
Nakaramdam ng kirot sa puso si Sarah nang marinig ang mga binitawang salita ng nobyo.
“Gusto kong iabot ang singsing na ito sa yo at ayain kang magpakasal pero may mga pangyayari na hindi ko kontrolado. Gustuhin ko man ay hindi yun ang itinakda ng tadhana para sa atin. Alam kong masaya ka na sa desisyon mo at ang dalangin ko ay ang kaligayahan mo lagi. Tandaan mo na naging part ka ng puso ko at pahahalagahan ko yun! Salamat sa mga magagandang alaala!” Ang sabi ni John at tumulo ang mga luha nito sa mata at natapos ang video message.
Natahimik ang buong venue. Ang kanina lang na magandang sorpresa ay napalitan ng malungkot na mensahe ni John. Although hindi nila alam ang buong pangyayari ay nahiwatigan nila na iba ang lalaking pinili ni Sarah.
Shocked si Sarah sa narinig mula kay John. Alam na pala ni John ang pagtataksil nya! Puno ng panlulumo si Sarah at pagsisisi. Oo nga at maaayos, disente at mayaman si Condrado pero si John ang tunay na mahal nya. Na-brainwash lang siya ng mga kamag-anak.
Tumayo si Sarah na lumuluha at lumapit kay Colonel Garcia.
“Nasaan si John? Please po! Maawa kayo!” Pagmamakaawa ni Sarah.
Naawa ang koronel sa hitsura ni Sarah. Bagama’t nagtaksil ang babae ay alam niyang mahal talaga nito si John at nabuyo lang ng mga kamag-anak.
“Sa PNPA.” Simpleng sagot ni Colonel Garcia.
Agad na tumakbo papunta ng pintuan si Sarah nang pigilan ng ama.
“Sarah! Gabi na! Huwag kang magpadalos-dalos!” Ang paalala ng ama.
“Kasalanan nyo itong lahat! Wala na kayong inintindi kundi puro sasabihin ng ibang tao! At ikaw ‘Tay, puro pambababae ang ginawa mo tapos pipigilan mo akong mahalin ang lalaking mahal ko! Anong klase kang ama! At kayo na naturingan na mga kamag-anak ko, hindi nyo na iginalang ang damdamin ko! Puro na lang sasabihin ng ibang tao ang nasa isip nyo! Ngayon nyo isipin kung ano ang sasabihin ng mga tao sa inyo! Materialistic kayong lahat!” Ang hysterical na sumbat ni Sarah sa mga kamag-anak.
Agad na sinamahan si Sarah ng mga kaibigan para pumunta sa PNPA. Naiwan sa venue ang mga  kamag-anak ni Sarah na hiyang-hiya sa mga taong naroroon. Ngayon ay alam na ng lahat kung gaano sila ka-materialistic. Besides, inuusig sila ng kunsensiya nang makita kung gaano ka-devastated si Sarah.
Muling lumapit si Colonel Garcia sa microphone at nagsalita.
“Hindi gustong itago ni John ang pagkatao nya pero nasa panganib ang buhay nya kaya hindi niya sinabi ang buong pagkatao niya. Classified ito. Minabuti nya na dito sa kampo magtago para makapag-review para sa board examination.” Ang malumanay na sabi ng koronel na nakatingin sa tatay ni Sarah.
Makaraan ang ilang minuto ay nag-alisan na ang mga bisita. Naalala ng nanay ni Sarah na kay Condrado ang catering services sa birthday ni Sarah kaya nagtanong siya tungkol sa lalaki.
“Si Sir Condrado po ba? Naku! Numero unong babaero po yun! Madami na pong nilokong babae yun pero laging napupunta sa wala ang kaso. Malikot po yun!” Ang balewalang sabi ng isang boy na nag-aayos.
“Totoo po yun. May kalokohan sa babae yun! Palibhasa ay mapera kaya parang laruan ang turing sa mga babae!” Ang sabi naman ng isa pa.
Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang nanay at mga tiyahin ni Sarah pagkarinig dito. Ang disente at edukadong tao na hinahangaan nila ay isa palang balasubas at mapanlinlang na tao.
Bigla ay may narinig silang lumagabog sa sahig. Nang tingnan nila ay nasa sahig ang tatay ni Sarah at walang malay.
Hindi nito kinaya ang nangyari ngayong gabi at nag-collapse.

The Semi-VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon