HARING BATHALA
Sa loob ng sasakyan ay panay ang iyak ni Sarah. Sising-sisi ito sa ginawa niyang pagtataksil sa kasintahan. Ngayon nya lang na-realize na kaya pala mataas ang IQ ni John at confident ito ay dahil cum laude ito.
Medyo maaga pa ang gabi kaya baka abutan pa nilang gising si John or si Yvette. Pupuntahan nya muna si Yvette para magpasama na hanapin sa kampo si John.
Pagdating sa loob ng kampo ay deretso si Sarah sa quarters ni Yvette. Naitimbre na ni Colonel Garcia na darating si Sarah kaya naghihintay na si Yvette sa kanya.
Namumugto ang mga mata ni Sarah nang salubungin ni Yvette.
“Yvette!” Ang sabi ni Sarah at akmang lalapit sa kaibigan nang humakbang palayo si Yvette.
“Alam ko na ang sasabihin mo. Wala si John dito at hindi ko alam kung saan nagpunta. Nagpaalam siya sa akin na may importanteng lakad. May mga kasama siya sa van at parang may importanteng lakad.” Seryosong sabi ni Yvette.
“Paano mo siya nakilala?” Nagtatakang tanong ni Sarah.
“Natatandaan mo ba yung guwapong lalaking sinabi ko na mahal ko pero ayaw sa akin? Si John yun! Huwag mo nang alamin kung bakit kami hindi nagkikita. Confidential yun!” Ang matabang na sabi ni Yvette.
Panibagong pagkagulat na naman ang naramdaman ni Sarah. Guwapong-guwapo siya sa picture ni John nang ipinakita ni Sarah sa kanya. Mas guwapo ito ng ilang beses kaysa Condrado. Lalong mas malaking panghihinayang ang naramdaman ni Sarah at napaupo sa sahig sa panlulumo.
Naawa naman si Yvette sa kaibigan. Kahit galit siya dito sa pagtataksil kay John ay alam ni Yvette na malaking factor ang sulsol ng mga magulang at mga kamag-anak dito.
“Huwag ka ng umiyak Sarah. Ganoon talaga nagkakamali ang tao. Mabuting tao si John at alam kong mapapatawad ka rin niya. Hindi ko talaga alam kung nasaan siya ngyon. Promise kapag nalaman ko kung nasaan siya ay sasabihin ko kaagad sa iyo. Kakausapin ko din siya na hinahanap mo siya para humingi ng sorry.” Ang alo ni Yvette sa kaibigan.
“Kasalanan ko ito! Nakinig ako sa mga kamag-anak ko! Hindi ko pinagkatiwalaan si John at minaliit ko siya!” Umiiyak na sabi ni Sarah.
Niyakap ni Yvette ang kaibigan para maging kalmado. Sa loob-loob ni Yvette ay kung siya sana ang minahal ni John ay hinding-hindi nya ito pagtataksilan.
Sa hospital ng oras na yun….
“Kumusta na po ang asawa ko doc?” Tanong ng nanay ni Sarah.
“Stable na siya ngayon at ligtas na. Na-stroke siya at baka abutin ng ilang buwan bago siya makatayo. Huwag nyong kalimutan na painumin siya ng maintenance drug at huwag pabayaang mapagod.” Ang bilin ng doctor.
Napaiyak ang nanay ni Sarah. Kanina lang ay tinawagan niya si Condrado para kumprontahin pero isang malaking bagay ang nadiskubre niya.
“Condrado, nakipaghiwalay na si Sarah sa boyfriend nya. Siguro naman eh dapat na nating pag-usapan ang kasal nyo!” Ang kinakabahang sabi ng nanay ni Sarah.
Matapos nilang malaman ang tungkol kay John ay laking panghihinayang ng buong mag-anak at takot naman ang sumunod na naramdaman nang sabihin ng mga tauhan ni Condrado na babaero ang amo kaya minabuti ng nanay ni Sarah na tawagan ito para hindi atrasan ang anak.
“Kasal? Hindi po ganun yun. Wala po akong balak magpakasal kay Sarah. Gusto ko lang po siyang maging girlfriend. At gusto nyo naman po akong maging boyfriend ng anak nyo kaya niligawan ko siya!” Balewalang sabi ni Condrado.
“Pero may nangyari na sa inyo! Kailangang panagutan mo ang anak ko!” Nanginginig na sabi ng nanay no Sarah.
“Wala pong ganung batas. Hindi ko siya nireyp. Pumayag siya. Kung gusto nyo ay magdemanda kayo. May gagawin pa po ako!” At ibinaba ni Condrado ang tawag.
Hindi makapaniwala ang mga kamag-anak ni Sarah. Naka-speaker phone ang usapan kaya naman dinig na dinig nila ang walang kunsensiya na pangungusap ni Condrado .
“Hayop! Walanghiya! Demonyo!” Ang tanging naisigaw ng nanay ni Sarah at tsaka humagulgol.
Dun lang na-realize ng buong magkakamag-anak na ipinagpalit nila ang diyamante sa puwet ng baso.
Mas natakot sila nang maisip na baka masira ang buhay ni Sarah dahil sa kanila.
Nang mga oras na yun…..
“John, huwag mong isipin si Sarah. Tama ang sabi ni Kuya Peter na mainam at hindi pa kayo kasal ng magtaksil sa iyo ang girlfriend mo. At least nalaman mo ang ugali nya.” Ang sabi ni Marvin na binibigyang comfort sa salita nya si John.
Tahimik lang si John na nakatingin lang sa kamay nya na may bandage. Lalaban sila ngayon ni Marvin sa underground MMA. Originally ay si Marvin lang ang lalaban at sasamahan lang ni John si Marvin para maging corner nito pero nang madiskubre nya ang kataksilan ni Sarah ay nagdecide siyang lumaban para pampaalis stress.
“Huwag mo akong intindihin. Ok na ako. Ang intindihin mo ay ang laban mo.” Malumanay na sabi ni John.
Sa labas ng dressing room ay may isang lalaki na nakarinig ng usapan ng dalawa at dali-dali itong pumunta sa dressing room ng makakalaban ni John.
Kilalang-kilala na ang Team Lakan sa larangan ng MMA dahil sa maraming panalo ng mga ito sa mga MMA fights. Ngayon na dalawa sa Team Lakan ang lalaban sa underground ay gagawin ng kalaban ang lahat para manalo.
“Pre may pansira tayo ng concentration ng kalaban! Natorotot yung guwapong lalaki kaya asarin mo para masira ang diskarte!” Ang sabi ng lalaki.
“Aba ok yan ah! Tama! Asarin natin!” Ang sabi ng isa.
Pagkaraan ng ilang minuto ay nagsimula ang laban ni Marvin sa kalaban nito. Panalo si Marvin sa laban kaya naman tuwang-tuwa ito.
Nang sasampa na ng ring si John para sa laban niya ay narinig nya ang isang fighter mula sa corner ng kalaban na nang-asar sa kanya.
“Pre kaya mo bang lumaban? Katatapos mo lang matorotot at baka hindi ka makapag-concentrate!” Sabay tawa ng malakas nito.
Naningkit ang mga mata ni John. Pigil na pigil ang galit nya. Sa lahat ay ayaw nya ng ganung biro kaya sinabihan niya ang organizer ng underground MMA.
“Lalabanan ko silang tatlo ng sabay-sabay. Walang mababago sa rules at bayad sa akin. Hindi ako hihingi ng dagdag bayad kapag nanalo ako!” Ang seryosong sabi ni John.
Pumayag ang mga organizers at umakyat sa ring ang tatlong kalaban ni John. Bago yun sa underground MMA na isa laban sa tatlo. Siguradong main attraction ito at malaki ang pustahan. Kumpiyansa ang tatlo na kaya nila si John kaya lalo nilang inasar ang binata.
“Baka magaling sa kama yung karibal mo kaya ka iniwan ng gf mo!” Pang-aasar ng isa.
“Baka mahilig sa arnis yung girlfriend mo kaya gusto ng ibang sandata!” Pang-aasar naman ng isa
Hindi kumibo si John at tiningnan ang mga kalaban. Mukhang langgam ang tingin nya sa mga ito na kayang-kaya niyang tirisin.
Narinig ng mga organizers at ng ibang tao ang pang-aasar ng tatlo at alam nila na paraan yun para ma-distract si John. Foul yun kung tutuusin pero underground MMA ito kaya walang rules na bawal mang-asar.
Nang tumunog ang bell ay hindi na nakapaghintay si John at agad na sinugod ang tatlong kalaban. Walang habas na pinaulanan nya ng suntok at sipa ang tatlo na nabigla ng todo sa bagsik ng atake ni John. Pakiramdam nila ay para silang mga hyena na nakikipaglaban sa tigre.
Masyadong napikon si John sa pang-aasar ng tatlo kaya hindi nya nakontrol ang atake nya sa mga ito. Dalawa sa kalaban ni John ang nabalian nya ng tuhod at braso samantalang ang huli ay nakatikim ng matinding gulpi mula sa kanya.
At dahil underground MMA fight ito at no holds barred ang laban kaya nagpatuloy ang paggulpi ni John sa huling kalaban. Nang makita ni Marvin na wala sa sarili si John ay kaagad nitong sinigawan ang mga organizers at mga tao sa paligid.
“Itigil nyo ang laban! Baka mapatay ni John ang kalaban!” Ang sigaw ni Marvin na agad tumalon sa ring para pigilan si John.
May mga naunang mga tao na tinangkang pigilan si John pero maging sila ay nakatikim ng matinding sipa mula dito. Kaya pinagtulungan nilang daganan na lang si John para hindi na masaktan pa ng todo ang kalaban.
Halos sampung lalaki ang dumagan kay John kaya naman nahimasmasan ang binata. Pagkatapos ay kalmado itong tumayo para bumalik sa corner nang biglang sumigaw ang corner ng kalaban.
“Hindi na humihinga si Harmon! Patay na siya!” Gimbal na sigaw ng lalaki.
Nagkagulo sa loob ng ring nang makumpirma na patay na nga ang kalaban ni John. Alam ng lahat na sobra ang insulto at pang-aasar ng tatlo kay John kaya nagalit ang binata. Hindi nila masisi si John dahil kahit sino naman ay mapipikon sa ganoong klaseng biro.
Hindi makapaniwala si John na nakapatay siya sa laban. Ang gusto nya lang ay mailabas ang galit at sama ng loob sa pagtataksil ni Sarah pero ayaw nyang makapanakit ng tao.
Laking pagsisisi ni John sa nagawa. Hindi nya akalain na mapanganib ang mga kamao niya kapag nagagalit. Nilapitan ni John ang kalaban at umiiyak na niyakap ito.
“I’m so sorry! Hindi ko sinasadya! Patawarin mo ako! Gumising ka please! Hindi ko sinasadya! Gumising ka parang awa mo na!” Ang sigaw ni John na umiiyak!
Ngayon lang nakakita ang mga manonood ng ganitong klaseng laban. Tatlo laban sa isa. At ngayon lang din nakakita ang mga manonood ng ganitong kabagsik na fighter. Pinanindigan talaga ni John ang alias nya na Bathala.
Nang oras na iyon, tumatak sa mga manonood ang alias na Bathala.
Ang pinakamahusay at pinakamabagsik sa limang fighters ng Team Lakan. Si John, ang hari ng mga Mandirigma.
BINABASA MO ANG
The Semi-Virgin
RomanceIsang kwento ng dalaga na bagama't birhen ay may karanasan na sa mga lalaki dahil na rin sa mapait na pangyayari sa kanyang buhay. Hanggang kailan nya maiingatan ang puri? Maihahandog niya pa kaya sa lalaking minamahal ang iniingatan niya?