KABANATA 36

18 0 0
                                    

KRYZTAL IS DEAD

“Yvette! Nakapatay ako ng tao!” Ang nanginginig na sabi ni John sa telepono.
“Ano?! Anong nangyari?Nasaan ka?” Ang gulat na gulat na tanong ni Yvette.
Ikinuwento ni John ang nangyaring pang-aasar sa kanya sa laban. Nasabi nya rin na lumaban siya para mailabas lang ang galit at sama ng loob sa pagtataksil ni Sarah.
“Naayos na ang bangkay ng nakalaban ko at ibinigay ko lahat ng premyo ko sa mga naiwan nya. Hindi na sila nagkaso sa akin. Nagpaalam na ako kay Colonel Garcia na aalis na ako sa kampo at hindi na magpupulis. Maaalala ko lang ang ginawa ni Sarah sa akin kung mananatili ako sa kampo. Tinanggap ko na yung offer ng isang company sa akin na maging isa sa engineers nila.” Ang sabi ni John.
“John, nandito si Sarah at gusto kang makausap.” Ang alanganing sabi ni Yvette.
“Yvette please, ayaw ko na siyang makausap. Tapos na ang lahat sa amin. Hindi nga pala akin ang cellphone na ito kaya huwag mo akong tawagan. Tatawag na lang ako sa yo para magkabalitaan tayo. Bye Yvette. Mag-iingat ka lagi.” Ang paalam ni John at tinapos ang pakikipag-usap kay Yvette.
Napabuntong-hininga si Yvette pagkatapos ng usapan. Hindi nya alam kung kailan sila magkikita ulit ni John. Mahigit tatlong taon pa bago siya maka-graduate sa PNPA kaya nalulungkot siya dahil matagal nyang hindi makikita ang lalaking minamahal.
“Yvette anong sabi ni John?” Naiiyak na tanong ni Sarah.
“Sarah, hindi na babalik si John sa kampo. Hindi nya sinabi kung saan siya pupunta pero hindi na siya magpupulis. Masyado siyang nasaktan sa nangyari. Ayaw ka rin niyang kausapin kaya ibinaba nya agad ang tawag.” Ang sabi ni Yvette.
Napaiyak si Sarah sa narinig. Alam niya na hindi siya kakausapin ni John pero umaasa pa din siya na mapapatawad soya nito.
“Kasalanan ko to! Naniwala ako sa pamilya at mga kamag-anak ko!” Humagulgol si Sarah.
“Tahan na.” Pilit na pinakalma ni Yvette si Sarah.
Naaawa siya dito dahil batid ni Yvette na naimpluwensiyahan lang ng pamilya ang desisyon ni Sarah.
Nang gabing yun ay hindi umuwi si Sarah sa bahay nila dahil sa sama ng loob sa pamilya at mga kamag-anak. Minabuti nitong matulog na lang sa kaibigan.
Nang oras na yun…..
“Pare! Kailan ba kami pwedeng umulit sa jowa mo?” Tanong ng isang kaibigan ni Condrado.
“Malabo na pre. Iiwan ko na siya! Gustong ipakasal ng magulang nya si Sarah sa akin. Ano ako tanga? Hindi ako magpapatali!” Ang sabi ni Condrado.
“Sayang! Ang ganda pa naman ng resolution ng video namin!” Ang sabing nakatawa ng isa.
“Mabuti pa eh ipadala mo kay Sarah yan at takutin mo na ikakalat kapag hindi nakipagkita sa atin!” Sagot naman ng isa.
“Pwede! Blurred ang mga mukha natin dyan kaya walang patutunguhan ang kaso kapag nagsampa sila. Si Sarah lang ang malinaw ang mukha!” At nagtawanan ang grupo.
Tuloy ang inuman ng grupo habang pinag-uusapan nila si Sarah.
Nakahiga si Sarah ng oras na yun at hindi makatulog. Hindi pa rin siya makapaniwala na ipinagpalit niya si John kay Condrado. Ang laki nyang tanga sa isip nya.
Maya-maya ay may na-receive siyang message sa cellphone. Akala nya ay si John na yun kaya binuksan nya agad. Hindi nya kilala ang nagpadala ng message.
“Pag-usapan natin kung ano ang maganda sa video na ito.” Ang sabi sa message.
Laking gulat nya nang makita ang isang video na siya ang naroroon na halinhinang pinagsasamantalahan ng limang lalaki. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa nakita.
Ito yung kuwarto kung saan pangalawang beses na may nangyari sa kanila ni Condrado. Tanda nya na inantok kaagad siya pagkainom ng tubig kaya nabuo ang hinala nya na si Condrado ang pakana nito.
“Hayop ka Condrado! Napakawalanghiya mo! Demonyo!” Ang panghihinagpis ni Sarah.
Ang disente at edukadong tao ay kabaligtaran ng pagkakakilala nya. Alam ni Sarah na kahihiyan kapag nagsumbong siya sa pulis at mahirap patunayan sa korte na pinagsamantalahan siya.
Nawala na sa kanya ang mahal nya. Hindi na rin siya birhen. Hindi nya maaasahan ang pamilya nya na nagtulak sa kanya sa sitwasyon na ito kaya ayaw nya nang umuwi. Tutal ay sira na ang buhay nya, wala ng mawawala sa kanya kung ano pa man ang gawin niya sa buhay nya.
Nagdedisyon siyang makikipaglaro siya sa apoy para madamay sa sunog ang mga lalaking gumawa ng kahalayan sa kanya.

Lumipas ang mga araw at linggo……
Naka-move on na si John sa masakit na nangyari sa kanila ni Sarah. Napasok si John sa isang malaking construction firm bilang associate engineer.
Naibalita sa kanya ni Colonel Garcia na may Intel report na umalis na ng bansa si Don Pablo kaya medyo nakahinga ng maluwag si John. Besides ibang-iba ang hitsura nya ngayon kaya hindi siya makikilala nito o ng mga tauhan ni Don Pablo.
Si Michelle naman ay patuloy na nagbabakasakali na makita ulit si John kaya nagtatanong-tanong ito sa mga nakakakilala kay John at pinupuntahan ang mga lugar na madalas nilang puntahan ng binata.
“Matagal na kitang napapansin na pabalik-balik ka sa library at sa band rehearsal studio. Sino hinahanap mo dun?” Minsan ay naitanong ni Mae kay Michelle.
“Wala. Gusto ko lang talaga na pumapasyal dun!” Pagde-deny ni Michelle.
“Ows? Siguro may crush ka at ini-stalk mo no?” Nakatawang sabi ni Mae.
“Wala no! Wala akong crush at ayaw ko pang magka-boyfriend!” Tumawa si Michelle.
Break time ng dalawa kaya naisipan nilang tumambay muna sa coffee shop para magpatay ng oras. Pagkapasok nila ay bumungad ang flash news sa kanila.
“Isang lalaki ang natagpuang patay sa isang motel sa lungsod ng Quezon kaninang umaga. Ayon sa mga pulis, namatay ang lalaki sa atake sa puso pero tinitingnan nila kung may foul play sa nangyari. Inaalam pa ng pulisya kung sino ang babaeng kasama nya ng atakihin sa puso ang lalaki.”
Binalewala ng dalawa ang balita at umorder na ng maiinom.
“Bes, nagka-boyfriend ka na ba?” Curious na tanong ni Michelle.
Natigilan si Mae sa tanong ng kaibigan. Naging friends with benefits sila ni Bruce, naging bayarang birhen, naging porn actress ay naging kabit siya pero wala pa nga siyang nagiging totoong boyfriend. Hindi nya maituturing na naging boyfriend nya si Mateo o si Bruce.
“Wala pa Bes eh. Ikaw?” Tanong ni Mae pabalik.
“Wala pa din eh. Siguro kung hindi nawala yung lalaking yun eh baka nagkaboyfriend na ako.” Sagot ni Michelle.
“Sino yun?” Tanong ni Mae.
“Wala. Yung lalaking type ko dati tapos bigla na lang nawalang parang bula. Hindi ko na alam kung ano na nangyari dun. Teka, may personal na tanong ako sa yo kung ok lang?” Alanganing tanong ni Michelle.
“Ok lang. Ano yun?” Tanong ni Mae.
“Virgin ka pa ba? OK lang kung hindi mo sagutin.” Balewalang tanong ni Michelle.
Nabigla si Mae sa tanong ni Michelle. Walong lalaki na ang nagpakasawa sa katawan niya pero buo pa rin ang hymen nya. Sagutin nya ba na semi-virgin siya?
“Oo naman!” Confident na sagot ni Mae.
“Ah..Ako kasi eh…..” Hindi itinuloy ni Michelle ang sasabihin.
Nahiwatigan ni Mae ang tono ng boses ni Michelle.
“Virgin pa!” Sabay tawa ng malakas ng kaibigan.
Nagkatawanan ang magkaibigan kaya nagtinginan ang mga tao sa kanila. Maya-maya pa ay natapos na ang dalawa at bumalik sa klase.
Pagkatapos ng klase ay naghiwalay ang magkaibigan at umuwi sa kanya-kanyang mga bahay. Dumeretso si Michelle sa gym ng mansion para mag-ensayo nang may matanggap siyang tawag mula sa tatay ni Kryzel.
“Iha anak, wala na si Kryztal. Kinumpirma kanina ng doktor nang bisitahin nya kanina si Kryzel. May indication last week pa na mawawala na si Kryztal.” Ang sabi ng ama ni Kryzel.
“Bakit si Kryztal pa? Hindi na lang si Kryzette?” Malungkot na sabi ni Michelle at pinutol ang tawag sa ama-amahan.
Para sa isang kaibigan ng magkakapatid, very unusual ang reaksiyon ni Michelle sa pagkamatay ng isa sa triplet.
Parang nakahinga pa ito ng maluwag sa pagkawala ng isa.
“Kryzette, sana ay ikaw na ang mawala sa susunod para hindi na kami mamroblema.” Ang naibulong ni Michelle sa sarili at nagpatuloy sa ensayo.

The Semi-VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon