THEIR NEW CAREERS
Makaraan pa ang ilang buwan ay tuloy ang bagong buhay ni John sa pinapasukang kumpanya at nag-focus sa trabaho. Tuluyan nya nang iniwan ang MMA dahil na rin sa nadumihan ng dugo ang mga kamay niya. Hindi na rin siya bumalik sa pagbabanda para hindi mahanap ni Don Miguel kaya pati mga kabanda niya ay nawalan na din ng kontak sa kanya.
Sa kumpanya ay maraming babae ang nagpapahiwatig sa kanya pero dahil nasaktan at nainsulto ay ibinuhos nya sa trabaho ang oras. Paminsan-minsan ay naiisip nya si Mae pero alam nya na napakaliit ng chance na magkita sila ulit.
Si Mae naman ay patuloy sa pag-aaral ng kurso nya kasama ang best friend nyang si Michelle. Paminsan-minsan ay kumakanta siya sa mga bar and restaurant para kumita kahit papaano.
Madaming nanliligaw sa magkaibigan pero wala silang matipuhan sa mga ito lalong-lalo na si Michelle na umaasang magkikita pa sila ni John.
Sa U.S. ay patuloy ang gamutan at therapy kay Kryzel at unti-unti ay bumubuti ang kalagayan nito. Doon na rin ipinagpatuloy ng dalaga ang pag-aaral niya.
Si Yvette naman ay nasa second year na bilang kadete sa PNPA at isa sa magagaling sa klase nila. Nag-aral din siya ng MMA at mga defense tactics para paghandaan kung magku-krus ang daan nila ng mga miyembro ng Saturno Drug syndicate.
Si Sarah naman ay tuluyan nang lumayas sa pamilya dahil sa pagsira nila sa kaligayahan nya. Wala siyang pinagsabihan ng panghahalay sa kanya ng mga kaibigan ni Condrado at pinili na lang manahimik dahil sa kahihiyan.
Ang catering business nila ay bumagsak dahil napabayaan ito simula ng ma-stroke ang ama at dahil na rin sa nagulo ang pamilya nang maglayas si Sarah. Ang mga kamag-anak nila na umaasa sa negosyo nilang catering ay naghirap sa buhay at nagsisi ng malaki sa sinapit ni Sarah.
Domino effect ang nangyari sa kanila dahil ang pagakasira ng buhay ni Sarah ay pagkasira din ng mga kabuhayan nila.
Isang araw……
“Mga miss, baka interesado kayong maging model. May modelling agency ako at superb pareho ang beauty nyo kaya pwedeng-pwede kayong maging model pareho!” Ang sabi ng isang babaeng may-ari ng modeling agency.
Nang marinig ni Mae ang offer ay tumanggi siya. Hindi maganda ang nakaraan nya nang sumabak siya sa porn movie. Although walang penetration sa main door ay ginawa naman lahat ng dalawang kapareha ang lahat sa kanya nang sabay na magtampisaw ang dalawang lalaki sa kagandahan ni Mae.
“Don’t worry miss. Professional modelling agency kami at walang mga obscene na modelling kaming ginagawa. Sa mga commercials at mga product endorsement kami nag-specialize. Besides, magbo-boost ng confidence nyo ang pagmomodel na kailangang nyo once na grumadweyt na kayo!” Ang kumbinsi ng babae.
“Ay interesado kami!” Ang biglang sagot ni Michelle.
“Naku parang hindi ko kaya!” Ang tanggi ni Mae.
“Ano ka ba naman Bes! Lagi kang laman ng beauty pageant tapos ngayon ka pa tatanggi! Ako eh never kong na-experience yung ganun tsaka pagkakataon ko nang kumita ng pera para sa sarili ko at hindi ko kailangang humingi ng baon kay tito!” Ang sabi ni Michelle para kumbinsihin si Mae.
Nakita ni Mae na gustong-gusto ni Michelle na maging model kaya wala siyang magawa kundi pumayag. Besides, dagdag kita rin ito.
“Good! Kindly fill up this form ang i-schedule natin ang modelling nyo para mai-reserve nyo ang date na yun!” Ang sabi ng babae.
Tuwang-tuwa si Michelle habang sinusulatan ang form habang nakangiti naman si Mae sa kaibigan. Parang bata si Michelle na excited sa trabahong papasukan.
Papaalis na ang magkaibigan nang may lalaking estudyante na lumapit sa kanila.
“Hello mga miss! Baka naman pwede kayong maging respondents ko sa research ko!” Sabi ng isang lalaki na halos kasing-edad nila.
Pagtingin ni Mae sa lalaki ay laking gulat nya nang pagmasdan ito. Kahawig ito ni Bruce!
Natigilan si Mae at pinagmasdang mabuti ang lalaki. Naalala nya ang kaibigan at bumalik sa alaala nya ang masasayang nakaraan nila.
“Miss, pwede ba?” Tanong ng lalaki.
“Ah eh…sige!” Nauutal na sagot ni Mae at kinuha ang survey questionnaire mula sa lalaki.
Napansin ni Michelle ang kakaibang reaksiyon ni Mae pero tumahimik na lang at kinuha rin ang survey questionnaire sa lalaki para sagutan.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos ng magkaibigan ang survey at ibinigay ito sa lalaki.
“Salamat sa inyong dalawa. By the way I’m Arex!” Pakilala ng lalaki sabay abot ng kamay sa magkaibigan.
Nagpakilala din ang dalawang babae at nalaman nila na estudyante rin pala sa school nila ang lalaki pero accountancy ang kurso. Nagkwentuhan pa sila ng ilang minuto bago nagpaalam ang lalaki. Pagkaalis ni Arex ay nagtanong si Michelle.
“Bakit parang nagulat ka nang makita mo yung lalaki? Kakilala mo ba siya?” Tanong ni Michelle.
“Hindi. Pero kamukha siya ng kaibigan kong namatay sa sunog na kagagawan ng mga pushers na miyembro ng Saturno Drug syndicate!” At ikinuwento ni Mae ang nangyari kay Bruce.
Natahimik si Michelle nang marinig na Saturno Drug syndicate ang may kagagawan ng kamatayan ng kaibigan ni Mae. Gusto nya rin na masugpo ang sindikato pero papaano?
Gabi….
“Miss, magkano serbisyo mo?” Tanong ng isang lalaki na nakasakay sa kotse ng huminto ito sa kahabaan ng Quezon Avenue.
“Five Thousand Pesos!” Ang sagot ng babae.
“Ang mahal naman! Wala na bang tawad?” Tanong ng lalaki.
“Maganda ako at hindi pipitsuging pokpok! Mura na yun para sa tulad ko at tsaka malinis ako!” Ang sabi ng babae.
Pinagmamasdang mabuti ng lalaki ang babae at ngumiti ito.
“Ok! Hop in!” Nakangiting sabi ng lalaki.
Sumakay ang babae sa kotse para paglingkuran ang customer nya ngayong gabi. Kailangan nyang kumita ng pera para maisakatuparan ang mga plano nya at ang pagbebenta ng katawan ang pinakamabilis na paraan para kumita ng pera.
Dinala ng lalaki ang babae sa motel at ilang beses na pinagsawaan ang katawan ng dalaga. Tulad ng mga naunang lalaking nagpakasawa sa kanya ay hindi nakaramdam ni katiting na ligaya ang babae. Trabaho lang ika nga.
Pagkatapos ng mahigit dalawang oras ay lumabas ng motel ang babae at naglakad pauwi sa nirerentahang apartment na malapit sa motel.
Pagdating sa apartment ay agad itong naligo para alisin ang bakas ng maduming trabaho sa katawan. Humiga siya sa kama pagkatapos maligo para matulog. Habang nakahiga ay tumulo ang mga luha nito sa mga mata.
“John, hindi na talaga ako nararapat sa iyo. Pandidirihan mo na ako at magiging mababa na ang tingin mo sa akin! Mamaliitin mo na ako ngayon katulad ng pangmamaliit sa iyo ng pamilya ko.” At nakatulog na umiiyak si Sarah.
Nang mga sumunod na araw ay madalas ng abangan ni Arex si Mae sa school. Nagkagusto agad si Arex kay Mae simula ng makilala ito. Naikwento ni Arex sa kaibigan na may maganda ring kaibigan si Mae na si Michelle kaya laging inaabangan ng magkaibigan ang break time nila Mae at Michelle.
“Hello! Miss Pelaez and Miss Esmeralda!” Ang bati ni Arex.
“Masyado ka namang pormal!” Ang nakatawang sabi ni Mae.
“By the way, siya ang kaibigan kong si Troy!” Ang pakilala ni Arex sa kaibigan niya.
“Hello Michelle! Hello Mae! I’m glad to meet you!” At nakipagkamay si Troy sa dalawang dalaga.
“Hello!” Bati naman ng mga dalaga.
Nahalata agad ni Michelle na type siya ni Troy. Medyo matikas ito at mukhang lalaking-lalaki. Bagay na naikumpara ni Michelle kay John. Simula nang mawala si John ay hindi na alam ni Michelle kung papaano ito hahanapin. Gusto nyang maghintay sa minamahal pero hanggang kailan?
Minabuti ni Michelle na bigyan ng pagkakataon ang sarili kung magmamahal ba ulit siya.
Pumunta sa canteen ang apat para magmeryenda at magkakilala ng husto. Na-impress si Mae kay Arex dahil sa mukhang mabait at disente ito. Si Troy naman ay panay ang joke na bagay na nagustuhan ni Michelle. Para siyang si John.
Natapos ang snacks ng apat at bumalik na sa kanya-kanyang kuwarto para sa kanilang subjects.
That night ay may schedule si Mae at Michelle sa isang modelling event sa Makati City. Tuwang-tuwa si Michelle dahil may bonus sila ni Mae kaya halos tig-seven thousand pesos sila noong gabing yun.
Maituturing na galing sa mayamang pamilya si Mae dahil inampon siya ng mayamang negosyante pero tuwang-tuwa ang dalaga sa kinita ngayong gabi. Kung tutuusin ay yun din ang allowance niya sa isang araw.
“Bes! Ito yung first time na kumita ako ng pera! Ang saya-saya ko!” Parang batang sabi ni Michelle.
“Ngayon eh alam mo na kung gaano kahirap kumita ng pera. For your info bes, malaki na ang kinita natin ngayon! Sa pangkaraniwang manggagawa eh isang linggo na nilang kita yan!” Paliwanag ni Mae.
“It’s a good thing na nagtrabaho tayo kasi ngayon ko na-realize kung gaano kahirap kumita ng pera!” Ang nakangiting sabi ni Michelle.
Naglakad ang dalawa papuntang taxi bay ng may isang magarang kotse na huminto sa tapat nila.
“Mga miss, magkano serbisyo nyo ngayong gabi?” Ang tanong ng lalaki.
BINABASA MO ANG
The Semi-Virgin
Storie d'amoreIsang kwento ng dalaga na bagama't birhen ay may karanasan na sa mga lalaki dahil na rin sa mapait na pangyayari sa kanyang buhay. Hanggang kailan nya maiingatan ang puri? Maihahandog niya pa kaya sa lalaking minamahal ang iniingatan niya?