THE BLACK WIDOW
Naningkit ang mata ni Michelle pagkadinig sa lalaki pero pagkatapos ay nginitian lang nito ng sweet ang lalaki. Si Mae naman ay namula ang mukha dahil naalala nya ang pagpapagamit nya sa dalawang naging customers nya sa Love Nest.
Akmang sisigawan ni Mae ang lalaki ng pigilan siya ni Michelle. Nagtatakang napatingin si Mae sa kaibigan nang bulungan siya ni Michelle.
“Ako ang bahala!” Ang simpleng sabi ni Michelle at lumapit sa bintana sa driver’s seat.
“Magkano ang serbisyo nyo miss?” Inulit ng lalaki ang tanong na parang hinuhubaran si Michelle sa tingin nito.
Sumenyas si Michelle sa lalaki para ilapit ang mukha nito sa bintana ng sasakyan. Paglapit ng mukha ng lalaki palabas ng bintana ay biglang tinusok ng daliri ni Michelle ang mata ng lalaki at sabay takbo pabalik kay Mae.
Agad na tumakbo ang dalawa papalayo sa lugar habang nagsisisigaw ang lalaki sa loob ng sasakyan. Nang makalayo na ang magkakaibigan ay bumunghalit ng tawa si Michelle.
“Bes dapat ay alam mo ang gagawin sa mga taong katulad nun para hindi tayo bastusin!” Ang nakatawang sabi ni Michelle na parang balewala sa kanya ang ginawa.
Gulat na gulat si Mae sa ginawa ng kaibigan. Despite sa kagandahan nito ay buo pala ang loob nito sa ganoong sitwasyon.
“Ginulat mo ako Bes! May natutunan ako sa iyo ngayon!” Ang sabi ni Mae sa kaibigan.
Nakauwi ang dalawa sa kani-kanilang bahay matapos ang modelling event nila sa Makati City.
Nang oras na yun……
“Sir, may nakita na namang bangkay sa isang motel sa Tagaytay City. Nakipagtalik muna ang biktima bago pinatay ng salarin. Babae ang tiningnan naming suspect dito sir!” Ang sabi ng isang pulis sa opisyal.
Tiningnan ng opisyal ang pictures ng bangkay ng isang lalaki na halatang pinahirapan muna bago pinatay ng suspect. Nakatali ang kamay ng lalaki at pinutol ang ari nito bago sinaksak sa leeg ng salarin.
“Di ba ganyan din yung nangyari sa lalaking natagpuang patay sa loob ng motel sa Calamba? Nakipagtalik muna yung lalaki tapos pinutulan bago pinatay? At bakit hindi nakapanlaban ang lalaki?” Tanong ng opisyal.
“Itse-tsek ng SOCO sir yung blood sample ng mga biktima kung pareho ng chemical yung nasa dugo nila. Kung pareho eh malamang na serial killer yung suspects. Parehong anak-mayaman yun biktimang ito at yung nauna tapos pareho pang nakipagtalik bago patayin.” Ang sabi ng pulis.
Tiningnan ng opisyal ang report sa pinatay at ikinumpara sa naunang biktima. Tsinek ng opisyal ang profile nito sa Facebook at nalaman na magkaibigan ang una at ang pangalawang biktima.
Naalala ng opisyal ang natagpuang patay na inatake sa puso kaya kinuha ang case folder nito at tiningnan sa Facebook ang profile nito. Laking gulat nya na kaibigan ng inatake sa puso ang dalawang biktima na pinutulan ng ari.
Dali-daling tinawag ng opisyal ang mga imbestigador dahil isang hinala ang nabuo sa isipan niya.
“Boys I think I found something. Magkakaibigan ang lalaking natagpuang inatake sa puso sa isang hotel sa Quezon City at ang dalawang biktima na pinutulan ng ari. I think this is a crime of passion and revenge. Alamin nyo kung sino ang close friends ng tatlo para maimbestigahan natin para hindi na maulit pa ito!” Ang sabi ng opisyal.
Nag-alisan ang mga tao at naiwan ang opisyal sa loob ng opisina nito. Maya-maya ay kumatok ang secretary ng opisyal.
“Colonel Garcia, may bisita po kayo!” Ang sabi ng secretary at pumasok si Yvette kasama ang iba pang mga kadete sa opisina.
“Good evening sir!” Bati ng mga ito sabay render ng saludo sa koronel.
“As you were. Take a seat. Part of your training is the immersion with the operatives in conducting investigation. May natagpuang patay na lalaki which I believed is connected to the previous death of his friends. Read the case folder and study how the police investigate. Tandaan nyo, mag-isip kayo tulad ng isang kriminal para makahuli kayo ng kriminal!” Ang sabi ng koronel at ibinigay ang case folder sa mga kadete.
Samantala……
“Condrado, mukhang tinatarget tayo ng nakalaban nating grupo last time! Pinatay nila si Ronron at Ritchie! Sa tingin ko ay pinatay din nila si Russell dahil wala namang sakit sa puso yun kaya papaano siya mamamatay?” Ang nag-aalalang sabi ng kaibigan ni Condrado.
“Palamig muna kayo. Malamang may nagmamanman sa inyo. Kapag may nag-alok ng babae sa inyo ay magduda na kayo dahil malamang pakawala yan ng kalaban natin. Alam nilang babae ang hilig natin kaya yun ang gagamitin nila para makaganti!” Ang sabi ni Condrado sa mga kaibigan.
“Mabuti pa nga. Magpalamig muna tayo.” Nag-aalalang sabi ng isa pa.
Dumating ang Sabado kinaumagahan….
Nagbabasa ng balita si Michelle ng umagang yun sa iPad na hawak niya. Wala siyang pasok at balak nyang puntahan si Mae para manood sila ng sine. Sa swipe nya sa screen ay lumabas ang balita sa lalaking pinatay.
May theory ang mga pulis na serial killer ang pumapatay at babae pa. Napangiti si Michelle nang mabasa na baka babae ang killer.
“Girls rule!” Ang nakangiting sabi nito sa sarili.
Kilala ni Michelle ang nasa tattoo ng isa sa biktima. Tanda yun na miyembro ito ng Santelmo Drug Syndicate.
Pagkatapos ay naligo siya at nag-ayos ng sarili para puntahan si Mae. Natatandaan niya na sinabi ni Mae na namatay sa sunog ang ama dahil sa Saturno Drug syndicate. Ngayon na may napatay na isa ay isa na namang salot sa lipunan ang nawala.
Nang oras na yun ay nabasa din ni Mae ang balita. Hindi nya alam na miyembro ng sindikato ang isa sa pinatay. Hindi lubos maisip ni Mae kung papaano nagawa ng babaeng suspect na patayin ang biktima na parehong lalaki.
Pagkadating ni Michelle sa bahay ay nagbeso-beso ang magkaibigan at napagkwentuhan ang pagpatay sa lalaki.
“Miyembro ng Saturno Drug syndicate yung pinatay kagabi. Alam ko yun kasi nakita ko na dati sa balita yung tattoo na yun. Parang anting-anting yung porma ng tattoo. At least nabawasan ang sindikato.” Ang sabi ni Michelle.
“Dapat talaga sa mga yun ay pinapahirapan bago patayin! Malamang may nasirang buhay ang mga yan kaya ganyan ang pahirap na ginawa sa kanila bago patayin!” Ang seryosong sabi ni Mae.
Kitang-kita ni Michelle ang galit sa boses ni Mae nang magsalita ito laban sa Saturno Drug syndicate. Hindi nya masisi ang kaibigan. Talagang salot ng lipunan ang sindikato lalo na ang lider nito na si Don Pablo dahil malaki ang part nito sa pagkakasakit ni Kryzel.
Sa apartment na tinutuluyan ni Sarah ng oras na yun ay masusing tinitingnan ng dalaga ang Facebook profile ni Condrado dahil nagbabakasakali ito na makita ang activities ng lalaki. Naghinala si Sarah na mga kaibigan ni Condrado ang mga humalay sa kanya ng lihim kaya inisa-isa nya ang mga Facebook friends nito.
Bagama’t blurred ang mga mukha ng mga lalaking humalay sa kanya ay may mga tattoo ito sa ibat-ibang parte ng katawan kaya madali niyang na-identify sa mga Facebook friends ni Condrado ang limang lalaki.
“Hindi ko kayo titigilan! Sinira nyo ang buhay ko! Lintik lang ang walang ganti!” Ang sabi ni Sarah sa sarili.
Nag-pm siya sa isa sa lalaking nagsamantala sa kanya at nagbakasakaling sasagot ito.
“Baka alam nyo ang cellphone number ni Condrado. Gusto ko siyang makausap! Please!” Ang sabi nya sa pm na nagpapahiwatig na kailangang niya si Condrado.
Naka-offline ang dalawang humalay sa kanya kaya hindi agad ito sumagot. Kapag sumagot ang mga ito ay magagawa niya ang balak sa mga ito.
Ang dating Sarah na mukhang sophisticated at mataas ang tingin sa sarili ay isa na ngayong matapang at mabagsik na babae. Hindi nya makakalimutan ang ginawa sa kanya ni Condrado kahit kailan.
Bago niya nalaman ang pagsasamantala sa kanya ay handa siyang sumama kay Condrado kahit nalaman na niya ang tunay na pagkatao ni John pero niloko lang pala siya nito at ipinagamit pa sa iba.
Maya-maya ay lumabas ng apartment si Sarah para bumili ng bitamina at gamot na kailangan niya. Bitamina para sa katawan niya at gamot para maisakatuparan ang mga plano niya.
Pagdating sa botika ay lihim nyang kinausap ang pharmacist na kaklase nya noong college at binigyan siya ng kailangang gamot. Propofol. Pampatulog na gamot para sa mga inooperahan.
Sa PNP Crime Laboratory sa PRO4A…..
“Sir, eto na po ang resulta ng blood extraction sa mga biktima!” Sabi ng isang medical technologist na pulis.
Nang binasa ng opisyal ang Laboratory test ay may nakita siyang chemical na common sa tatlong biktima. Propofol.
Agad itong itinawag kay Colonel Garcia at isinend ang Laboratory tests results sa koronel. Matapos basahin ay kinilabutan ang koronel.
Makikipagtalik ang suspect sa biktima at sasaksakan ng Propofol tapos ay itatali bago pahihirapan. Pagkagising ay puputulan ito ng ari bago patayin.
Malamang na ang inatake sa puso ay unang pagpatay ng suspect kaya hindi nito nagawang pahirapan ang biktima pero nang makapatay na ito ay lumakas ang loob nito at nagawa nang pahirapan ang mga biktima bago patayin.
“Para siyang makamandag na insektong Black Widow! Makikipagtalik muna bago patayin ang kapareha! Kaya din pala ng tao na gawin yun!” Ang nasabi ng koronel sa sarili.
BINABASA MO ANG
The Semi-Virgin
RomanceIsang kwento ng dalaga na bagama't birhen ay may karanasan na sa mga lalaki dahil na rin sa mapait na pangyayari sa kanyang buhay. Hanggang kailan nya maiingatan ang puri? Maihahandog niya pa kaya sa lalaking minamahal ang iniingatan niya?