BAGONG PAG-IBIG
Sa isang private pool sa Pansol makalipas ang dalawang buwan nang mapabalita ang pagpatay sa lalaki…….
“Basta ipangako mo na daldalhin mo ako sa kinaroroonan ni Condrado! Kailangang pakasalan nya ako!” Ang sabi ni Sarah habang unti-unting niyang hinuhubad ang mga damit.
“Sure! Promise yan!” Sabi ng lalaki at hinalikah si Sarah bago inihiga sa kama.
Ilang minuto ang lumipas at lumakas ang uga ng kama na tanda na malapit ng makarating sa dulo ang lalaki. Kasabay ng pagdating ng lalaki sa rurok ay kaagad na tumama sa leeg nito ang syringe na may laman na Propofol at agad na nakatulog ang lalaki.
Maya-maya ay bumangon si Sarah para talian ang kamay at paa ng lalaki sa upuan para hindi makakilos. Nang magising ang lalaki ay laking panghihilakbot nito nang makita na nakatali siya at may busal ang bibig.
“Pagbabayaran mo ang kahayupan mo sa akin!” At tinusok ni Sarah ng kutsilyo ang mata ng lalaki bago pinutol ang ari nito.
Hindi makasigaw ang lalaki dahil may busal ang bibig nito. Nang makita ni Sarah na namimilipit sa sakit ang lalaki ay sinaksak naman nito ang hita ng lalaki ng ilang beses. Pagkatapos ay nilaslas ang lahat ng kasukasuan nito para mabuhay man ay baldado ito.
Nang makasiguro si Sarah na fatal ang mga sugat ng lalaki ay muli siyang nagsuot ng wig at sunglasses pagkatapos maglinis ng katawan at lumabas ng resort na parang walang nangyari.
Umatake na naman si Black Widow at naging laman ng balita ng mga sumunod na araw ang kalunos-lunos na sinapit ng lalaki.
Mag-iisang taon na simula ng magkahiwalay sila ni John ay ipinangako ni Sarah na isasama nya sa impyerno ang sumira ng buhay nya. Kapag napatay nya na ang huling lalaking gumahasa sa kanya ay isusunod nya si Condrado.
Walang nakakaalam na ginahasa siya ng limang lalaki kaya blangko ang mga pulis sa motibo ng pagpatay.
Sa St. Michael University ilang araw ang lumipas…..
“Bes, nag-aaya si Arex mamayang gabi para sa grand ballroom. Nandun din si Troy!” Ang sabi ni Mae kay Michelle.
Nang araw na yun ay founding anniversary ng school nila Mae kaya napagkasunduan ng magkaibigan na pumunta sa grand ballroom sa school gym ngayong gabi.
Masugid na manliligaw ni Mae si Arex kaya naman nahulog na ang loob ni Mae dito. Bukod sa maalalahanin at mabuting tao ay may pagkakahawig din sila ni Bruce. Pero ipinangako ni Mae sa sarili na hinding-hindi nya na uulitin kay Arex ang bagay na ginawa nila ni Bruce.
“Well sige. Sasamahan kita. Alam ko na nagugustuhan mo na si Arex eh.” Ang reply naman ni Michelle.
Kahit nagugustuhan ni Mae si Arex ay hindi ganoong kalalim ang pagmamahal nya dito. Iba si John. Para bang made for each other sila pero yun lang, patay na ang lalaki sa akala nya. Susubukan nyang bigyan ang puso nya ng pagkakataon na magmahal ulit. Sasagutin nya ang lalaki sa mga susunod na araw.
“Wala bang pag-asa si Troy?” Tanong ni Mae.
“Wala eh. Hindi ko nga alam kung papaano ko siya itu-turn down.” Ang sabi ni Michelle.
“Oh well. Magkita na lang tayo mamayang gabi.” Ang sabi ni Mae.
Pagdating ng gabi sa school gym ay partner-partner ang mga dumalo sa grand ballroom. Kahit walong lalaki na ang nakapiling ni Mae ay parang nahihiya siya kay Arex sa pagsasayaw nila ng sweet. Mabagal ang tugtog kaya naman damang-dama ni Mae ang bawat galaw ni Arex.
Katabi nila sa pagsasayaw si Mae at Troy na parang nagkakahiyan din. Dim ang ilaw sa ballroom kaya nagpapadagdag yun sa romantic ambiance ng gym.
Nakalagay ang kamay ni Arex sa bewang ni Mae habang si Mae naman ay nakalagay ang kamay sa balikat ni Arex. Nagkatinginan ang dalawa sa mata ng isa't isa at dahan-dahang inilapit ni Arex ang mukha kay Mae at hinalikan ito sa pisngi.
Nagulat si Mae sa ginawa ni Arex. Nang makitang hindi nag-react si Mae, marahang hinalikan ni Arex ang mga labi ni Mae. Nagulat ulit si Mae pero hindi ito tumutol. Dinama nya ang halik ni Arex pero hindi nya dama dito ang naramdaman niya kay John noon pero mas higit naman yun kaysa sa naramdaman nya kay Bruce.
“I love you Mae!” Ang bulong nito kay Mae.
Hindi agad nakasagot si Mae. Hindi siya sure sa nararamdaman pero alam nyang mahal talaga siya ng binata. Ramdam nya na parang si Mateo kung magmahal ang lalaki.
“I love you too!” Ang sagot ni Mae.
Nakita ni Michelle at Troy ang dalawa at napangiti sila pareho. Nagkatinginan ang dalawa at napangiti si Michelle. Lumakas ang loob ni Troy at sinubukan kung uubra ang diskarteng ginawa ni Arex kay Michelle.
Tinangkang halikan ni Troy si Michelle pero tinukuran ni Michelle ng mga daliri nya ang tiyan ni Troy bilang pagtanggi.
“Huwag Troy!” Ang mahinang sabi ni Michelle.
May konting kalokohan si Troy kaya hindi ito nagpapigil at sinubukan ulit na halikan si Michelle. Kaya naging one inch punch ni Bruce Lee ang daliri ni Michelle na nakatutok sa tiyan ni Troy.
Nabigla si Troy at hindi nakahinga. Agad siyang niyakap ni Michelle sa may leeg na para bang sweet ang dalawa at bumulong.
“Subukan mong ulitin yun at puputulan kita! Kilala mo naman si Black Widow di ba?” Sabi ni Michelle sabay baon ng mga kuko sa leeg ni Troy.
Pagkatapos ay bumitaw sa pagkakayakap si Michelle na nakangiti na para bang very sweet sa lalaki.
Gumapang ang kilabot sa katawan ni Troy sa ginawa ni Michelle. Naalala nya ang balita tungkol kay Black Widow na pinuputulan ng ari ang mga biktima bago patayin.
“Lika na balik na tayo!” Ang nakangiting sabi ni Michelle kay Mae.
Bumalik ang apat sa mesa nila at doon itinuloy ang kwentuhan. Natahimik si Troy at ang alam ni Arex at Mae ay binasted ito ni Michelle. Hindi alam ng dalawa na natakot ito kay Michelle sa pag-aakalang ito si Black Widow.
Inihatid ni Arex si Mae sa boarding house na tinutuluyan nito at binigyan ng halik sa labi si Mae bago umalis. Agad nagkwentuhan sa cellphone ang magkaibigan at doon ay sinabi ni Mae na sila na ni Arex.
Napatawa naman ng malakas si Mae ng sabihin ni Michelle na natakot si Troy ng isipin nito na siya si Black Widow. Ang magandang kaibigan ni Mae ay may lihim palang kalokohan.
Lumipas ang buwan at naging maayos ang relasyon ni Mae at Arex. Minsan ay nagpahiwatig si Arex na gusto nyang gawin ang bagay na iyon kay Mae pero nagalit si Mae at sinabing ibibigay nya lang yun sa siguradong mapapang-asawa niya. Iginalang naman ni Arex ang kagustuhan ng dalaga at nagpatuloy ang magandang relasyon nila.
Minsan ay naiisip ni Mae na napak-unfair nya kay Arex. Walong lalaki na ang nakatikim sa kanya at marami sa kanila ang binayaran lang siya.
Mabilis na lumipas ang panahon at gra-graduate na si Mae at Michelle sa kurso nila. Si John naman ay na-promote na bilang senior engineer at humahawak na ng mga projects.
Si Yvette naman ay isang taon na lang ang bubunuin at magiging tinyente na ng kapulisan. Ipinangako nya sa sarili na magkakaroon ng hustisya ang kamatayan ng pamilya niya.
Isang araw ay tumawag si Kryzel kay Michelle para ibalita ang isang importanteng bagay.
“Ate Michelle, nagsabi na si Kryzette na lalayo na siya. Sinabihan din siya ni papa na mas mabuting lumayo siya para sa ikatatahimik ng lahat. Kailan ka ba pupunta dito?” Tanong ni Kryzel.
“Pagka-graduate ko ay pupunta agad ako dyan para dalawin ka. Miss na kaya kita!” Ang sabi ni Michelle.
“May balita na ba kay John?” Tanong ni Kryzel.
Matagal bago nakasagot si Michelle.
“Kryzel sa tingin ko ay kailangang kalimutan mo na siya. Nagpatulong na ako kung kani-kanino pero talagang wala ng balita kay John.” Ang sabi ni Michelle.
Nalungkot si Kryzel sa narinig kahit inaasahan nya ang balitang yun.
“Siguro nga ay kailangan ko ng mag-move on!” Ang sabi nito.
Madami pang napagkwentuhan ang magkaibigan. Maya-maya pa ay tinapos na ni Michelle ang tawag at nagpahinga na. Habang nagpapahinga ay binuksan niya ang TV para manood ng balita.
“Isa na namang bangkay ng lalaki na pinaghihinalaang biktima ni Black Widow ang natagpuang patay sa Calamba City kahapon ng madaling araw. Hanggang ngayon ay inaaalam pa ng kapulisan ang pagkakakilanlan kung sino ba talaga ang serial killer na tinaguruang Black Widow.”
Na-curious si Michelle sa motibo ng serial killer at kung bakit kailangan pang pahirapan bago patayin. Kung siya siguro yun ay papatayin nya na lang para iwas abala.
BINABASA MO ANG
The Semi-Virgin
RomanceIsang kwento ng dalaga na bagama't birhen ay may karanasan na sa mga lalaki dahil na rin sa mapait na pangyayari sa kanyang buhay. Hanggang kailan nya maiingatan ang puri? Maihahandog niya pa kaya sa lalaking minamahal ang iniingatan niya?