KABANATA 41

13 0 0
                                    

THE PERFECT PAIR

Nagpatuloy si Mae at ang kanyang kasama sa paglalakad patungo sa company kung saan magkakaroon ng interview si Mae sa bagong trabaho. Ang lalaki naman na tumulong kay Mae ay laking panghihinayang dahil hindi nito nakuha ang pangalan niya. Magkakaroon kasi ng meeting sa  kumpanya at kailangan naroon siya ng maaga ngayong umaga. Umaasa ang lalaki na makikita niya muli si Mae sa hinaharap.
Ganoon din naman si Mae. Naramdaman niya sa lalaki ang lukso ng puso ng makilala niya si John. Hindi nya ito naramdaman kahit kaninong lalaki except ngayon lang ulit bukod kay John.
Lumipas ang isang linggo at iniisip ng dalawa ang bawat isa. How they wish na magkita ulit sila.
Isang araw ay papunta sa meeting ang lalaking tumulong kay Mae para sa project ng company nila. Pumasok siya sa  building at sumakay ng elevator papuntang 16th floor kung saan gaganapin ang meeting kasama ang ibang contractors.
Pagdating niya sa 16th floor, dumiretso siya sa venue at binuksan ang pinto. Pagpasok sa venue, nakita niya ang isang tao na sobrang nagpasaya sa kanya. Si Mae!
Napalingon si Mae sa pinto nang bumukas ito at hindi siya makapaniwala nang makita kung sino ang pumasok sa pinto.
“Hi! Sa wakas nagkita ulit tayo!!" Sabi nga lalaki habang nakangiting naglalakad papunta kay Mae.
Ang lalaki ay si John.
Hindi makakilos si Mae sa pagkabigla. Ang lalaking laging laman ng isip nya buong linggo ay naglalakad papunta sa kanya ngayon.
“Hindi na ako nakapagpakilala last time kasi nagmamadali ako. Ako nga pala si Marco! Full name Juan Marco Cortez!” Pakilala ni John habang inaabot ang kamay kay Mae para makipagkamay.
Nang pumasok sa pinagtatrabahuhang company si John ay Marco na ang ginamit nyang pangalan para na rin simulan ng pagbabago sa buhay nya.
"Oh hi Marco! I’m pleased to meet you! I’m Karla! Karla Mae Esmeralda! I'm so glad na nagkita tayo ulit!" Nakipagkamay si Karla kay Marco na nag-blush ang mukha sa pakikipagkamay sa lalaki.
Tulad ni John ay Karla na ang ginamit ni Mae na pangalan sa bagong kumpanya na pinasukan ng dalaga. Isang systems integration company ang pinasukan ni Mae at laging Karla ang tawag sa kanya sa accounting firm na nauna nyang pinasukan
(Simula dito ay Marco na ang gagamiting pangalan ni John at Karla naman si Mae)
"I’m glad to see you again Karla. Buong linggo kitang iniisip kaya natutuwa akong nagkita tayo dito." Diretsong sabi ni Marco habang patuloy na nakatingin sa mga mata ni Karla habang nakangiti.
Dahil halos apat na taon na nang huli silang magkita ay hindi na sila familiar with each other kaya hindi nila matandaan ang bawat isa. Besides, akala ni Karla ay patay na si Marco at nakalimutan na rin ni Marco ang dalaga dahil sa mga pinagdaanan niyang pagkabigo sa pag-ibig at sa iba pang nangyari sa buhay nya.
Secretly ay sobrang saya ang puso ni Karla nang marinig niya nang direkta mula kay John na iniisip siya nito sa buong linggo. Buong linggo din iniisip ni Karla si John and she’s longing to meet him again.
“Isa ka ba sa mga contractor sa project? Kaka-start ko lang kasi sa company namin last week and it's my first time to attend a contractor's meeting." Sabi ni Karla habang nakaupo silang dalawa sa mga upuan.
“Oo. Engineer ako from MELAN Constructions. I’m so glad na mas madalas na tayong magkikita mula ngayon.” Sabi ni Marco habang nakatingin sa mga mata ni Karla.
“Well, I guess tama ka. Junior account executive ako mula sa Expert Corporation at ako ang hahawak ng kontrata para sa IT infrastructure ng proyekto." Sabi ni Karla habang nakangiti kay John.
Nagpatuloy ang pag-uusap ng dalawa hanggang sa dumating ang ibang contractor sa venue. Pagkatapos ng dalawang oras, natapos ang meeting at niyaya ni Marco si Karla sa isang restaurant para sa lunch. Nag-usap ang dalawa tungkol sa maraming bagay at nagpalitan ng cellphone numbers habang kumakain.
"Full scholar ako sa school namin at member din ako ng swimming team. Para suportahan ang pag-aaral ko ay nagtrabaho din ako bilang musikero.  Medyo kapos sa pera ang mga magulang ko para pag-aralin ako kaya nagsikap ako hanggang sa maging engineer.” Ang sabi ni Marco kay Karla.
Buo sa isip ni Marco na itatago niya kahit pa sa mapapang-asawa ang mga delikado at masasakit na nakaraan sa buhay nya. Ayaw nyang mamroblema ang mapapang-asawa kung malalaman nito na hinahanting siya ng Saturno Drug syndicate. Bukod dun ay nakapatay pa siya ng tao sa ring. Kapag sinabi nya pati tungkol kay Sarah ay mauungkat ang mga nakatagong nakaraan nya.
“Wow! Matalino at napakasipag mo! Well, may restaurant ang pamilya ko dati pero nasunog ito at namatay ang tatay ko sa insidenteng iyon. Huminto ako sa pag-aaral at nagtrabaho bilang waitress sa loob ng anim na buwan. I did some part-time job like modelling and events singer hanggang sa maka-graduate ako ng college. Nagtrabaho ako dati bilang accounting staff pagkatapos ng graduation at second job ko ito ngayon pagka-graduate ng college.” Medyo nahihiyang sabi ni Karla.
Medyo nalungkot siya nang maalala ang pagkamatay ng kanyang ama at ang epekto nito sa kanyang buhay. Most importantly ay nahihiya siya sa naging trabaho niya dati as a stripper, as an actress in a porn movie at sa pagiging kabit niya. Sapat na malaman ng magiging asawa nya na nagtrabaho siya bilang waitress.
"I'm sorry sa nangyari sa tatay mo. May mga challenges tayo sa buhay pero mas mahirap ang buhay mo kaysa sa akin at hinahangaan kita dahil doon. Matapang na babae ka!" Sabi ni Marco habang nakatingin sa mga mata ni Karla para ipakita na interesado siya sa kanya.
Nakaramdam ng saya si Karla nang mapansin niya ang tingin ni Marco sa kanya. Deep in Karla’s heart, she wished na ligawan siya ni Marco at maging girlfriend nito. Nagpatuloy ang pag-uusap ng dalawa hanggang one o’ clock ng hapon.
“Kailangan ko na yata bumalik sa office namin ngayon. Kailangan ko pang tapusin ang lahat ng kailangan para sa project.” Ang sabi ni Karla kay Marco.
"Well I’m looking forward of seeing each other again!" Ngumiti si Marco kay Karla habang inalalayan ang dalaga palabas ng restaurant.
Agad na tinawagan ni Marco si Karla pagkabalik ng dalaga sa opisina niya kaya naman tuwang-tuwa ang dalaga. Matapos ang pag-uusap ay agad na tinawagan ni Karla si Michelle na noon ay natutulog na dahil madaling araw na sa U.S.
“Bes! Ang saya-saya ko!” At ikinuwento ni Karla ang pagkikita nila ni Marco.
“Ay naku ikaw talaga! Ginising mo ako para lang dyan. Ganun? In-love ka na agad? Kilatisin mong mabuti yan at baka manyakis yan!” Paalala ni Michelle.
“I think I’m really in love! Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito! Kapag niligawan ako nito sasagutin ko agad!” Ang biro ni Karla.
“Maghunos-dili ka Mae! Bagong kakilala mo pa lang yan!” Paalala ni Michelle.
“Karla na ang itawag mo sa akin Bes! Career woman na kaya ako at mas bagay sa akin yung name na Karla!” Ang sabi ng dalaga.
“Whatever!” At nagpatuloy sa kwentuhan ang magkaibigan.
Nagpatuloy ang contact ni Karla at Marco at nagpapalitan sila ng text messages araw-araw. Tuwing break time ay laging tumatawag si Marco kay Karla. Para kay Marco, si Karla ang dream girl niya. Mabait ito, maganda, masipag, elegante at may mabuting puso.
Para naman kay Karla, ideal man nya si Marco. Gwapo ito, talented, matalino, mabuting tao, very manly at responsable. Naniniwala ang dalawa na sila ang nakatadhana sa isa't isa.
Sinusundo ni Marco si Karla sa  opisina nito araw-araw after office hours para ihatid sa tinutuluyang apartment ang dalaga. Twice a  week ay nagdi-dinner ang dalawa sa restaurant para lalong magkalapit sa isa’t-isa.
Gusto ni Marco na mas makilala si Karla at maging intimate sa kanya. Alam naman ito ni Karla at umaasa siyang liligawan siya ni Marco.
Isang buwan ang lumipas mula noong una silang mag-meet ni Karla……….
Isang meeting ulit ang isinet ng developer ng project na last meeting para sa finalization. This time, very familiar na sila Marco at Karla. Lagi silang magkasama at magkatabi sa upuan hanggang sa matapos ang meeting.
"Thank you sa lahat ng pumunta dito ngayon para sa finalization ng project.  Meron tayong dinner sa function room sa second floor and everybody is invited.” Sabi ng project manager sa lahat ng nandoon.
“Let’s go?” Tanong ni Marco kay Karla at inaabot ang kamay nito sa dalaga.
Nakangiting hinawakan ni Karla ang kamay ni Marco at naglakad ang dalawa patungo sa elevator. Parang totoong mag-syota ang dalawa habang naglalakad patungo sa function room na magkahawak-kamay.
Hindi napigilan ng mga kasamahan nila ang mapangiti nang makitang magkahawak kamay ang dalawa. Sa mga mata nila, perfect pair sina Marco at Karla. Masyadong maasikaso si Marco at maalalahanin kay Karla dahil hindi siya umalis sa tabi nito. Secretly ay natutuwa si Karla sa pagiging gentleman sa kanya ni Marco. Pakiramdam ni Karla ay para siyang prinsesa ng mga sandaling iyon.
"Karla, pwede ka bang mag-render ng kanta sa mga bisita?" Isang babaeng kasamahan ni Karla ang nagtanong sa dalaga dahil nalaman niya sa resume nito na dati itong nagtatrabaho bilang isang events singer.
“Oo naman. Pipili lang ako ng minus-one accompaniment sa cellphone ko!" Sagot ni Karla.
“Karla, hindi mo na kailangan maghanap ng minus one na accompaniment sa cellphone mo. Tutugtog  na lang ako ng piano accompaniment para sa kanta mo!" Nag-volunteer si Marco kay Karla habang nakatingin ito sa mga mata ng dalaga para masiguradong papayag ito.
“Ay mas maganda yan! Perfect pair kayong dalawa! Matutuwa ang mga bisita rito sa inyong dalawa!" Masayang sabi ng babae.

The Semi-VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon