KABANATA 42

13 0 0
                                    

KNOWING EACH OTHER MORE


Ngumiti si Karla kay Marco. Bagama't alam ni Karla na tumutugtog ng musical instruments si Marco at alam naman ni Marco na nagtrabaho si  Karla  as an event singer, hindi sila nagkaroon ng pagkakataong mag-jam.  Magiging impromptu performance ito para sa kanilang dalawa.
Natuwa si Karla ng mag-volunteer na tumugtog ng piano si Marco para sa kanta nya dahil fancy niya na tumugtog sila nang magkasama. Magkasabay na naglakad papunta sa harap sina Marco at Karla habang magkahawak ang kamay.  Malakas na palakpakan ang maririnig mula sa mga bisita nang dumating sa harap ang dalawa.
Sinimulan ni Marco ang pagtugtog ng intro ng kantang ‘Just Give Me A Reason by Pink’. Huminga ng malalim si Karla habang kinakanta ang unang line ng kanta habang nakatingin kay Marco. Natuwa si Marco sa mala-anghel na boses ni Karla and he's happy inside because of the way Karla looked at him.
Ang lyrics ng kanta ay  nagpapahiwatig kung ano ang nasa puso ni Karla.
“Right from the start
You were a thief
You stole my heart
And I'm your willing victim
I let you see the parts of me
That weren't all that pretty
And with every touch you fixed them”
Humanga ang mga bisita sa magandang boses ni Karla at pagkatapos na kantahin ni Karla ang part nya ay sinimulan ni Marco na kantahin ang part ng lalaki sa kanta.
“I'm sorry I don't understand
Where all of this is coming from
I thought that we were fine
Your head is running wild again
My dear we still have everythin'
And it's all in your mind”

Napangiti si Karla nang marinig niyang kumanta si Marco. Really talented ang lalaki. Lalong na-impress si Karla. Isang malakas na palakpakan ang maririnig mula sa mga nandoon nang mag-blend ang  boses nila sa chorus ng kanta:

Just give me a reason Just a little bit's enough
Just a second we're not broken just bent
And we can learn to love again
I never stopped You're still written in the scars on my heart
You're not broken just bent And we can learn to love again

Nagtayuan at pumapalakpak ang mga tao nang matapos ang dalawa. Nakangiti sina Marco at Karla habang nakatingin sa mata ng isa't isa na halatang in love sa isa’t-isa.
Biglang sumigaw ang isa sa mga bisita: "Kiss!"
Sumigaw ang isa pa: "Kiss her!"
Ngumiti lang si Marco at tumingin kay Karla. Dahan-dahan siyang yumuko kay Karla at marahang hinalikan si Karla sa labi nito.
Saglit na natigilan si Karla sa ginawa ni Marco pero labis siyang natuwa sa bold moves nito nang halikan siya. Hindi ito ang first kiss ni Karla pero pakiramdam nya ay first kiss nya to. Parehong-pareho ang pakiramdam sa first kiss nya!
Hindi namalayan ni Karla na hinalikan niya rin si Marco. Bumalik lang siya sa katinuan nang marinig naghihiyawan ang mga tao sa room. Nagkatinginan ang dalawa kaya  bumalik sila sa  upuan habang hawak ang kamay ng isa't isa.
Maya-maya ay natapos ang meeting at  magkayakap na naglakad ang  dalawa palayo sa venue. Walang kamalay-malay ang dalawa na ang isang verse ng kanta ay magiging bahagi ng  buhay nila in the future.

“I never stopped You're still written in the scars on my heart
You're not broken just bent
And we can learn to love again”

Parang nasa langit ang dalawa pagkatapos ng meeting na yun. Magkayap silang naupo sa bench sa isang park at inubos ang oras sa kwentuhan, biruan at lambingan ng gabing yun.
First time na naramdaman ng dalawa ang ganoong kaligayahan kaya parang ayaw nilang maghiwalay. Hatinggabi na nang ihatid ni Marco si Karla sa tinutuluyang bahay nito at naghalikan ulit bago maghiwalay.
Agad na tinawagan ni Karla si Michelle at masayang nagkwento sa kaibigan.
“Bes, ang saya-saya ko! Ngayon ko lang naramdaman ang ganito sa twenty-two years ko sa mundo!” Ang masayang-masaya na kwento ni Karla sa kaibigan.
“I’m happy for you Bes! Nakakainggit ka! Buti ka pa may love life na samantalang ako eh naghihintay pa rin sa wala!” Ang buntong-hiniga ni Michelle.
“Makikita mo din ang lalaking magmamahal sa iyo! Kung bakit kasi napakapihikan mo eh!” Ang sabi ni Karla.
“For your information, na inlove na ako no? Kaya lang bigla siyang nawala na parang bula. Basta kung magbo-boyfriend ako eh yung mahal ko talaga!” Sagot ni Michelle.
Nagkwentuhan pa ang dalawa ng ilang minuto bago natapos. Ramdam ni Michelle ang saya ng kaibigan at masaya siya para dito.
Kinabukasan sa opisina ni Marco…..
“Uy ang saya-saya natin ah! May narinig akong balita sa nangyari kahapon! Totoo ba?” Ang tanong ng kaopisina ni Marco na si Abigail.
“Totoo yun Abigail! Sagot ko tanghalian ng group natin ngayon!” Ang masayang sagot ni Marco.
Nang mga sumunod na araw ay puno ng paglalambingan at pagmamahalan sina Marco ay Karla. Sa pakiwari nila ay sila ang itinadhana para sa isa’t-isa. Bagama’t masayang-masaya si Karla ay hindi nya maiwasang mag-alala at malungkot tuwing maiisip nya na hindi siya karapat-dapat kay Marco.
May mantsa na ang dangal nya bilang babae dahil sa pagiging half-virgin niya pero buo sa loob nya na ilihim ito dahil ayaw nya na mawala si Marco sa kanya. Lahat ng nakakaalam ng lihim nya ay namatay na maliban kay Mateo at Aling Nancy.
Ipinakilala ni Karla si Marco sa nanay nito at ganoon din si Marco na ipinakilala ang pamilya nya sa dalaga. Parehong boto ang mga pamilya nila sa isa’t-isa kaya naman lalong gumanda ang relasyon ng magkasintahan.
Minsan habang nagde-date ang dalawa ay may naitanong si Marco sa dalaga na ikinagulat nito.
“Sweetheart, di ba sabi mo eh iisa pa lang ang naging boyfriend mo?” Tanong ni Marco.
“Oo naman. Bakit mo naitanong sweetheart?” Curious na tanong ni Karla.
Hindi sinabi ni Karla ang tungkol kay Mateo at Bruce dahil talaga naman na hindi nya ito naging mga boyfriend kahit pa na ilang beses na ginawa ni Karla sa dalawang lalaki ang bagay na yun. Si Arex lang talaga ang naging boyfriend nya Kaya hindi siya nagsisinungaling.
“Sa baseball ay may first base, second base at third base. Pero ang score ay nasa homerun. Naka-homerun ba ang boyfriend mo? Saan base siya nakarating?” Matalinhagang tanong ni Marco.
Nakuha ni Karla ang tanong ni Marco. Lahat yata ng lalaki ay ito ang tanong sa girlfriend nila.
“Tinatanong mo ba kung virgin pa ba ako?” Seryosong tanong no Karla.
Medyo nahihiyang tumango si Marco.
“First base lang. Wala ng iba.” Simpleng sagot ni Karla.
Sa isip ni Karla ay talagang first base lang ang narating ng dati nyang boyfriend  na si Arex dahil hanggang halik lang talaga ito. Iba ang usapan kung ang mga lalaking dumaan sa buhay nya ang tatanungin. Hindi yun mga naging boyfriend nya. Homerun lahat ng mga yun pero not counted ang score kasi,  kung baga sa basketball ay sa maling ring nai-shoot ang bola.
“Talaga? Wow! Virgin pa ang girlfriend ko! Yehey! Pero kahit hindi ka na virgin ay tatanggapin at mamahalin pa din kita. Hindi mahalaga sa akin kung virgin ka o hindi! Ang importante ay mahal mo ako at maganda ang treatment mo sa akin!” Ang sabi ni Marco sabay halik sa nobya.
Na-touch si Karla sa sinabi ni Marco. Tatanggapin pa rin siya ng nobyo kung sakaling butas na siya. Mabuti na lang at buo pa ang hymen nya kaya talaga namang virgin pa siya.
Malaki ang paggalang ni Marco kay Karla dahil hindi nito hinihingi sa dalaga na may mangyari sa kanila na siyang hinangaan ni Karla. Hindi mapagsamantala si Marco hindi tulad ni Bruce na iminulat siya sa ganoong bagay at ni Mateo na sinamantala ang pangagailangan niya sa pera.
Lalong minahal ni Karla si Marco dahil sa magandang katangian ng lalaki. Kung hihingin ng lalaki ang bagay na yun ay baka hindi siya makatanggi.
“Eh ikaw, ilang babae na ang nagdaan sa mga kamay mo?” Nakangiting tanong ni Karla.
Hindi agad nakapagsalita si Marco. Napakamot lang ito ng ulo at sumenyas ng dalawang daliri.
“Weh? Di nga?” Hindi makapaniwala si Karla.
Sa hitsura, tikas at confidence ni Marco ay siguradong hindi ito mahihirapang kumuha ng babae kaya mahirap paniwalaan na dalawa pa lang ang nagalaw nito.
“Yun lang talaga. Gusto ko kasi karapat-dapat ako sa babaeng pakakasalan ko!” Ang nakangiting sabi nito.
Niyakap ni Karla si Marco dahil hanga siya sa self-discipline nito. Nahihiya siya sa nobyo dahil mas marami pa siyang karanasan kaysa dito.



The Semi-VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon