KABANATA 43

11 0 0
                                    

THE PAST RE-EMERGED

Dahil sa mga pinagdaanang pagsubok ay nawalan na ng contact si Marco sa mga kaklase niya. Nag-iingat siya at baka malaman ni Don Pablo kung nasaan siya kapag nakipag-usap sa mga dating kabanda at kaibigan. Besides, ayaw nya na mangyari sa mga kaibigan ang nangyari sa pamilya ni Yvette.
Tanging si Yvette lang ang maituturing ni Marco na malapit na kaibigan. Siya lang ang tanging tao na nakakaintindi sa pinagdadaanan niya. Ganun din naman si Yvette na si Marco lang din ang nakakaaalam ng buhay nya.
“I’m happy for you Marco! Finally ay nagmahal ka na! Sana nga eh kayo ang magkatuluyan. Kalimutan mo na ang nangyari sa inyo ni Sarah dahil baka maapektuhan noon ang relasyon nyo ni Karla.” Ang masayang sabi ni Yvette.
Binisita ni Marco si Yvette sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City sa opisina nito sa SAF kung saan ito naka-assign. Paminsan-minsan ay dinadalaw ni Marco ang kaibigan para magkumustahan at magbalitaan.
“I know Yvette. Naka-move on na ako and I’m glad that I met my girlfriend. Suddenly ay nagkaroon ng kulay ang buhay ko! Matapos ang mga nangyaring pagsubok sa atin ay pakiramdam ko eh may bagong buhay na naghihintay sa akin!” Ang sabi ni Marco.
“Oo Marco. Matapos ang mga nangyari sa atin ay may bagong buhay na naghihintay!” Ang makahulugang sabi ni Yvette at hinaplos ang tiyan na nagsisimula nang lumalaki.
“May Intel report ba tungkol sa Saturno Drug syndicate?” Naitanong ni Marco.
“Ang latest na balita ay nasa U.S. daw si Don Pablo pero walang nakakaalam kung nasaan siya. Hindi rin kasi alam ng kapulisan ang tunay nyang pangalan. Kaya mahirap mahuli si Don Pablo ay marami siyang contact na negosyante at ginagamit nya ang mga yun para doon idaan ang mga transaction niya.” Ang sabi ni Yvette.
Nag-isip ng malalim si Marco. Kung mawawala lang sana si Don Pablo ay babagsak ang supply chain ng droga sa bansa pero walang nakakaalam ng tunay na katauhan ni Don Pablo. Baka iba na rin ang hitsura nito.
Pero sigurado si Marco na makikilala nya si Don Pablo dahil sa pinsala na iniwan nya sa hita nito ng barilin nya ito at malaki ang sugat nito sa mukha.
“O paano Yvette, kailangang bumalik ako sa trabaho ko. Let’s just keep in touch! Bye!” Ang paalam ni Marco at lumabas ng opisina ng dalaga.
Kahit masaya si Yvette sa buhay ni Marco ngayon ay hindi nya maiwasang malungkot dahil kahit anong gawin nya ay parang kapatid lang talaga ang turing ni Marco sa kanya. Hindi nya ito masisi dahil hindi naman basta basta natuturuan ang damdamin. Ibubuhos na lang ni Yvette ang oras nya sa pagpapalaki ng magiging anak nila ni Marco.
Nang mga oras na yun ay nag-aabang ng taxi si Karla pabalik sa opisina galing sa isang project. Nang may dumating na taxi ay agad siyang sumakay. Pagsakay niya sa loob ay sinabi nya sa driver kung saan ang punta nya.
Nang umaandar na ang taxi ay nakita nya ang driver na parang pamilyar. Nasa mahigit sixty ang edad nito at halatang hirap sa buhay. Nang pagmasdan nyang mabuti ang matanda ay nagulat siya. Kilala nya ito! Ito ang matandang tumulong sa kanya na itakas siya kay Roque.
“Manong!” Nasabi ni Karla.
“Bakit po mam? May nakalimutan po ba kayo?” Ang magalang na tanong nito.
“Natatandaan nyo po ba ako?” Naitanong ni Karla.
“Pasensiya ka na iha. Sa dami ng mga naging pasahero ko ay hindi na kita matandaan. Matanda na rin ako kaya makakalimutin na.” Paumanhin ng matanda na nakangiti.
“Mahigit tatlong taon na ang nakakaraan ay tinulungan nyo akong makatakas kay Roque! Naalala nyo ba? Ang sabi nyo ay simula nang araw na yun ay hindi tayo magkakilala!” Ang naluluhang sabi ni Karla.
Napahinto ang matanda sa pagmamaneho. Natigilan ito sa sinabi ni Karla. Itinabi nito ang sasakyan at  maya-maya ay naluha ito.
“Salamat sa Diyos at nasa maayos ka na! Simula ng araw na yun ay umuwi na ako sa Mindanao pero wala na pala akong babalikan. Malaki ang agwat ng edad namin ng pangalawang asawa ko kaya pag-uwi ko ay nalaman kong sumama na siya sa iba kaya bumalik ako sa Manila para magtrabaho ulit. Kaya lalo akong nagalit kay Roque kahit patay na siya dahil mapagsamantala siya.” Ang sabi ng matanda.
“Salamat sa inyo manong at nasa maayos na buhay na ako. Gusto ko kayong pasalamatan sa tulong nyo sa akin. Dati na ba kayong nagdri-drive ng taxi?” Tanong ni Karla.
“Hindi iha. Iba-iba ang mga naging trabaho ko. Alam mo, naalala ko sa yo ang namatay kong anak noong bata pa ito. Siguro kasing-edad mo siya kung buhay pa siya.” Ang sabi ng matanda at nagkwento ito ng buhay nya.
Naluha si Karla sa malungkot na buhay ng matanda. Nakakita ng father figure si Karla sa matanda at ganun din naman ang matanda kay Karla. Parang anak nito ang tingin sa dalaga. Nagpalitan ng number ang dalawa at bumaba si Karla sa opisina pagkatapos.
Nagpatuloy ang malambing na pagmamahalan ni Marco at Karla. Marami ang naiinggit kay Karla sa opisina ni Marco dahil naging girlfriend siya ni Marco. Madalas din na lumalabas ang dalawa na animo’y walang pakialam sa mga gastusin na bagay na ikinababahala ni Karla.
“Sweetheart, napapadalas ang labas natin. Ok lang naman na isang beses isang linggo lang tayo lumabas. Halos araw-araw kasi ang gastos mo para sa akin eh. Ayaw mo naman na maglabas ako para sa date natin.” Ang paalala ni Karla.
Walang idea si Marco na nag-aalala si Karla sa paraan nya ng pag-gastos pero natuwa si Marco ng sabihin ni Karla sa kanya ang bagay na yun.Hindi naman alam ni Karla na simula nang mapasok si Marco as an engineer sa kumpanya ay nagsimula na rin siyang mag-ipon.
Pero hindi nya basta-basta kayang kalimutan na lang ang pamilya ng napatay nya sa ring dahil umaasa rin ang mga naiwan nito sa nakalaban nya. Kaya naman nagdedisyon si Marco na kalahati ng sweldo nya ay ilalaan nyang tulong sa pamilya ng nakalaban nya hanggang sa magbuo na siya ng sariling pamilya.
“Ok Sweetheart. Mag-iipon ako para may mabunot kapag may kailangan!” Ang sabi ni Marco at hinalikan sa labi si Karla.
Isinama isang araw ni Karla sa kanila sa Baliwag si Marco para ipakilala sa mga kaibigan. Pinagkaguluhan ng mga kaibigan si Marco dahil ngayon lang nila nalaman na may boyfriend na ang kaibigan.
“Marco, ingatan mo ang kaibigan namin! Huwag mo siyang lolokohin! Mutya ng Bulacan yan baka hindi mo alam!” Ang paalala ni Jenny.
Kahit kaibigan ni Karla si Jenny ay wala itong alam sa naging buhay nya sa Urdaneta City kaya ang tingin nila kay Karla ay isang babasaging kristal na dapat pag-ingatan.
“Oo Marco! Masuwerte ka sa kaibigan namin dahil lahat ng good qualities ay nasa kanya!” Dagdag pa ng isa.
Sa narinig ni Marco sa mga kaibigan ni Karla ay lalo siyang na-inlove sa dalaga. Para itong isang mamahaling alahas na hinahangad ng karamihan
Dinala din ni Karla si Marco sa nasunog na restaurant at hindi napigilan ni Karla ang maluha nang makita ang tupok na restaurant nila. Marami siyang alaala sa restaurant na ito dahil namulat na siya na nakatayo na ito simula pagkabata niya.
“Mga adik ang may kagagawan ng lahat ng ito. Kung hindi dahil sa kanila ay hindi mamamatay ang tatay ko. Kung may pagkakataon ay itatayo ko ulit ito.” Ang naluluhang sabi ni Karla.
Niyakap ni Marco ang kasintahan para paluwagin ang kalooban nito. Adik na naman. Mga biktima din sila ng Saturno Drug syndicate. Kung may magagawa lang siya para sugpuin ang sindikato pero para siyang langgam na babangga sa elepante.
Ayaw ikuwento ni Marco ang nangyari sa kanya pati na ang tungkol kay Yvette at Sarah. Kapag nagkwento siya ay baka maungkat kung bakit sa kampo siya nag-review. Ayaw nyang madamay sa pag-aalala si Karla sa mga problema niya.
Maasikaso at malambing si Karla. Hindi ito demanding at submissive siya kay Marco. Maayos din itong magsalita at malumanay kaya naman hindi nag-aaway ang magkasintahan. Kung may hindi sila pagkakaunawanan ay maayos nila itong napapag-usapan. Good listener si Karla at nagbibigay ng opinion nya sa maayos na paraan para maintindihan ni Marco.
Hindi naman maiwasan ni Marco na maikumpara si Karla kay Sarah. Mataas ang tingin ni Sarah sa sarili, demanding, dominant at mataas lagi ang boses. Sunod-sunuran siya dito at pakiramdam nya ay natatapakan ang pagkalalaki nya.
Naisip ni Marco na blessing in disguise ang nangyaring pagtataksil ni Sarah sa kanya dahil kung nagpatuloy ang relasyon nila ni Sarah ay para na siyang isang hari ngayon. Isang hari sa board game na chess kung saan hindi siya makakilos ng malaya pero nagagawa ng reyna ang lahat ng kagustuhan.
Nang oras na yun ay nawala lahat ng galit at sama ng loob niya kay Sarah. Napatawad na niya ang dating kasintahan. Naging maluwag na ang kalooban ni Marco ng oras na yun.
“Please promise me that you won’t change. Change for the better siyempre!” Ang masayang sabi ni Marco na parang tumama sa lotto ang pakiramdam na maging girlfriend si Karla.
“Ikaw din! Huwag kang magbabago ng trato sa akin! Puputulan kita! Si Black Widow kaya ako!” Ang biro ni Karla sa kasintahan.
Nagtawanan ang dalawa sa biro. Wala silang idea na ang pangalang Black Widow ay lumabas dahil sa resulta ng maling pagpili ng mamahalin.

Isang araw…….
May usapan si Marco at Karla na magkikita sa mall para mamili ng gamit. Naunang dumating si Karla sa meeting place nila sa loob ng mall dahil may inaasikaso pa si Marco sa opisina nito.
Nakatayo siya at naghihintay nang walang anu-ano ay may lalaking lumapit sa kanya na nakangiti.
“Yvonne!” Sabi ng lalaki.
Parang binuhusan si Karla ng malamig na tubig sa nerbiyos. Walang tumatawag ng Yvonne sa kanya kundi ang mga nakakaalam lang ng dating trabaho niya sa Love Nest.
“You might not remember me. Ako si Brad, Brad Prieto, dating customer mo! Remember?” Nakangisi na sabi nito.
Buong akala ni Karla ay wala nang nakakaalam ng nakaraan nya pero heto ngayon sa harapan niya si Brad Prieto, ang lalaki na dalawang beses nyang pinaligaya.


The Semi-VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon