KABANATA 45

15 0 0
                                    

FOUND AND LOST

Sa bahay ni Kryzel  sa U.S. ng oras na iyon……
“Kryzel , babalik na ako sa Pilipinas sa isang buwan. Maayos na health condition mo ngayon at mabubuhay ka na ng tunay na normal na tao. Umalis na si Kryzette kaya wala ka ng dapat ipag-alala.” Ang sabi ni Michelle.
“Ate Michelle, favor naman oh. Makibalita ka pa din kay John. Hindi lang kasi ako mapakali kung hindi ko malalaman kung ano nangyari sa kanya.” Ang sabi ni Kryzel .
“Yan talaga ang gagawin ko pero kailangang ihanda mo ang sarili mo sa anumang balita. Baka patay na siya o may-asawa na.” Paalala ni Michelle.
“Matagal ko ng inihanda ang sarili ko sa bagay na yan. Ang mahalaga lang sa akin eh malaman ko kung ano ang nangyari sa kanya.” Sagot ni Kryzel .
“Eh kung may girlfriend na siya, anong plano mo?” Tanong ni Michelle.
Matagal bago nakasagot si Kryzel .
“Hindi pa naman sila mag-asawa kaya I'll take my chance. Hindi naman kasalanan sa batas kung agawin ko siya sa girlfriend nya di ba?” Sagot pabalik ni Kryzel .
“Mas maganda sana kung pabayaan mo siya kung ganoon ang sitwasyon. Kawawa naman yung babae. Isipin mo kung boyfriend mo si John tapos agawin sa iyo. Di ba magagalit ka din?” Kumbinsi ni Michelle.
Hindi nakaimik si Kryzel  dahil alam nyang tama si Michelle. Totoo na kapag sa kanya ginawa yun ay magagalit din siya.
“Basta makibalita ka pag-uwi mo!” Ang sabi ni Kryzel .
Umoo na lang si Michelle at lumayo na umiiling. Sa isip ni Michelle ay baka ganun din ang gawin nya, ang agawin si John kung hindi pa ito kasal.
Sa Pilipinas…..
“Siyanga pala sweetheart, naalala ko noong 5th year ako sa engineering eh may dalawa akong teenager na fans. Parehong silang maganda. Yung isa ay halos kasing-edad mo tapos yung isa ay minor pa lang.” Ang sabi ni Marco kay Karla habang magkayakap at parehong walang damit nang magising kinabukasan matapos ang magdamag na bakbakan.
“Nasaan na sila ngayon?” Curious na tanong ni Karla.
“Wala na din ako balita sa kanila eh. Ni hindi ko na nga matandaan ang hitsura nila. Siyanga pala, saan lugar ka nga pala naging waitress noon?” Ang biglang tanong ni Marco para maiba ang usapan nila.
Nag-aalala si Marco na baka magtanong pa si Karla sa mga nangyari sa buhay nya dahil ayaw nyang mag-alala ito kung malalaman ni Karla ang problema nya sa Saturno Drug syndicate.
“Ah…sa Caloocan City lang. Every week ang uwi ko dati. Isinara na rin yung restaurant na yun at pinalitan na ng ibang negosyo.” Pagsisinungaling ni Karla.
Tulad ni John na ayaw maungkat ang nakaraan ay nagsinungaling si Karla para hindi malaman ni John ang madilim na part ng buhay nya. Maya-maya ay nag-ring ang telepono ni Karla. Tumatawag si Michelle.
“Bes! May balita ako! Babalik na ako ng Pilipinas! Magkikita ulit tayo!” Masayang sabi ni Michelle.
“Wow! Talaga? Kailan?” Gulat na tanong ni Karla.
“Dapat next month pero nag-decide ako na umuwi next week! Miss you na kasi eh!” Excited na sabi ni Michelle.
“Tamang-tama! Susunduin ka namin ng boyfriend ko para magkakilala kayo!” Ang sagot ni Karla.
“Siguraduhin mong mabait at responsible yan ha! Kung guwapo ay mas mainam!” Biro ni Michelle.
“Ah basta! Magugulat ka!” Ang tumatawang sabi ni Karla.
Nagpatuloy ang kwentuhan ng magkaibigan at naiwan si John na nakatingin sa kasintahan. Parang sa isang iglap ay nabalewala siya nang tumawag si Michelle.
“Sorry sweetheart! Na-excite lang ako dahil matagal na kaming hindi nagkikita ng kaibigan ko. Promise! Hindi na mauulit!” Humingi ng paumanhin si Karla kay Marco sabay halik sa nobyo matapos ang pag-uusap nila ni Michelle.
“Ok lang. Alam ko ang feeling ng nami-miss ang mga kaibigan.” Nakangiting sabi ni Marco at tiningnan ng pilyo si Karla.
Naintindihan ni Karla ang gusto ni John kaya maya-maya pa ay umuga na naman ang kama tanda na nagsimula na naman ang digmaan ng pagmamahalan sa pagitan ng magkasintahan.
Samantala……
Nagluluto si Sarah para sa tanghalian nila ng kapatid nyang si Raul nang mag-ring ang cellphone nya. Tumatawag si Yvette.
“Yvette, napatawag ka?” Tanong ni Sarah.
“Sarah, may tao ba dyan? May itatanong lang kasi ako.” Seryosong tanong ni Yvette.
“Mag-isa lang ako dito. Bakit?” Nagtatakang tanong ni Sarah.
“May kinalaman ka ba sa pagkamatay ng isang nagngangalang Brad Prieto? Natagpuan siyang walang damit sa gilid ng Meycauyan River at putol ang ari.” Seryosong tanong ni Yvette.
“Yvette, hindi ako yan! Hindi ko kilala ang tao na pinatay! Ang may atraso na lang sa akin ay si Condrado. Baka may gumagaya sa akin para iligaw ang imbestigasyon.” Ang paliwanag ni Sarah.
“Yan din ang hinala ko. Tinawagan lang kita para kumpirmahin. Oh papaano? Huwag mong kalilimutang inumin ang mga gamot at bitamina mo.” Ang sabi ni Yvette at nagpaalam kay Sarah.
Puzzled si Sarah kung ano ang motibo sa pagpatay sa lalaki. Naging kilala na si Black Widow na pinuputulan ang biktima bago patayin. Malamang na malaki ang atraso ng biktima sa inargabyado nito.

Matapos na ibigay ni Karla ang virginity nya sa lalaking minamahal ay lalong naging mas malambing ang dalawa sa isa’t-isa. Sa mga sumunod na araw ay laging ginagawa ng magkasintahan ang digmaan ng pagmamahalan at ginawa na rin ni Karla kay Marco na pagtrabahuhin ang labi nya sa lalaki.
Yun lang, ayaw ni Karla na sa loob ng bibig nya na pakawalan ang pagmamahal ng nobyo dahil ayaw niyang maalala ang madilim na nakaraan. Iginalang naman ni Marco ang gusto ni Karla. Sa isip ni Karla ay unfair kay Marco dahil nagawa nya yun ng ilang beses sa iba’t-ibang lalaki pero hindi nya magawang gawin kay Marco.
Isang araw bago umuwi si Michelle ay dinala ni Marco si Karla sa isang fine dining restaurant sa Makati City. Pagkatapos kumain ay may inaabot na red box si Marco kay Karla. Laking gulat ni Karla ng buksan yun dahil tumugtog ang isang quartet ng Canon in D na karaniwang tinutugtog sa mga kasal.
“Will you marry me?” Ang sabi ni Marco habang nakaluhod sa harapan ni Karla.
Hindi nakapagsalita si Karla ng oras na yun dahil sa sobrang kaligayahan. Ang lalaking pinakamamahal niya ay nag-propose na sa kanya! Tumulo ang luha ni Karla at hinatak ang kamay ni Marco para tumayo. Nang makatayo na si Marco ay niyakap ito ni Karla.
“Yes! Yes!” Ang malakas na sabi ni Karla at napaiyak sa tuwa.
Umugong ang palakpakan sa buong restaurant dahil sa romantic scene sa pagitan ng magkasintahan. Sa isip ni Karla, hindi nga niya nakatuluyan si John na inakala nyang patay na pero eto ngayon ang isang lalaki na mahal na mahal niya tulad ni John at inalok siya ng kasal.
Si Marco naman ay masayang-masaya dahil tinanggap ni Karla ang alok niya. Ang babae na dating nagpatibok ng lubos ng puso nya na si Mae ay napalitan na ngayon ng isang babae na pumuno sa kakulangan nya sa puso.
“I’m so happy dahil umoo ka! I’ll schedule our wedding ASAP! Kahit sa huwes muna tapos sa simbahan naman kapag nakakuha tayo ng available church!” Ang masayang sagot ni John.”
“Masyado ka namang atat! Kapro-propose mo lang tapos kasal agad!” Ang natatawang sabi ni Karla.
“Dahil ayaw kong pakawalan ka!” Malambing na sabi ni Marco.
Sa apartment ni Karla natulog si Marco at muling naulit ang digmaan ng pagmamahalan sa pagitan ng dalawa.
Kinabukasan ay maagang umalis ang magkasintahan papuntang airport para sunduin si Michelle. Hindi pa nakikita ni Michelle si Marco dahil walang Facebook ang binata. Ayaw ni Marco na gumamit ng Facebook dahil ayaw nyang mag-take chance at baka matagpuan siya ng Santelmo Drug Syndicate.
Maya-maya pa ay nakita ni Karla ang isang dalaga na naka-jeans and white blouse na angat na angat sa karamihan ang hitsura. Dumating na ng bansa si Michelle.
“Mitchie! Dito!” Kaway ni Karla kay Michelle.
“Bes! Nandito na ako!” Tuwang-tuwang si Michelle nang makita ang kaibigan.
Hindi nakatuon ang mata ni Michelle kay Marco kaya hindi nya napansin ang binata. Nagbeso-beso ang magkaibigan nang makalapit na si Michelle sa kanila.
“Wow Mitchie! Lalo kang gumanda at sumexy!” Puri ni Karla.
“Ikaw din! Mas maganda at mas sexy ka compared the last time I saw you!” Ang sagot ni Michelle.
“By the way Bes, I want you to meet my fiancé, Marco. Sweetheart, this is my best friend, Michelle. Mitchie for short.” Ang masayang sabi ni Karla.
“Hello Mitchie! I’m very pleased to meet you!” Ang sabi ni Marco sabay lahad ng kamay sa dalaga.
Parang ipinako sa kinatatayuan nya si Michelle. Ang lalaking matagal na niyang hinahanap at unang nagpatibok ng puso nila ni Kryzel  ay nasa harapan na niya ngayon. Kahit maikli ang buhok nito at apat na taon na ang lumipas ay hindi nya makakalimutan ang mukhang iyon.
“He..hello Jo…Marco! I…I’m also very pleased to meet you!” Ang gulat na gulat na sabi ni Michelle kay Marco.
Hindi makapaniwala si Michelle na ang lalaking nakatakdang mapang-asawa ng best friend niya ay ang lalaking pinakamamahal niya.
Parang may kumurot sa puso ni Michelle nang oras na yun. Natagpuan nya na si Marco pero nakatakdang mawala ulit dahil ikakasal na ito sa kaibigan.

The Semi-VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon