ANG BUNTIS
Na-shock si Karla sa nabasa. Nakabuntis si Marco? Imposible! Wala yun sa character ni Marco, sa isip ni Karla.
Nanginginig si Karla ng ibalik kay Marco ang cellphone. Ang sabi ng babae ay buntis siya pero hindi sinabi kung si Marco ang ama o kung dapat nya bang panagutan yun. Hindi nya gustong maniwala na nakabuntis ang nobyo pero papaano kung totoo?
Pinakalma nya ang sarili at nag-decide na aalamin ang katotohanan kaya pumasok siya sa kuwarto ni Mitchie at tumabi sa kaibigan para matulog. Nakatulog si Karla na lumuluha at laman ng isipan ang text message kay Marco.
Madaling araw…..
Bumukas ang pintuan sa kuwarto na tinutulugan ni Marco. Parang pusa ang lakad ng anino ng taong pumasok sa kuwarto at wala ni kaluskos man lang. Masusing tiningnan ng tao ang natutulog na si Marco at dahan-dahang itong lumapit sa binata. Yumuko ang tao at dinampian ng masuyong halik sa lips ang binata ng ilang segundo.
Maya-maya ay tumayo na ang anino at lumabas ng kuwarto.
Nang sumunod na araw ay matamlay si Karla dahil iniisip ng dalaga ang nabasang text message. Noong una na tumawag si Abigail ay napansin ni Karla na may something sa reaction ni Marco pero hindi nya alam kung ano. This time ay may hinala na siya.
“Parang ilang araw ka ng matamlay sweetheart, may problema ba? Baka lumamig na yang pagkain mo.” Tanong ni Marco isang araw matapos silang manggaling sa fitting ng wedding dress ni Karla.
“Wala sweetheart. Medyo ilang araw na kasi akong busy sa project na inaasikaso ko.” Sagot ni Karla.
“Basta huwag kang magpakapagod kasi dapat maganda ka sa wedding natin!” Nakangiting sabi ni Marco.
Pagkatapos kumain ay tumuloy ang dalawa sa bahay na nirerentahan ni Marco. Dahil nga ikakasal na ay natutulog na sa bahay ni Marco si Karla. Bago matulog ay nakasanayan ng magkasintahan na maligo kaya naunang naligo si Karla.
Nang matapos na si Karla ay pumasok naman ng banyo si Marco. Nagkataon na nakapatong sa cabinet ang cellphone ni Marco kaya naisipan ni Karla na itsek yun dahil baka may makitang ebidensiya. Dahil alam ni Karla ang PIN ng cellphone ng nobyo ay nabuksan nya agad ito.
Inisa-isa niya ang mga messages pati sa viber, telegram at messenger hanggang makita nya ang message ni Abigail. Konti lang naman ang mga yun at parang ordinary messages lang pero may nakita siya sa message na nanlamig siya.
“Buntis ako kaya ikaw na ang bahala sa akin.” Sabi sa text message.
“Ok. Hindi kita pababayaan.” Reply ni Marco.
Wala ng iba pang messages from Abigail pero ang palitan ng messages ng dalawa ay sapat na para makumpirma ang hinala ni Karla.
Pinatatag ni Karla ang sarili para hindi makahalata si Marco. Mahirap paniwalaan na ang nobyo nya ay may iba pero naisip nya na baka nagkaroon lang ito ng one night stand at aksidenteng nakabuo. Meaning walang namagitan na pagmamahal sa kanila dahil mukhang hindi naman naghahabol ang babae. Mukhang suporta lang mula kay Marco ang gusto nito.
Ilang sandali pa ay lumabas na si Marco sa banyo at hinalikan si Karla sa labi tanda na may gustong gawin ang lalaki bago matulog. Pinilit ni Karla na maging normal para hindi makahalata ang nobyo at nang sa ganun ay makapag-imbestiga siya.
Maya-maya ay umuga ng malakas ang kama ng magsimula ang digmaan ng pagmamahalan ng dalawa. Kahit may iniisip ay nadala pa rin si Karla at mas nakarami pa ito kaysa sa nobyo.
“Hindi ko alam kung magaling ba talaga ako sa kama or talaga lang matibay ka! Mas nakarami ka kaysa sa akin! Kung hindi lang kita na-devirginize eh iisipin ko na madami ka ng sexperience eh!” Ang biro ulit ni Marco matapos ang umaatikabong labanan.
Natigilan si Karla at medyo napahiya na may konting guilt na naramdaman pero kaagad namang bumawi.
“Ganun? Baka ikaw ang praktisado sa mga babae!” Ganting biro ni Karla.
“Hindi ko na kailangang magpraktis sa iba! Ikaw ang gusto kong pagpraktisan!” Tumawa si Marco.
May naisip na itanong si Karla.
“Eh papaano kung madami na pala akong karanasan? Ganyan pa rin ba pagmamahal mo sa akin? Eh papaano kung nakabuntis ka? Iiwan mo ba ako?” Tanong ni Karla.
Hindi kaagad nakasagot si Marco at mukhang nag-isip muna ng isasagot.
“Depende siguro sa dahilan kung bakit madami kang karanasan. Kung pagmamahal o hindi mo kontrolado ang sitwasyon eh balewala sa akin yun pero kung dahil nakipaglaro ka para maibsan ang init ng katawan ay hindi ko matatanggap yun. Mas matatanggap ko pa yung pokpok na gipit sa pera at biktima ng rape.” Simpleng sagot ni Marco.
Humanga si Karla sa sagot ni Marco. Tanggap pala ng nobyo ang nangyari sa kanya pero walang balak si Karla na sabihin ang sikreto sa lalaki. Babaunin nya hanggang kamatayan ang sikreto nya.
“Eh paano pala kung may anak na pala ako sa iba or nakabuntis ako?” Tanong naman ni Marco.
Hindi kaagad nakasagot si Karla. Mukhang may itinatago talaga ang lalaking ito.
“Depende. Kung may anak ka na at hindi mo alam eh ok lang sa akin. Pero kung alam mo pero itinago mo eh hihiwalayan kita. Kung nakabuntis ka habang boyfriend kita eh iiwan kita. Ayaw ko sa taksil!” Ang seryosong sabi ni Karla.
Tumawa si Marco na parang balewala ang sinabi ng nobya. Niyakap nito ang nobya at hinalikan.
“Don’t worry. Wala akong anak at hindi kita pagtataksilan!” Ang sabi pa ni Marco.
Sa isip ni Karla: “Sana nga…”
Meanwhile, in PNP General Hospital in Camp Crame……
“Congratulations Police Lieutenant Yvette Mercado! It’s a boy!” Umiiyak ng malakas ang bagong silang na sanggol na anak nila Marco at Yvette habang hawak ng doctor.
Naluluhang tiningnan ni Yvette ang anak na produkto ng pagmamahal niya sa lalaki. Kasabay ng pagbuo ng sanggol sa sinapupunan nya ay kasabay din yun ng nabuong pagmamahalan ni Marco at Karla.
“Sa tingin ko eh kailangang malaman ni Marco ang tungkol dito.” Ang sabi ni Colonel Garcia.
“Sir huwag! Ikakasal na si Marco at ayokong guluhin siya. Besides, hindi alam ni Marco na nabuntis nya ako dahil may proteksyon siya that time. Ginusto ko na magka-anak sa kanya kaya responsibilidad ko ito.” Ang sabi ni Yvette.
Hindi umimik ang koronel at Napabuntong-hininga.
Sa mga sumunod na araw ay naging abala ang magkasintahan sa paghahanda sa kasal nila. Gusto ni Karla na kumprontahin si Marco tungkol sa pagbubuntis ni Abigail pero natatakot siya sa pwedeng mangyari.
Bisita ni Karla si Mitchie sa bahay isang araw at kasama si Marco. Lumabas ng bahay si Marco sandali para bumili ng maiinom nila kaya naiwan si Karla at Mitchie sa bahay na naghahanda ng tanghalian.
Nang matapos sa pagluluto ay nag-decide si Karla na maligo kaya naiwan si Mitchie sa kusina para iligpit ang mga gamit. Naisip din ni Mitchie na maligo muna bago kumain kaya lumabas siya para kunin sa kotse ang mga gamit nya nang marinig nya na may kausap si Marco sa phone.
“Abigail, wala tayong magagawa. Buntis ka. Huwag kang mag-alala hindi kita pababayaan.” Sabi ni Marco na dinig na dinig ni Mitchie.
Tulad ni Karla, na-shock din si Mitchie sa narinig. Ang lalaking pinakamamahal nila ng kaibigan ay nakabuntis ng iba! Hindi matanggap ni Mitchie ang narinig at maging siya ay gustong maiyak dahil sa frustration.
Naalala nya tuloy ang sabi ng tatay nya na ang piliin sa lalaki ay yung may mabuting puso at mapagmahal at huwag masisilaw sa guwapo at mayaman. Pero ang minahal ni Mitchie ay ang pagiging responsableng tao at mabuti ni Marco bukod sa pagiging guwapo nito kaya para siyang binagsakan ng langit ng marinig na nakabuntis ito.
Bumalik sa loob ng bahay si Mitchie na namumugto ang mga mata. Tiyempo na lumabas ng banyo si Karla kaya deretsong pasok siya sa loob para hindi makahalata ang kaibigan. Nagtatakang tiningnan ni Karla ang kaibigan dahil sa parang umiyak ito.
Pagkatapos maligo ay hindi na halata sa mata ni Mitchie na umiyak ito. Pero na-curious si Karla kaya nag-decide itong kausapin ang kaibigan.
“Bes may problema ba?” Tanong ni Karla.
Hindi kaagad nakaimik si Mitchie at malungkot na tumingin kay Karla.
“Bes pwede ba tayong mag-usap sa kwarto? Importante lang!” Ang sabi ni Mitchie.
Pumasok ang dalawa sa loob ng kwarto tsaka umupo sa kama at sinabi ni Mitchie ang narinig mula kay Marco. Napaluha si Karla pagkatapos magkwento ni Mitchie.
“Matagal na akong nagdududa na nakabuntis si Marco pero wala akong pruweba! Yun pala ay narinig mo mismo sa bibig ni Marco yun!” Ang naluluhang sabi ni Karla.
“Hindi ko naman narinig na sinabi nyang nakabuntis siya pero sa usapan nila ay mukhang humihingi ng suporta yung babae at walang balak si Marco na iwan ka! Baka lang minsan nilang ginawa at nakabuntis siya!” Ang sabi ni Mitchie.
“Ano ang dapat kong gawin Bes?” Naluluhang tanong ni Karla.
“Ang the best move ay mag-usap kayo kung papaano ang bata. Kaya mo bang tanggapin na nakabuntis ang lalaking yun? Sa tingin ko ay mahal ka niya pero tumikim sa iba bago magpakasal sa yo!” Ang payo ni Mitchie.
“Sinong tumikim sa iba? Ako ba ang pinag-uusapan nyo?” Seryosong tanong ni Marco nang pumasok ito sa kwarto.
BINABASA MO ANG
The Semi-Virgin
RomanceIsang kwento ng dalaga na bagama't birhen ay may karanasan na sa mga lalaki dahil na rin sa mapait na pangyayari sa kanyang buhay. Hanggang kailan nya maiingatan ang puri? Maihahandog niya pa kaya sa lalaking minamahal ang iniingatan niya?