TRUE LOVE GIVES WAY
Nagulat ang magkaibigan ng pumasok si Marco sa kuwarto at narinig pala ang pinag-uusapan nila. Nakita ni Karla ang seryoso na mukha ni Marco at hindi nya maiwasang magalit nang makita ang hitsura ng lalaki.
“Marco! Ikaw na ang may kasalanan eh ikaw pa ang mataas ang boses dyan! Wala ka bang ipapaliwanag sa akin?” Umiiiyak na medyo galit ang boses ni Karla.
Nagulat si Marco sa reaksiyon ng nobya. First time nya na makitang galit ito kaya nagtataka siya kung bakit.
“Wait! Hold on! Ano bang pinag-uusapan nyo? Narinig ko na tumikim ako ng iba, tama ba? Ano yun?” Takang tanong no Marco.
“Gusto lang namin na magsabi ka ng totoo! Ano ang namamagitan sa inyo ni Abigail? Kailan mo siya nabuntis?” Ang umiiyak na tanong ni Karla.
“What!!! At sinong maysabi na nabuntis ko si Abigail? Teka, pinagdududahan nyo ba ako?” Takang-taka si Marco.
“Marco, please tell us the truth!” Sabi ni Mitchie.
Gulat na gulat si Marco sa narinig. Nag-process muna ang isip nya at maya-maya ay tumawa ito nga malakas.
“I get it! Nabasa nyo siguro ang text message ni Abigail at narinig nyo usapan namin ‘no? Hayy naku…Si Abigail ay company secretary namin at kaibigan ko. Sinabihan ko siya na kumanta sa kasal natin pero nabuntis siya ng kaopisina namin kaya humingi siya ng pasensiya na baka hindi siya makakanta.” Ang paliwanag ni Marco.
Naalala ni Karla ang text message na nabasa nya: “Buntis ako. Hindi ko expected ito kaya pasensiya ka na.”
“May project presentation kami sa opisina pero ninenerbiyos siya at natatakot makunan kaya nagpatulong sa akin na ako na ang mag-present.” Patuloy ni Marco.
Naalala ulit ni Karla ang text message ng dalawa: “Buntis ako kaya ikaw na ang bahala sa akin.” At “Ok. Hindi kita pababayaan.”
“At kanina ay tumawag siya dahil this week na yung presentation namin at talagang ninenerbiyos siya kaya ang sabi ko ay hindi kita pababayaan.” Ang iiling-iling na sabi ni Marco na may halong pagkadismaya at pagkainis.
Nagkatinginan si Karla at Mitchie at bakas sa mga mata nila ang pagka-guilty. Pareho silang nag-jump into conclusion at hindi muna nag-imbestiga.
Napabuntong-hininga si Marco tsaka tumalikod para lumabas. Biglang tumayo ang dalawang babae para habulin si Marco at sabay na niyakap ang lalaki nang abutan ito.
“Sweetheart! I’m so sorry! Nagkamali ako ng akala! Please! Huwag ka nang magalit!” Lumuluhang sabi ni Karla na todo ang yakap sa nobyo.
“Marco! Sorry din! Umatake ang pagiging unreasonable ko at nagduda agad ako! Sorry na please!” Ang sabi ni Mitchie na nahihiya sa ginawa nito habang nakayakap sa lalaki.
Kung pagmamasdan ang tatlo ay maiinggit ang kahit sinong lalaki kay Marco dahil dalawang napakagandang babae ang nakayakap sa binata.
“Teka! Teka! Huwag nyo akong yakapin at hindi ako makahinga! Baka matumba pa tayong tatlo dahil sa yakap nyo!” Ang sabi ni Marco.
Doon lang na-realize ni Mitchie na nakayakap pala siya ng mahigpit kay Marco at medyo napahiya ito dahil nakadikit sa braso ni Marco ang malulusog niyang dibdib.
Alumpihit naman si Marco dahil nakakatukso ang kagandahan ni Mitchie at ramdam na ramdam nya ang dampi ng malulusog na dibdib ng dalaga sa braso niya bukod pa sa dibdib ni Karla na nakadikit din sa braso niya.
“Ooopps! Sorry!” Ang paumanhin ni Mitchie sabay bitaw pero sa puso nya ay masaya siya dahil nayakap nya ang lalaking mahal.
“Please sweetheart! Huwag ka nang magalit sa amin! Sorry na!” Paglalambing ni Karla na patuloy ang yakap.
“Ok. Nainis ako pero hindi ako galit. I understand na nagkamali kayo ng intindi. Talagang ganoon, nagkakamali tayo. At tsaka magtiwala naman kayo sa akin! Hindi ako babaero at higit sa lahat, mahal na mahal kita Karla!” Ang malambing na sabi ni Marco at niyakap ang nobya.
“Kung ang problema mo ay ang kakanta sa kasal natin eh huwag mo nang intindihin yun. Si Mitchie ang kakanta sa kasal natin. Siya talaga ang gusto kong kumanta sa kasal natin.” Nakangiting sabi ni Karla.
“Talaga? Hindi ko alam na singer ka pala!” Ayos! Mas ok yun na ikaw ang kumanta!” Masayang sabi ni Marco kay Mitchie.
“Matagal na naming usapan ni Karla yun! Kapag ikinasal siya, ako ang kakanta at kapag ako naman ang ikinasal ay siya naman ang kakanta para sa akin.” Ang sagot ni Mitchie.
“Kapag ikinasal ka Mitchie ay duet kami ni Karla!” Pabirong sabi ni Marco.
Napuno ng tawanan ang bahay ni Mitchie. Kahit nasasaktan ay tunay na masaya si Mitchie para kay Karla at kay Marco. Ang kaligayahan ng dalawa ay kaligayahan nya rin.
Hindi magagawang agawin ni Mitchie lalaking minamahal ng kaibigan. Yun nga lang, hindi nya alam ang gagawin kung sakaling matukso si Marco sa kanya.
Sa isang liblib na barangay…
“Maging masaya ka na lang kay John, Sarah. Masakit din sa akin na hindi magiging akin ang lalaking mahal ko pero pinili kong maging masaya dahil yun ang ikaliligaya ni John.” Ang sabi ni Yvette sa kaibigan sa pag-uusap nila sa cellphone.
“Ang laki ng pagsisisi ko ng ipagpalit ko si John kay Condrado. Ako sana ang ihaharap nya sa dambana! Totoong nasa huli ang pagsisisi!” Umiiyak na sabi ni Sarah.
“Huwag na huwag kang makikipagkita kay John. Hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksiyon nya kapag nakita ka. Makabubuti kung kalimutan mo na siya at magpagaling ka para maging malusog ka ulit. Kalimutan mo na ang paghihiganti. Sapat na yung nakabawi ka sa limang kaibigan ni Condrado!” Ang payo ni Yvette.
“Oo Yvette! Aayusin ko ang buhay ko!” Ang sagot ni Sarah.
Sa loob-loob ni Yvette, napakaswerte ni Karla. Swerte din sana si Sarah pero pinakawalan nya ito. Naisip ni Yvette pagkatapos na swerte din naman siya. Ito ay dahil may anak na sila ni Marco.
Kinabukasan paggising ni Mitchie ay buo na sa loob niya na sabihin kay Kryzel na nahanap nya na si John. Sasabihin lang niya na kahapon nya lang nalaman na fiancé ng kaibigan ang lalaking mahal din ni Kryzel .
“Ate Michelle! Kumusta na?” Magiliw na bati ni Kryzel .
“Mabuti naman. May trabaho na ako dito kasama yung best friend ko na si Karla. Ummm…Kryzel , nahanap ko na si John!” Ang sabi ni Mitchie.
“What?!! Talaga? Wow! Mabuti kung ganoon! Kumusta siya? Ano work nya? Long hair pa rin ba siya? Tumugtog pa rin ba siya? Single pa rin ba?” Sunod-sunod ang tanong ni Kryzel .
“Maikli na ang buhok nya ngayon kaya mas guwapo. Siya pa rin ang malambing at mapagmahal na John. Hindi na siya tumutugtog ngayon kaya nagtataka din ako. And… single pa rin siya.” Alanganing sagot ni Mitchie.
“Talaga? Mabuti at single pa rin siya! Sinabi mo ba sa kanya ang tungkol sa atin?” Excited na tanong ni Kryzel .
“Kryzel , apat na taon na ang nakakaraan nang huli natin siyang nakita kaya hindi nya na tayo matandaan. Hindi nya rin ako makilala dahil iba na hitsura ko ngayon kaysa dati. Tahimik ang pamumuhay nya at nag-aalala ako na baka maguluhan lang siya kapag sinabi ko sa kanya ang tungkol sa atin o sa iyo.” Ang sagot ni Kryzel .
“Bakit naman siya maguguluhan? Siya na din ang nagsabi sa akin na hihintayin nya akong mag-dalaga.” Ang katuwiran ni Kryzel .
“Kryzel , huwag kang mabibigla….ikakasal na si John sa best friend ko!” Ang nag-aalalang sabi ni Mitchie.
Natigilan si Kryzel sa pagkabigla at hindi nakapagsalita. Parang bombang pinasabog ang sinabi ni Mitchie na nakaka-shock ng todo. Tumulo ang luha ni Kryzel na hindi nya namamalayan.
“John….John….ang sabi mo ay hihintayin mo ako…Hindi! Ate Michelle sabihin mo na binibiro mo lang ako! Joke lang yung sinabi mo di ba? Hindi pa ikakasal si John!” Nag-hysterical si Kryzel nang hindi kinaya ang balita.
“Kryzel ! Calm down! Hindi maganda sa kalusugan mo yan! Totoo ang sinasabi ko! Malapit na silang ikasal! Apat na taon na ang nakakaraan kaya talagang magbabago ang lahat! You have to move on with your life Kryzel !” Ang sabi ni Mitchie kay Kryzel .
“Hindi pa sila kasal! Pwede pa natin siyang pigilan! May pag-asa pa ako! Ate Michelle gawin mo ang lahat para hindi matuloy ang kasal! Please!” Iyak ni Kryzel sa desperation.
“Kryzel , maging masaya ka na lang para kay John. Kung talagang mahal mo siya ay magiging masaya ka sa kasiyahan nya! Baka siya magalit sa iyo kapag pinigilan natin o may gawin tayo para hindi matuloy ang kasal! Pabayaan mo na siya! Let him go!” Ang umiiyak na sabi ni Mitchie sa cellphone.
Nagpatuloy si Kryzel sa pag-iyak. Batid ni Kryzel na naging selfish siya nang gustuhin nya na itigil ang kasal ni Karla at Marco. Kung gagawin nya yun ay lalong hindi nya makukuha ang pagmamahal ni Marco. Bandang huli ay tinanggap nya na lang ang kapalaran niya.
“Ate Michelle, isend mo naman sa akin mga pictures nya! Gusto ko siyang makita kahit sa pictures lang!” Ang hiling ni Kryzel .
“Sige. I-send ko sa iyo. Mas maganda na wala ng marinig si John na balita tungkol sa iyo or sa atin para hindi na siya maguluhan.” Paalala ni Mitchie.
Ilang minuto pa nag-usap ang magkaibigan hanggang magpaalam na si Mitchie.
Masakit kay Mitchie na makitang ikakasal ang lalaking mahal. Pero mas matitindi ang mga pain and challenges na nangyari sa buhay ni Mitchie na hindi kakayanin ng ordinaryong tao.
Emotionally at psychologically haunting ang pinagdaaan nya simula pagkabata pero sa pakiramdam ni Mitchie ay pinakagrabe ang pagsubok na ito. Ang hindi makapiling ang lalaking pinakamamahal niya.
BINABASA MO ANG
The Semi-Virgin
RomanceIsang kwento ng dalaga na bagama't birhen ay may karanasan na sa mga lalaki dahil na rin sa mapait na pangyayari sa kanyang buhay. Hanggang kailan nya maiingatan ang puri? Maihahandog niya pa kaya sa lalaking minamahal ang iniingatan niya?