THE END
Sa simbahan makalipas ang ilang minuto……
Nasa harapan ng altar ng simbahan si Marco kasama ang mga magulang na nag-aabang sa pagpasok ng bride. Parang isang heneral ang tindig ni Marco na suot ang custom-made na barong na nagpatingkad sa matikas na hitsura ng binata.
Karamihan sa mga kaibigan ni Karla at mga kasamahan sa trabaho ay ngayon lang nakita si Marco kaya hindi nila mapigilan ang paghanga sa binata.
“Ang guwapo pala ng mapapang-asawa ni Karla!” Ang puri ng karamihan.
Sa isang sulok ay may isang babae na naka-belo na masusing nakatingin kay Marco. Hindi ito pansinin dahil sa hitsura nitong mukhang altar server. Kung pagmamasdang mabuti ay mapupuna na higit na maganda ito kaysa karaniwang babae.
Ang babae ay si Sarah.
Gustong makita ni Sarah ang dating boyfriend bago ito ikasal kaya nag-decide siya na pumunta sa araw ng kasal ni Marco. Laking gulat at panghihinayang nya ng makita si Marco sa harap ng altar na naghihintay kay Karla.
Ang dating maitim, skinhead at mukhang ordinaryong tao lang sa paningin ni Sarah ay isa palang matikas at guwapong lalaki na animo’y isang Greek god. Pigil ang luha ni Sarah habang nakatingin sa dating nobyo.
“I’m sorry John! Kasalanan ko ang lahat! I wish you to be happy! Karla, mahalin mo si John at huwag mong gawin ang pagkakamali ko!” Ang sabi ni Sarah sa sarili.
Nakatayo naman si Mitchie sa grupo ng choir at hinihintay ang pagpasok ni Karla sa simbahan para maglakad papunta sa altar. Si Mitchie ang kakanta sa paglakad ni Karla sa altar kasama ang choir at quintet na kinuha ni John.
Hindi maiwasan ni Mitchie ang tingnan si Marco na sobrang gwapo at tikas ng oras na yun. Dati ay iniimagine nya na siya ang lalakad papunta sa altar at sasalubungin ni Marco pero ngayon ay sa iba mapupunta ang lalaking pinakamamahal nya.
Naputol ang iniisip ni Mitchie nang lumapit ang wedding coordinator sa kanila.
“Prepare na kayo! Dumating na ang bride!” Ang sabi nito.
Dali-daling nag-aayos ang lahat At makalipas ang ilang sandali ay bumukas na ang pintuan ng simbahan. Kasabay ng pagbukas ng pinto ay sinimulan ni Mitchie ang pagkanta sa saliw ng quintet sa kantang Ave Maria ni Schubert.
Humanga ang lahat sa mala-anghel na boses ni Mitchie na bumagay sa ganda ng dalaga. Maging si John ay napatingin kay Mitchie na noon ay nakita nyang may luha ang mga mata. Napatingin din si Mitchie sa lalaking minamahal at kita nya na nakatingin ang mga mata nito sa kanya kaya agad nyang inalis ang tingin sa lalaki.
Nabaling ang atensyon ng lahat nang lumakad si Karla nang dahan-dahan papunta sa altar na inihatid ng nanay at tiyuhin niya. Mukhang isang diyosa ng kagandahan si Karla ng oras na yun kaya naman hindi maalis ang tingin ng mga nandoon sa dalaga.
Si Marco naman ay parang na-hypnotized ng makita ang mapapang-asawa na naglalakad papunta sa kanya. Hindi siya makapaniwala na mapapang-asawa na niya ang babaeng pinakamamahal.
Pagdating sa harapan ay sinalubong ni Marco si Karla at nagmano sa nanay at tiyuhin ni Karla at ganoon din si Karla tsaka nagpatuloy ang dalawa na pumunta sa altar sa harapan ng pari.
“Ladies and gentlemen, we now come to the wedding ceremony of Karla and Marco. In the name of the Father………” At sinimulan ng pari ang seremonya ng kasal.
Sa isang sulok ay may nakatutok na cellphone habang ginaganap ang seremonya. Naka-live feed ang kasal para mapanood ng walang iba kundi ni Kryzel .
Walang patid ang pag-iyak ni Kryzel habang pinapanood sa wide screen TV ang kasal ng lalaking minamahal niya. Kahit tinanggap na niya na hindi na magiging kanya si Marco ay masakit pa rin sa puso nya ang pangyayari. Habang nanonood ay biglang may pumasok sa isipan nya. Bibilhin nya ang kumpanyang pinagtratrabahuhan ni Marco.
Samantala ay hindi rin mapigilan ni Sarah ang lumuha habang nanonood. Hindi alam ni Sarah na sa bandang likuran nya ay may mag-ina na pinapanood din ang kasal ni Marco. Binulungan nito ang tatlong buwang gulang na anak.
“Ikakasal na ang tatay mo! Mahal ko siya pero iba ang mahal niya!” Ang sabi ni Yvette sa anak habang pigil na pigil ang pag-iyak habang inaalala ang masasayang araw na kasama nya si John.
Naputol ang iniisip ni Yvette nang magsalita ang pari.
“Do you take this woman, Karla Mae Esmeralda, to be your wife? Do you promise to be faithful to her in good times and in bad, in sickness and in health, to love her and to honor her all the days of your life?” Ang tanong ng pari.
“Yes I do!” Ang sagot ni Marco.
“Mukhang excited kang masyado!” Ang biro ng pari at nagpatuloy ito.
“Do you take this man, Juan Marco Cortez, to be your husband? Do you promise to be faithful to him in good times and in bad, through sickness and in health, to love him and to honor him all the days of your life?” Tanong naman ng pari kay Karla.
“Yes I do!” Sagot naman ni Karla.
“What God joins together, let no man separate!" Ang sabi ng pari.
Matapos ang iba pang seremonya sa Misa ng kasal ay dumating na sa pinakahuli ang wedding celebration.
“In the sight of God and these witnesses, I now pronounce you man and wife! You may now kiss the bride!” Ang huling sabi ng pari.
Malakas na palakpakan ang maririnig sa simbahan. At hinalikan ni Marco ang asawa. Sa hindi malamang dahilan ay biglang sumagi sa isip nya si ‘Mae’, ang babaeng laman dati lagi ng isip nya.
Nang oras na yun ay sinabi ni Marco sa sarili na tatapusin na niya lahat ng isipin tungkol kay ‘Mae’ dahil natagpuan na niya ang babaeng pinakamamahal niya.
Lumuluha habang pumapalakpak si Mitchie, Yvette at Sarah. Si Kryzel naman ay patuloy sa pagluha ng mga oras na yun. Para kay Mitchie at Kryzel , malaking bagay na ang makita nila ulit si Marco na ilang taon silang walang balita.
Para kay Yvette, ang makitang masaya si Marco at ligtas ay malaking bagay na sa kanya. Hindi nya man napang-asawa ang lalaki ay may anak naman siya dito.
Si Sarah ang lubos na nakakaawa sa lahat. Nang dahil sa pag-aalinlangan at sulsol ng pamilya ay nawala ang isang tunay na diamante sa kanya at napunta siya sa isang walang kwentang pwet ng baso. Ganoon pa man, pinili nyang mahalin na lang si Marco kahit pag-aari na ito ng ibang babae.
Matapos halikan ni Marco ang asawa ay taimtim niyang tinitigan si Karla. Parang hindi pa rin siya makapaniwala na kasal na sila ng babaeng pinakamamahal niya. Pakiramdam ni Marco nang oras na yun ay wala na siyang hahanapin pa.
“I love you Mrs. Cortez!” Malambing na sabi ni Marco sa asawa.
“I love you too my husband!” Ang tugon naman ni Karla.
Parang nasa ulap ng oras na yun si Karla. Ang lalaking nagparamdam sa kanya ng lambing at tunay na pagmamahal ay sa kanya na simula ngayon. Ang lalaking tunay na nakakuha ng pagkabirhen niya.
Madami man na lalaki ang naunang nagpakasawa sa alindog ni Karla ay si Marco pa rin ang huling lalaking pagbibigyan nya ng katawan niya at ipinapangako niya sa sarili na mamahalin si Marco ng buong puso.
Pareho silang may itinatagong masakit at madilim na nakaraan. Mga nakaraan na nagpatibay sa kanila. Mga nakaraang hindi pa nila handang ipagtapat sa isa’t-isa.
Para silang mga magagarang damit na namantsahan pero hindi halata dahil maayos ang pagkakalaba. May mantsa si Karla at ganun din si Marco pero hindi halata dahil maayos ang pagkatao at pagdadala nila.
Sa labas ng simbahan ay masusing nakatingin ang isang matandang babae sa papalabas na bagong kasal. Ipinagdadasal nito ang kinabukasan ng dalawa.
“Magmahalan kayong dalawa. May dumating man na matinding pagsubok sa inyo ay pag-ibig nyo lang ang magiging paraan para malampasan nyo ang mga ‘yun!” Ang bulong ni Nanay Apolonia.
Wakas….
BINABASA MO ANG
The Semi-Virgin
RomantikIsang kwento ng dalaga na bagama't birhen ay may karanasan na sa mga lalaki dahil na rin sa mapait na pangyayari sa kanyang buhay. Hanggang kailan nya maiingatan ang puri? Maihahandog niya pa kaya sa lalaking minamahal ang iniingatan niya?