34

470 14 0
                                        

34: With

"Education! Education!"

Sumingit lang kami nila Scarlett para makapanuod ng basketball, dahil naglalaro ang crush ni Elodia. Katatapos lang rin ng women's team, tapos nakita ko pa si Kirsten naglaro, ang gwapo! Ang pogi! Maganda na tapos pogi pa!

Mabuti nalang hindi naririnig ni Casey mga sinasabi ko sa isipan ko, magseselos 'yon. Ay ang feeling ko rin, sa ganda ni Casey hindi ko alam kung magseselos pa siya. Try ko kaya mamaya, kung hindi siya magselos ibig sabihin niya niya ako mahal.

"Ayon! Go future architects!" sigaw ni Scarlett at napapatakip nalang ako ng tenga dahil sa mga ingay.

"Waaah!"

Napapapikit rin ako tuwing may natutumba na players, grabe naman sila maglaro! Kinuha ko nalang ang phone ko at tinignan ang oras, tapos kung may message ba si Casey sa akin.

Casey:

Lunch?

Hindi ko mapigilan ang ngiti ko basta siya ang nakikita ko sa notification ko. In love nga talaga ako siguro sa kanya. Kuntento na ako kahit hindi alam ng iba. Importante mahal niya ako at mahal ko siya.

Sarah:

Yes please! San tayo?

Casey:

Kelly burger?

Sarah:

Yey!

Kung pwede lang talagang matulog lang ako sa dormitory ngayon kaso kailangan naming pumunta dito dahil attendance is a must, kailangan naming magcheer at sumali sa mga activities. Kakapagod.

Lalo na't kakatapos lang ng midterm exams namin. Sobrang pagod na ako with all the plates tapos sabayan pa ng research. Pero sabi nga nila, no pain, no gain. Kakayanin ko 'to.

Casey:

See you.

Napangiti ako. Kung gusto namin magkita sa school sa parking lot lang kami nagkikita tapos diretcho na kami sa ibang lugar, malayo sa University. Pero I feel a bit guilty kay tita dahil hindi ako halos umuuwi sa dormitory. Sa kanya ako halos umuuwi tapos sa condo niya rin ako nag-aaral.

Mas masaya kasi kapag kasama ko siya.

I feel inspired everyday.

Casey:

Love you.

"Oy girl, parang hindi ka na nanunuod mananalo na ang education students oh!" Napalingon ako kay Elodia na hindi na maguhit ang mukha.

"Nanonood ako," sagot ko.

"Iba talaga kapag may jowa na," sabi ni Scarlett at agad ko siyang tinitigan at pinanglakihan ng mata..

"Ikaw na girl!" sigaw pa niya.

"Maghanap na kasi kayo, don't worry pray ko na magkajowa na rin kayo para hindi kayo bitter," sabi ko.

"Wag na, kapagod kaya," sabi ni Scarlett.

"Hindi kaya, tignan mo 'tong si Sarah, prinsesa na prinsesa, blooming!" sagot ni Elodia at natawa lang ako sa kanila.

"Ngayon lang 'yan," sabi ni Scarlett.

"Ang sama mo!" sigaw ko sa kanya.

Sana nga 'tong kasiyahan ko hindi na matapos. Nang matapos kaming manuod ng basketball niyayaya sana nila ako manuod rin ng volleyball after lunch, eh kaso hindi ako sigurado kung babalik pa ba kami dito mamaya ni Casey eh.

"Oh sige ikaw na, sana hindi mo kami kalimutan," sabi ni Elodia. "Tuluyan."

"Ay grabe naman kayo!" sigaw ko sa kanilang dalawa. Mga bitter!

"Oh sige na puntahan mo na," sabi ni Scarlett.

"Oy guys, gala naman tayo next time, kahit dito lang sa Alvarez, hmm mga maybe after finals? Pwede?" tanong ni Elodia.

"Pwede lang," sagot ko.

"Bawal magsama ng jowa!" sigaw ni Scarlett at inirapan ko siya.

"Ay hindi isama natin, may car eh," sabi ni Elodia at pinalo ko siya sa braso ng pabiro.

"Gawing driver?" tanong ko at agad siyang sumangayon. Grabe sila sa Casey ko.

Pagkatapos kong makipagkulitan sa kanila ay dumrietcho na ako sa main parking lot at agad ko rin naman siyang nakita. Nakasandal lang naman siya sa pinto ng sasakyan niya pero bakit ang cool niyang tignan?

Dahan-dahan akong lumakad papunta sa kanya para sana gulatin siya pero agad rin naman niya akong nakita.

"I miss you," sabi niya at tumingin pa ako sa paligid baka may tao eh. "What's wrong?"

"Ah kasi baka may makakita sa atin," sagot ko. Tuwing nagsasama talaga kami gusto ko talagang magsuot ng hoody tapos mask. Natatakot ako eh baka kumalat relasyon namin.

"No one's here, tara?"

Kagaya ng palagi niyang ginagawa ay pinagbuksan niya ako ng pinto at sumakay naman agad ako. Sumunod siya at agad rin niyang pinaandar ang sasakyan.

"Hmm what are your plans this? Sem break?" tanong niya habang nakatuon lang ang pansin sa daan.

"Wala pa eh, uwi siguro sa amin?" patanong kong sagot. Pero ayoko lang kasi muna umuwi. Ewan ba simula nong nagkasakit si papa ayoko ng palaging nakatambay lang sa bahay.

"Hmm I have plans," sabi niya.

"Talaga? Ano? Ingat ka palagi ah," sagot ko at narinig ko siyang tumawa ng mahina.

"I have plans, with you."

"Kasama ako?"

"Opo."

"Ano naman gagawin natin?"

"Do you have a passport?"

"Opo," sagot ko. Honestly napakuha lang ako ng passport dahil sa mga kaibigan ko, sila Scarlett hilig kasi gumala umabot akong Singapore dahil sa kanila pero matagal na rin 'yon 1st year pa lang kami. Nong hindi na ako makasabay sa kanila don lang natigil.

"Have you checked if it's still valid?"

"Oo naman!"

"Can I take you to Japan?"

Natulala ako sandali. Pakiramdam ko kung ako ngayon ang nagmamaneho baka mabangga kami. Ano raw?!

"Eh Casey...wala kasi akong ganong pera..." I have but it's my savings.

"It would be my treat."

"Eh ano ba meron?"

"Wala lang gusto lang kitang makasama," sagot niya. "Ang Japan is one of my favorite places to go to."

Sana all.

"Hmm pag-iisipan ko," sagot ko.

"Fine."

Captured by the beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon