Chapter 41

18 4 0
                                    

Third Person's POV

Past conversation of Mr. Verlice and Amanda

"Mr. Verlice, I think the police should know about this." Nag-aalala at natatarantang sabi ni Amanda.

"Mapapahamak sila kapag may nakaalam. Ayokong may mapahamak." Sagot ni Mr. Verlice at halata sa mukhang natatakot.

"Pero kapag nagpatuloy ito baka lumala ang sitwasyon. We need to seek for help already. Hindi naman pwedeng mapasa ang away ng pamilya ninyo kay Jasmine. Ma'am Jaimee failed and-" Sabi ni Amanda habang nag-aalala.

"Natatakot ako na baka idamay nila si Jasmine Amanda. Alam natin ang nangyari sa mama niya, ayokong maulit muli iyon. Iba ang pamilyang Laurier ngayon, malaking tao si Eugene Laurier Amanda. As long as they will not touch my family, I will sacrifice the Verlice company and businesses. " Putol ni David kay Amanda.

"If ever that something happen. Tell Jasmine, everything that you know. I know that I am dealing with a devil right now." Sabi ni Mr. Verlice.

Jasmine's POV

"Your mother's mission is Mr. Laurier and it failed. Hindi namin aakalahin na papasukin mo ang organization na pinagta-trabahuhan ng mama mo at si Mr. Laurier pa ang kahaharapin mo. Mr. Laurier is taking revenge because of what your lolo Anthony did to his family." Sabi ni Amanda. Gulong-gulo na ako sa mga nangyayari, hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"What did they do?" I asked.

"I don't know also. Iyon lang sabi ni Mr. Verlice." Sabi niya tumingin ako kay Adrian dahil sa sinabi ni Amanda na si Mr. Laurier ang misyon ni mama pero wala siyang nabanggit sa akin.

"Adrian." I uttered his name and look at him.

"You knew about this?" Tanong ko sa kaniya habang hindi makapaniwala.

"Jasmine let me explain everything to- Matagal niyo ng alam? Bakit hindi niyo sinabi sa akin? Kaya ba inaya niyo ako sa organization?Adrian naman kaibigan mo ako." Putol ko sa kaniya at medyo tumaas ang boses ko.

"Jasmine, kailangan naming pahupahin ang nangyari sa mama mo. Alam ni tito David ang nangyari pero natakot siya na baka may mangyaring masama sa inyo kapag may nagsalita. Nung gabing nasa hospital ka, it was already planned that we will help and train you para sa hustisyang hindi naku-."

"Hustisya ba talaga o may iba pang rason? Ano ba Adrian? May alam ang organization pero ano? Akala ko ba pamilya ang turing niyo kay mama? Sa amin? Ngayon lumalala na ang lahat, may mga nadamay na hindi dapat." Putol ko sa kaniya.

"Jasmine it's not like that. Your mother's mission is Mr. Laurier dahil gusto ng mama mo na matapos na ang gulo sa-" Sabi niya pero umiling-iling lang ako sa galit at dismaya.

"Kasinungalingan. Simula una planado pala lahat. Ang tanga ko para hindi makita lahat." Sabi ko at tumayo.

"Jasmine." Tumayo rin si Adrian at hinawakan ako sa kamay pero hinablot ko ito.

"Pinaikot niyo lang ako. Kung sana tumestigo agad kayo edi sana hindi nangyari lahat ng ito. Adrian ang simple lang ng hiling ko ang mabigyan ng hustisya si mama pero bakit ganon?" Tanong ko at alam kong kahit anong oras ay tutulo ang luha ko.

"Jasmine malaking tao si Mr. Laurier kailangan na maingat at planado ang mga hakbang. The organization can't just testify lalo na at kulang ang- D*mn you all." Putol ko sa sasabihin niya at lumabas bago pa ko tuluyan na umiyak sa harapan nila.

"Jasmine kamusta si Amanda?" Salubong sa akin ni Shea. Naiwan kasi sila sa sala at kami lang na tatlo nila Adrian ang nasa kwarto.

"Ayos na siya." Sagot ko at pinipigil ang luha. I am controlling myself not to breakdown infront of them.

Operation Series 1: In The Professor's Shadow  Where stories live. Discover now