10 - A Family Portrait

15 1 0
                                    


NEVE GWYN

Rain is pouring very heavily right now. Binalita rin kanina na may bagong bagyo raw ang papasok sa bansa. Ang swerte ng lower years because their classes are already suspended while us college students, ito tinatawid ang pagsubok ng tag-ulan.

Kalagitnaan pa lang ng March pero tag-ulan na naman. Hindi ba dapat ay tag-araw ngayon kasi malapit na ang summer? Grabe na ang nagagawa ng climate change sa bansa hays.

Mabuti na lang at wala akong class ngayon araw kasi almost tapos na ang lectures ng profs ko sa course ko today and I already finished lahat ng activities and performance tasks na in-assign sa amin.

Monday ngayon and later mga hapon ay bibisita ako sa bahay nila Lazio as we talked about last week. Actually I don't really want to go to someone else's house but in Lazio's case, I think I did approve of visiting him out of pity. I also kinda see myself to him but bawasan mo lang ng pagiging makulit at matigas ang ulo.

He's like a toddler who needs supervision from an adult or a guardian kasi if wala siyang bantay, kung ano-ano panigurado ang gagawin niya na tiyak na ikapapahamak niya hays.

It's already nine in the morning so bumangon na ako para makapag-prepare ng almusal ko and ni Wiggles. The weather today is kind of nice for me kasi nae-enjoy ko ang cold weather tapos maglalaro lang ako buong maghapon or pwede rin namang mag marathon ako ng series na pinapanood ko.

"Wiggles! Come here baby!" Tawag ko kay Wiggles na agad namang nag-appear galing sa labas ng kwarto ko.

Why is he so cute!? Those chubby cheeks both from the front to his back cheeks. Ugh! I cannot with his cuteness!

Kaagad ko siyang nilapitan para lamugin ng todo at mukhang gusto rin naman niya 'yon kaya naglaro kami saglit bago ako tuluyang tumayo at nagtungo sa kusina. Sumunod naman siya sa akin.

Naghugas muna ako ng kamay bago ako kumuha ng pwedeng lutuin sa fridge ko. Kumuha ako ng chicken liver para kay Wiggles and pork chops naman para sa akin.

Una kong hinugasan ang chicken liver para maisalang ko na kaagad ito sa kaserola. I'm going to let this boil lang until it gets cook.

Habang pinapakuluan ko ang chicken liver ay sinunod ko namang asikasuhin ang pagkain ko. I'm going to fry this na lang para mabilis lang lutuin.

Kumuha ako ng breading mix sa loob ng cabinet and some bread crumbs para sa breading ng pork chops ko. Isa isa kong binalutan ng breading mix 'yung pork chopa bago ko sinawsaw sa eggs na binati ko kanina and then binalutan ko naman ito ng bread crumbs.

Kinuha ko na ang kawali at sinimulan ko na itong painitin bago ko nilagyan ng cooking oil. Medyo rinamihan ko 'yung oil para deep fry ang pagkakaluto sa pork chops ko.

Kinuha ko 'yung wooden spatula ko and nilagay iyon sa loob ng kawali para malaman ko if mainit na ba 'yung mantika. It's my trick para hindi masunog or mahilaw 'yung lulutuin ko. Pwede rin para makaiwas sa talsik ng mantika and 'yung pagdikit ng meat sa kawali dahil sa hindi pa gaano kainit na mantika.

Kaya need ko ng wooden spatula or actually any wood will do basta ang gagawin mo lang is ilagay 'yung wooden thing sa mantika and then pag nakita niyo na bumubula 'yung gilid ng wood then it means mainit na enough 'yung mantika and you can put the meat inside the pan.

Isa-isa kong nilagay 'yung pork chop sa loob ng kawali and then naghintay lang me hanggang sa maging golden brown na 'yung kulay nung pork. Habang hinahango ko 'yung pork chops ay natatakam na ako. Lalo lang tuloy kumalam sikmura ko dahil sa amoy na nilalabas ng pork chops. Ugh! Sarap!

I must partner this up with something warm na drinks, para na rin bumagay sa cold weather 'di ba?

Pagkatapos kong lutuin ang akin ay tsaka ko naman pinatay 'yung burner na pinagpapatungan nung pot na may lamang chicken liver at ayun naman ang nilagay ko sa strainer para tumulo 'yung unnecessary liquids.

7 DEADLY SINSWhere stories live. Discover now