Chapter 47: His Last Card

71 2 0
                                    



King of Diamonds



That's the first card I picked at inilapag sa lamesa. Isa-isa kong tinignan ang mga hawak kong baraha. Now, there are nine of them. The rules were not mentioned. Hindi ko alam kung paano ang laro but Hart seems to know the game already. Prente lang siyang nakaupo at parang hindi nag-aalala sa sasapitin namin rito. I really can't predict this man. Nakuha nang matuyo ng mga luha ko sa mukha, sobrang lagkit na ng pakiramdam ko dahil dito.



"That's equivalent to thirteen points," napatingin ako kay Mr. Razon nang banggitin niya 'yon. Wait, there's an equivalent point?



"Para saan ang points?" I asked. Nakaupo pa rin ako sa mga hita niya pero hindi na ako naka-tagilid. Nakaharap na ako sa lamesa. As much as I want to remove myself in this position, this metal bracelets won't let me. Hindi ko alam kung mainit ba talaga dito sa kwarto o sadyang nilalagnat pa rin ako.



Humigpit ang pagkakayakap ng isa niyang braso sa aking baywang kaya mas dumikit ang likuran ko sa kanya. Halos hindi ako makahinga at sa harap lang ang tingin. Nakita 'yon ni Hart lalo na't nakatingin lang ako sa kanya. Halatang nagtatagis ang mga bagang nito na tumalim ang tingin kay Mr. Razon, ngunit hindi pa rin nabago noon ang malamig niyang pakikipag-usap sa akin.



Why is he being like this?



Halos mapabalikwas ako ng maramdaman ang hininga ni Mr. Razon sa gilid ng leeg ko, "You'll know," bulong niya. I looked at Hart to ask about the equivalent points but he remained quiet. Seriously?



"I have the rights to know the rules of the game dahil ako ang naglalaro," I protested.



"Shut up, will you?" mahina akong napadaing nang humigpit ang mga nasa kamay ko, "Whenever you don't play, humihigpit 'yan," Mr. Razon added.



"Miss Velrama," Hart called in the coldest way as possible. Ano bang problema niya? Is he mad?



Tinignan ko siya, "Don't ask him and just focus on me without minding him, can you?" it sounded more like a command than a demand.



"How? H-He... " I was about to tell him how uncomfortable I am sa tuwing hinahawakan ako ni Mr. Razon. He seems not to care kaya bakit ko pa sasabihin? He doesn't care at all kahit pa nakikita na niya ang pambabastos sa akin ng lalaki sa likuran ko.



Tumango na lang ako, "Now, play," he added. Nakita ko na lang na may nakalapag na palang baraha niya sa lamesa.

The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon