CLAZZO
"Nawawala po si Kaede, Madame..."
Doon na nabalot ng takot ang buong katawan ko pero sinubukan ko pa ring maging kalmado.
"Ano? Paanong nawawala?" Sinusubukan din ni Axel na maging kalmado.
"Nag-CR lang po kami ni Ellena tapos paglabas namin ng cubicle wala na po si Kaede, h-hindi ko po alam kung saan nagpunta!" Tuluyan nang naluha si Edna.
"Maghiwa-hiwalay tayo, tatawagan ko lahat ng tauhan ko sa area para hanapin si Kaede, you can go now!" It was Axel, wala na kaming
Pumunta si Ellena sa west, si Edna sa east, ako sa south, at si Axel naman sa north. Kahit nagpapanic ay hindi ko pinahalata sa mga taong nadadanan ko. Kinuha ko ang phone ko para itrack ang location ni Kaede at five minutes lang ang layo niya sa'kin!
Tumakbo agad ako kung saan ko natrack ang location niya, napadpad lang ako sa maliit na park ng amusement park kung saan may mga puno at halos walang tao.
"Kaede!" Sigaw ko na baka marinig niya.
"Hi, miss... May nakita ba kayong bata, matangkad, magkaiba ang kulay ng mga mata, at may suot na backpack?" Tanong ko sa mga kabataang nagkukumpulan.
"Nako, wala po, miss..." Sagot nila.
Nagpasalamat lang ako at saka hinanap kung saan ang exact location ng backpack ni Kaede, nang matunton ko ay laking pagtataka ko nang nasa gilid ko na ang location pero wala si Kaede.
Doon na nagsisimulang magabagab ang puso ko, ang bilis na ng tibok no'n at hindi na ako mapakali. "Nasa'n ka na ba..." Bulong ko habang pinupigilang umiyak.
Nakakita ako ng malaking basurahan, wala sa sariling binuksan ko iyon at nakita ang backpack ni Kaede!
"No..." Someone purposely took my son away!
Agad kong tinawagan sina Rhyle para humingi ng tulong, "H-Hello..."
[W-Why are you crying?!] Iyon agad ang bubgad da kabilang linya ni Rhyle.
"K-Kaede's missing, please help us to find him... Pull some strings, Rhyle!" Nagpapanic na talaga ako at nagsisimula nang manginig ang mga kamay ko dagdag pa ang tingin ng mga tao.
[Papunta na kami! Tatawag na rin ako sa mga alam kong security offices around your location, sige na! Pumunta kayo sa CCTV office para makita ang CCTV footage.] Iyon lang ang huling sinabi ni Rhyle bago ko ibinaba ang tawag.
Sunod kong tinawagan ang tatlo para sabihing magkita kita kami sa CCTV office nv enchanted city para tignan ang footage kung sino ang kumuha sa anak namin.
Nang makarating kaming lahat ay iyon agad ang nirequest namin na agad din nilang pinagbigyan.
5:02 pm, south, nakita si Kaede na bitbit ng isang lalaki na parang sako lang ito ng bigas.
"That's my son!" Sigaw ko nang makilala si Kaede sa footage.
"W-Who took my son?!" Nagpapanic kong sigaw.
Ang lalaki ay nakasuot ng itim na mask, naka shades, at hindi nakita sa CCTV ang itsura niya. Sa sumunod na footage ay nakita na ang paglabas nila mula sa Enchanted city.
"A-Axel, ang anak natin!" Mariin kong hinawakan ang kwelyo ni Axel habang umiiyak.
Our son got kidnapped!!
"Kailangan niyo na po itong ireport sa police station, ma'am. Pwede po namin kayo bigyan ng copy ng CCTV footage para ipakita sa mga pulis ang nangyari." Sambit ng staff.
BINABASA MO ANG
Never Again: The Ambiguous Ending (Tres Patroncitas #3)
RomanceIn a world full of what ifs, could have beens, and mysteries. Will she be able to stumble upon the truth about her past? Her task is to find her 'purpose' to persist in life, what if she found an ending instead of a purpose? Tifanie Bythesea Chalond...