NANDITO na kami ni Yuan ngayon sa clubhouse. Marami na ring mga tao dito sa bilyaran.
I always think about Roni.
Haysss! Hindi naman pwedeng wala lang akong gawin eh alam ko naman na wala lang 'yong kamay niya. Alam ko na si Basti ang may gawa no'n. But i don't have a right. Kaibigan lang naman niya ako eh. I know naman na may gusto pa siya kay Basti. Anong laban ko doon?
Gwapo si Basti, sikat siya sa school. Nasa kanya din standards ni Roni. So? Ako? Wala. Walang maganda sa akin. Kaibigan lang niya ako. At hanggang doon lang 'yon.
Minsan naaàwa narin ako sa sarili ko noon pa man. Marami akong ginawa para sa kanya. Kung paanong hinahayaan ko lang siya na sàktan ako ng sobra sobra, wag lang siya mawala.
Pero hindi parin ba nararamdaman ni Roni Yun??? Gaanon ba kamanhid ang mga babae???
Okay lang kahit kaibigan ang turing niya sa akin. It's okay. Ayoko na masira yung friendship namin. Okay na ako doon.
"Huy! kanina ka pa tahimik 'ah?" Nilingon ko ang biglang pag kuwit sa akin ni Yuan.
Umiling ako. "May iniisip lang."
"Sino naman iniisip mo?" Tanong niya.
I signed. "Si Roni." Nilingon niya ako.
"Ha? Ano? Bakit mo naman iniisip si Roni?" Tanong niya ulit.
"Ikaw ba, hindi mo ba siya iniisip?" Tanong ko pabalik.
"Hay nako, iniisip ko rin naman siya. Alam mo, napaka marupok talaga niya. Kahit ako nga napapagod na 'kong bantayan siya lagi eh. Siguro, hahayaan ko nalang siya kung ano ang gagawin niya. Hindi naman siya nakikinig sa akin eh! Parang gusto pa 'ata niyang kasama 'yong Basti na 'yon." Irita niyang sabi.
"Pare, naniniwala ka ba kay Basti?" Tanong ko.
"Borj, halatang totoo naman talaga 'yong sinabi niya. Bakit, hindi ka ba naniniwala?" Tanong niya pabalik.
Umiling ako.
"Hindi. Alam ko na sinisiraan lang niya si Roni. Kita mo naman kanina, parang wala talagang alam si Roni." Walang ka emosyon kong sabi.
"Hindi ko alam. Basta ako, naiinis lang ako kay Roni dahil sa pagiging marupok niya. Ang lambot lambot niya kay Basti eh. Parang hindi siya nadadala sa mga ginagawa ni Basti sa kanya noon." Ani Yuan
"Pare, hindi naman ganon si Roni ah? At isa pa, mabait si Roni kaya malambot 'yong puso niya sa kahit na sino di ba?" Sabi ko.
"Hindi siya mabait. Masama siya." Sabi naman ni Yuan.
"Mabait nga" giit ko
"Masama siya." giit naman niya.
"Mabait." Ani ko.
"Masama!" Sabi niya.
"Mabait nga siya sobrang bait—"
"Masama siya Borj. At teyka, bakit mo ba siya kinakampihan?" Tanong niya.
Napatigil ako. "Ahmmm, maglaro nalang nga tayo." Pag-aya ko sa kanya.
Umalis ako sa pwesto niya at nauna na akong pumunta sa pwesto para makapaglaro.
Naglalaro kami ngayon ng billiard. Sa first table kami pumwesto at katapat nito sa gilid ang isang table seat at nandito ako nakaupo habang si Yuan panay puntirya sa bola.
I shook my head nang marinig ang biglang pag tunog ng cellphone ko. Hudyat ito ng tawag.
Nilingon ko ang tumawag. Napasinghal ako sa nakita ko. It's my brother.

YOU ARE READING
MORE THAN FRIENDS [Season 01]
AléatoireAUTHOR'S POV. Sana po ay magustuhan ninyo ang kwentong ito. I cried while writing this. Sakit sa bangs, sakit pa sa dibdib. Kinailangan ko tuloy na madalas tumigil at magpahinga para huminga. *ang drama ko naman*. Isang pakiusap lang sa magbabasa ni...