LUNES ngayon at nandito ako sa loob ng banyo. Tinitingnan ko ang sarili sa salamin habang nag t-toothbrush.
May pasok kami ngayon kaya naka suot na ako ng school uniform saka naka ayos na rin.
Kakatapos ko lang kumain.
Napaisip ako, ano ba ang gagawin ko? makikita ko na naman mamaya si Borj kasama namin. Nahihiya ako. Isang linggo ko na rin siyang hindi pinapansin simula nung nalaman ko na may gusto pala siya sa akin.
Hindi kasi ako makapaniwala sa sinabi niya sa'kin no'ng nakaraan. Bakit nya sinabi na may gusto siya sa akin? Hindi ko alam pero naiilang ako sa kanya ngayon. At ayoko siyang makausap at makita. Hindi ko naman din sinabi kay Kuya 'yong mga nangyayari.
"Hoy, Roni!"
Nagulat ako dahil sa pagkatok ni kuya sa labas.
"Bilisan mo nga mag toothbrush diyan! Ang bagal mo naman." Dugtong pa niya.
I signed at nagmugmug ng tubig bago ako lumabas sa banyo.
Pagkatapos ay kinuha ko na yung bag ko at lumabas na kami ni kuya sa bahay.
Mula sa gate namin, hinintay muna namin na dumating si Jelai para sabay sabay na kaming pumunta sa school.
"Uyy, bakit ang tahimik mo ata ngayon?" Biglang tanong ni kuya. Napansin siguro niya ang pagiging tahimik ko kanina pa.
I signed at umiling. "Wala"
Nakita ko siyang napatawa. "Alam mo, kung ano man 'yang problema mo, wag mo na isipin yan. Kasi, lunes ngayon di ba? Eh 'di dapat nakangiti ka ngayon."
Agad akong napangiwi. "Eh kuya, bakit naman ako ngingiti ngayon eh wala naman akong dahilan para mangyari yan no."
"Bakit, ano ba kasi iniisip mo?" Tanong niya.
Huminga lang ako ng malalim at hindi sinagot si kuya. Mula sa pwesto namin, nakita ko na paparating na si Jelai na nakangiti.
"Hi Roni!" Bati niya.
I smiled a bit.
"Aga natin ah? Ano yan?" Tanong ni kuya sa kanya. May dala kasi siyang isang supot.
Napatingin naman siya doon sa dala niya at napatawa. "Bigay ni JunJun sa 'kin."
"Ano ba yan?" Tanong ulit ni kuya.
"Secret" pangiti-ngiti na sagot ni Jelai matapos ilagay iyon sa loob ng bag niya.
I signed. "Alam nyo, mabuti pa, umalis na tayo,"
Napatingin naman si kuya sa akin at si Jelai.
"Ha?" Kuya asked. "Aalis na tayo?"
"Oo? Kasi may pasok pa tayo diba?" Iritang sabi ko. Tinatanong pa niya ako. Bakit, wala ba siyang balak umalis.
"Nagmamadali ka ba?" Tanong ulit niya.
"Ha? Hindi, bakit?" Tanong ko pabalik.
"Eh bakit gusto mo na umalis?" Tanong niya pa ulit.
I rolled my eyes. "Bakit, wala ka bang balak umalis? Kung gusto mo pumasok na late, huwag mo kaming idamay."
"Sis, wala ka bang nakakalimutan?" Tanong niya.
Napakunot noo naman ako. "Ano naman iyon?"
"Si Borj." Sagot niya.
Natahimik ako at napapikit. Eto na naman. Parang pag naririnig ko ang pangalan niya, naiinis at nahihiya ako. Oo nga pala hindi kami pwedeng umalis na hindi kami completo.

YOU ARE READING
MORE THAN FRIENDS [Season 01]
RandomAUTHOR'S POV. Sana po ay magustuhan ninyo ang kwentong ito. I cried while writing this. Sakit sa bangs, sakit pa sa dibdib. Kinailangan ko tuloy na madalas tumigil at magpahinga para huminga. *ang drama ko naman*. Isang pakiusap lang sa magbabasa ni...