13: SCHOOL CLUB (Roni Salcedo POV.)

165 16 0
                                    

KINABUKASAN, mabilis kumalat ang balita. Mas big deal pa ngayon dahil may bagong pangalan na naman ang napasama, si Trisha. Lahat ay nakikisimpatya sa kanya dahil kilala naman ng buong eskuwelahan si Nelia bilang bully talaga.

"Buti nalang talaga pinagtatanggol nung Roni." dinig ko pang bulongan ng ibang studyante habang naglalakad papunta sa room.

Kasama ko si Jelai ngayon at sinabi ko na rin sa kanya ang mga nangyayari kahapon.

"Eh di 'ba siya din 'yung dahilan doon sa awayan na nangyayari no'ng nakaraan? do'n sa Basti?"

"Baka ganyan na talaga siya.."

I tried to ignoring them. Hindi ko nalang sila papansin.

"Ang mga estudyante talaga rito sa school no? Puro pag c-chismis ang inaatupag." Sabi pa ni Jelai sa akin.

"Hayaan nalang natin sila, walang magawa sa buhay." Sabi ko sa kanya.

"Alam mo, bilib ako sa'yo Roni eh. Buti nalang talaga pinagtatanggol mo 'yong si Trisha kahapon. Kung hindi, baka ano na nangyari." Sabi niya.

I Signed. "Alangan naman kasing hahayaan ko nalang siya?  Kawawa naman siya pag ganoon." Sabi ko.

"Buti nalang talaga sinagot mo na 'yong Nelia na 'yon." Dagdag pa ni Jelai.

"Keysa naman hayaan ko siyang pagsabihan nalang ako nang masama no? Hindi ko siya pwedeng hayaan hindi 'ba? You should always be your own knight."

Nang makapasok na kami sa room ay umupo na kami ni Jelai. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras bago ko ito ibinalik sa bulsa ko.

Nakita ko na pumasok si Trisha sa room nang nakatungo kaya napakunot ang noo ko. Sigurado akong marami itong narinig habang papunta rito sa school.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at sa hindi malamang dahilan ay nginitian niya ako. I didn't know what to say so i just smiled back. Ibinababa niya ang kanyang bag at pumunta sa pwesto ko.

"Canteen tayo!" Yaya niya sa akin. Gulat man ay ipinakita ko ang pagiging friendly at tumango ako.

Tatlo kaming pumunta sa canteen nila Jelai.

"Ano ang sumapi sa'yo?" Tanong ko kay Trisha habang nakapila kami sa canteen.

Bigla nalang tumunog ang cellphone ko.

Yuantot:
Hoy Roni, pag pumunta ka sa canteen, bilhan mo kami ni Borj ng pagkain. Chicken Nuggets akin, Chicken Soup kay Borj.

Napairap ako sa text ni kuya. Bakit pa niya ako inutusan? bakit hindi nalang siya ang bumili. Agad ko namang nireplyan iyon.

Me:
Kuya, kayo nalang bumili. Okay?

Yuantot:
Roni, mamaya pa kami pupunta sa canteen. Baka maubusan kami.

Agad naman akong tumingin sa paligid. Ang daming tao rito. Oo nga baka mamaya maubos na naman ang pagkain sa canteen dahil dito.

Me:
Okay. Sige.

Yuantot:
Thank you, ang bait mo talaga!

Napairap ulit ako sa kanya. Bakit parang kahit nasa phone nararamdaman ko na inaasar ako ni Kuya? Tssk. Agad ko na ibinalik ang phone sa bulsa ko at nakita ko naman na nakapag-order na si Jelai ng pagkain niya kaya kumuha naman din ako.

Kumuha ako ng isang Checken Soup para kay Borj at Checken Nuggets para kay kuya.

"Wow, mahilig ka rin sa Checken Soup?" Ngiting tanong ni Trisha sa akin.

Natawa naman si Jelai sa kanya. "Nako, para Borj 'yan Roni no?" Tanong niya.

"Si kuya kasi nag text eh. Baka raw maubusan sila." Sabi ko.

MORE THAN FRIENDS [Season 01]Where stories live. Discover now