14: GILVEN (Borj Jimenez POV.)

162 18 1
                                    

"Pre, si Trisha ba iyon?" Saad ni Yuan sa akin matapos hampasin ang balikat ko at itunuro si Trisha na nasa isang goupo ng banda.

Kasama ko sila Yuan at papunta kami ngayon sa canteen para kumain. Lunchtime na ngayon. Noong nakaraang araw lang nag announced na may mga club na dapat sumali. Hangang ngayon hindi parin ako desidido sa desisyon ko kahit tatlong araw na ang lumipas.

Siguro sa music club sumali si Trisha. Kasali siguro siya sa isang banda para mag perform.

"Siguro kasali siya sa mag p-perform kaya nadiyan siya." Sabi ko sa kanila.

"Ahh"

Nagsimula na kaming maglakad paalis. Habang naglalakad ay nag-uusap naman kami.

"Eh, ikaw ba Borj, wala ka bang balak na ituloy yang gusto mong salihan na club?" Tanong ni Yuan sa akin.

"Oo nga pare. Ituloy mo na iyan." Sabi naman ni Empoy sa akin. Sumali silang dalawa ni Nico sa Dance Club e pano ba naman mahilig silang sumayaw eh.

"Hay nako, hindi pa ako nakapag-isip." Sabi ko sa kanila.

Balak ko sanang sumali sa music club pero iniisip ko naman si Roni. Saan kaya siya sasali? Siguro sa cooking club na siya. Ang hilig niyang magluto eh. Hindi rin kasi niya sinabi sa amin kung saan siya sasali eh. Kaya matagal din akong nakapag-isip.

Masaya lang talaga ako sa kanya kasi, simula no'ng sinabi ko sa kanya na may gusto ako sa kanya, hindi naman siya nagalit sa akin. Hindi rin niya sinabi kay Yuan ang tungkol doon. Masaya ako kasi, kahit sinabi ko 'yon eh walang galit sa kanya. Kahit minsan hindi niya ako pinapansin pero okay lang 'yon sa akin, at least hindi siya nagalit nung sinabi ko ang feelings ko at hindi niya ako iniiwasan. Nag s-sungit lang siya pero okay lang 'yon. Cute nga eh.

"Sumali ka na sa music club para makasama mo si Trisha." Sabi ni Yuan.

"Yuan, hindi ako sasali dahil lang sa babae." Irita kong sabi.

Simula din kasi nung lagi na naming kasama si Trisha sa barkada namin, inaasar na ako lagi ni Yuan sa kanya e wala naman akong gusto doon. Oo maganda si Trisha at mabait pero wala talaga sa isip ko na magustuhan siya. Natutuwa lang ako sa kanya kasi mahilig rin siya sa Checken Soup.

"Kj mo Borj." Ani Yuan.

"Totoo nga 'yon, hindi ako sasali dahil lang nandoon si Trisha. Sasali ako dahil, gusto ko. Pero, hindi pa naman ako sigurado doon." Sabi ko.

"Bakit naman?" Empoy asked. "Baka mawalan ka pa ng slots niyan eh.

"Bahala na." Agap ko

"Anong bahala na? Wala kang grades niyan." Sabi ni Yuan.

"Eh, si Roni ba...saan siya sasali?" Tanong ko na napatingin siya sa akin.

"Si Roni? Bakit mo naman iniisip si Roni? Alam mo naman ata na sa cooking club 'yon sasali di ba?" Sagot niya.

"Sinabi ba niya sa iyo?" Tanong ko.

"Hindi eh. Pero sa cooking din 'yon sigurado ako." Sagot ulit niya.

"Bakit, sa cooking ka na rin ba Borj?" Natawa naman si Nico.

"Hindi ah." Agap ko.

"Ayos naman sa cooking pero ano lulutuin mo roon? Itlog?" Tawang sabi naman ni Empoy.

Hindi ba nila alam na magaling rin akong mag-luto? Paborito nga ni Roni 'yong adobo ko eh.

"Hindi nga ako sasali roon." Inis kong sabi.

"Persue mo nalang kasi yang music club." Pagpumilit ni Yuan.

I nood. "Pag-iisipan ko muna."

"Sus"

MORE THAN FRIENDS [Season 01]Where stories live. Discover now