15: SELOS (Roni Salcedo POV)

226 21 4
                                    

RINIG na Rinig ko ang pagtawa ni Borj at ni kuya sa harapan namin. Abala ako sa pag tingin sa cellphone ko dahil nakita ko na nag chat bigla sa akin si Gilven.

Gilven:
ang cute naman ng kuya mo.

Napangiti ako sa chinat niya. Grabe, sabi ko na eh kahit kailan talaga hindi pa siya nagbabago. Agad ko naman iyong nireplyan.

Me:
'di kayo bagay, maarte to eh.

Gilven:
edi yung masungit nalang na si Borj, pwede ba?

Napairap ako sa chat niya. Huh? Bakit naman niya tinatanong. Ano ba pake ko doon.

Me:
oo. kahit iuwi mo pa.

Nag send nalang siya ng isang sticker at natawa naman ako doon.

"Busy ka ba?" Biglang napatigil ako dahil nagsalita si Borj na nakatingin sa akin. "Sino 'yan?"

Pakialamero, ano naman sa kanya?

Hindi ko siya sinagot dahil nakita ko na papalapit sa pwesto namin si Trisha.

"Ayan na 'yong crush mo Borj" Pang-aasar ni kuya sa kanya.

Simula noong naging kaklase ko si Trisha at minsan ay sumasama siya sa 'min,  lagi nalang inaasar ni kuya si Borj sa kanya.

Naiinis lang ako kasi paano pag nagustuhan talaga ni Borj si Trisha? Wala namang masama doon pero ayoko lang na baka madamay na naman ang pangalan ko. Wala namang masama na magustuhan niya si Trisha eh. The girl was endearing! At bagay naman sila.

Lumapit sa amin si Trisha kaya nawala ang usapan nila kuya. Ako naman, napangiti ako dahil sa isang magandang boses na narinig ko sa kanya kanina. Kahit practice pa iyon ay parang isang magandang performance na talaga.

"Hi" bati niya samin bago naupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.

"Ang ganda ng boses mo!" Maligaya kong saad. "Kaya pala mabilis kang nakapasa sa music club!"

She chuckled. "Thanks, Roni. Pero, practice pa iyon eh."

"Alam mo, kahit practice pa iyon ginalingan mo na eh." Sabi naman ni Jelai.

Ngumiti si Trisha sa amin at bumaling ang tingin kay kuya at kay Borj kaya napatingin din ako sa dalawa. Agad naman na napatingin sa akin si kuya.

"Oh, bakit ganyan ka makatingin?" Tanong ko kay kuya.

He grinned. "Sabihin mo sa kanya."

I pouthed and pinched his resting hand on the table. "Kayo na ang magsabi." Agap ko bago napatingin kay Borj para irapan.

Ang kaso, hindi naman nakatingin sa akin si Borj. Nakamasid siya kay Trisha  na nanonood sa amin ni Kuya.

"Ano ba 'yong sasabihin nyo?" Maya Maya pa ay nagtanong na si Trisha.

"Hay nako. Si Borj kasi, sasali na din sa music club." Si Jelai ang sumagot.

"Talaga, Borj?" Parang nagising si Borj mula sa pagkakahimbing dahil bigla siyang tiningnan ni Trisha. At napailing.

Ha? Bakit siya umiling? Sasali siya di 'ba!

"Akala ko, sasali ka?" Bulong ni Trisha na sabi sa amin.

Borj bit his lower lip. "I mean..."  he chuckled. "Yeah, sasali ako.  I'm sorry  i was spacing out."

Trisha nood. Nakatingin lang kami sa kanila habang nag-uusap sila.

"Kumain ka na ba, Trisha?" Tanong ni kuya sa kanya .

"Ahm, hindi pa nga eh. Pero bibili pa ako ngayon sa canteen ng—"

"Huwag na. Ako nalang bibili ng Checken Soup mo. Dito ka nalang muna galing ka pa sa practice eh. Mag-usap muna kayo ni Borj." Sabi naman ni Kuya.

MORE THAN FRIENDS [Season 01]Where stories live. Discover now