16: TAMPO (Roni Salcedo POV)

173 17 0
                                    



PUMUNTA ako sa seats ko, tumabi naman din sa akin si Trisha at si Jelai din kasi wala parin naman iyong katabi ko kaya kami nalang muna ang magkatabi. Kinuha ko ang cellphone ko at inilagay ko iyon sa ilalim ng desk ko. Para hindi rin marinig pag mag v-vibrate ito. Basta basta lang din kasi tumutunog ang cellphone ko pag nag n-notifications.

Nag-usap narin kaming tatlo nila Trisha. At nagbago rin siya mejo naging madaldal na siya ngayon.

Nang makarating na yung teacher namin, kasama ng teacher namin ang president ng SSG officers na may dalang isang folder. Tumingin ito sa amin. Bakit, may tatakbo na naman ba this year? 

"The SSG president is want to stole your all  attention to her. Please pakinggan niyo ang sasabihin niya." Sabi ni Sir sa amin

Tumingin kaming lahat sa SSG president na nasa harapan namin. She cleared her throat bago nagsalita.

"Nag meeting kami kanina. Me and the vice president of the officers, may pinag-uusapan kami about sa prom na paparating." Saad niya.

"At napag-usapan namin, this week yung schedule no'ng prom na iyon. Pumunta lang ako dito para sabihin na, be ready. And don't worry, yung prom na mangyayari it's all about for senior high school students. Grade 12 and grade 11." Ngiting paliwanag niya.

Marami naman ang natuwa. Pati si Jelai ay na e-excite na sa sinabi nito sa amin. Pero ako, hindi ako natutuwa. Nakakainis paparating na naman ang prom na iyan. Mamomoblema na naman ako sa susuotin ko. Tsk. Meron na ngang club, meron pang prom.

Pagkatapos namang magsabi sa amin ng SSG president ay umalis na rin siya. All about prom ang mga pinaliwanag niya sa amin. Natuwa silang lahat sa mga narinig nila. Our class continued, may quiz na pinagawa si Sir sa amin, at nag a-assign siya sa mga mag r-report next week. After the class, lumabas na kami para mag-siuwian. Laging nasa isip ko parin ang tungkol sa prom na narinig ko. Malapit na iyon, ano kaya susuotin ko?

"Roni bakit ang tahimik mo?" Tanong ni Jelai sa akin habang naglalakad kami palabas.

"Yeah, kanina ka pa. What's the problem?" Nilingon ko naman si Trisha.  Kasama namin siya ngayon na paalis na sa room.

"Wala. May iniisip lang." Ani ko.

"Eh, ano ba yang iniisip mo at bakit parang ang tagal namang mawala sa isip mo?" Ani Jelai.

I signed. "Yung tungkol sa sinabi kanina no'ng SSG president sa room." Sagot ko.

"Huh? What's the matter? About ba doon sa prom?" Ani Trisha. I nood.

"Yes"

"Nako Roni, ano naman ang pinoproblema mo doon? Eh, malapit na iyon di'ba? Hindi ka ba excited?" Sabi ni Jelai. Mariin ko siyang nilingon.

"Excited? Bakit naman ako ma e-excite? Jelai, wala akong maisusuot sa araw na iyon no." Iritang sabi ko.

Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Trisha.

"Wala kang ma-isusuot? Don't worry, I'm here." Sabi ni Trisha.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Nandito lang ako. If you need dress, well meron ako niyan. Actually, marami akong ganyan sa bahay." Ngiting sabi niya.

"Talaga Trisha? Nako! Pwede rin ba akong humiram sa'yo?" Sabi naman ni Jelai.

"Oo naman no. Debale, iimbitahan ko kayo na pumunta bahay para mamili ng susuotin sa araw na iyon." Ngiting sabi niya.

"Ayoko." Walang ganang sabi ko.

"Huh? Bakit?" Ani Trisha.

"Kasi hindi mo naman kailangang gawin 'yan eh." Sabi ko.

"Bakit naman hindi? Tinulungan mo nga ako no'ng binully ako ni Nelia di ba?" Sabi naman niya.

MORE THAN FRIENDS [Season 01]Where stories live. Discover now