11: THE TRUTH (Roni Salcedo POV)

242 23 4
                                    

Lumipas ang ilang buwan, ganoon parin ang mga nangyayari. Marami pa ang nangyayari sa amin. Mula noong nag-aaral na ulit si Basti sa school namin, hindi parin talaga siya tumitigil sa akin hanggang ngayon.

Sila kuya naman, hindi na nila binabantayan si Basti sa akin kasi sabi ko sa kanila, i can handle him. Minsan hinahayaan nalang nila na lumapit si Basti sa akin at makipag-usap. Parang tulad lang dati.

Matigas talaga ang ulo ni Basti ayaw parin niyang tumigil pero bahala na siya sa buhay niya, Gusto ko lang naman talaga siya maging kaibigan, hindi maging boyfriend ulit.

Nandito ako ngayon sa classroom namin with Jelai. May assignment kami sa math at may essay parin kaming gagawin. Malapit na rin iyong exam namin sa 4rth Quarter kaya Todo review talaga kami ngayon.

"Sis, ano yung isasagot ko dito sa number 1?"

Nilingon ko si Jelai na abala sa pag s-solve sa math namin na assignment.

"Jelai, hindi mo ba uunahin ang essay?" Tanong ko sa kanya pabalik.

Ngumiti naman siya agad. "Okay na ako doon sis!" Tuwang sabi niya.

Ganon din naman ako, tapos na rin ako sa math assignment ko. Huminga ako ng malalim at kinuha yung notebook ni Jelai. Sinagutan ko iyon.

"Thank you!!"

Tumango lang ako. Hindi na bago sa akin kasi ako naman talaga ang nagtuturo sa kanya kahit noon pa. Nangongopya lang siya pero okay lang, best friend ko naman siya eh.

"Ano nga ulit 'yong sinabi ni Ma'am nung isang araw?" Tanong ko sa kanya habang abala ako sa pag s-solve ng assignment niya.

"Ang alin sis?" Sagot naman niya.

"Hindi ko nga alam eh. Nakalimutan ko." Ani ko.

"Ahhh yung about ba sa Js Prom?" Nilingon ko siya sa sinabi niya.

"Yeah" nagsulat ulit ako. "Kelan nga ulit 'yon?" I asked.

"This month daw pero hindi pa sinabi kung anong day." Sagot naman niya.

I took a deep breath. I'm not excited for that day. Hindi ko talaga gusto ang mga ganyan. Ayoko na sumasali about that event. JS PROM? WTF. Hindi ako sanay sa ganyan!

"Pero alam mo? Ang saya no'n Roni! Kase diba, kasali 'yong grade 12 sa prom?" Ngiting sabi naman ni Jelai.

"Hindi ko alam kung masaya 'yon." Walang ganang sabi ko.

Tinapos ko na yung last question sa math ni Jelai at binigay ko na sa kanya.

"Oh ayan! Okay na." Huminga ako ng malalim. "Sa essay naman ako."

"Thank you sis!!" Bigla niya akong niyakap. "The best ka talaga!"

"Ano ka ba! Napaka Oa mo naman." Asar ko sa kanya.

"Sus!" Tinapik niya balikat ko.

I took a deep breath bago nag-umpisa ulit sa essay ko.

"Hi Roni." Isang nakakairitang boses ang narinig ko.

Nilingon ko si Basti na may dalang box. Nakaharap siya sa akin at nakangiti.

I rolled my eyes on him. "Ano naman ginagawa mo dito? Classroom namin ito ah?" Iritang tanong ko

He smiled. "Nag lunch ka na ba?" Biglang tanong niya.

Hindi ko siya pinansin at nagsusulat lang ako sa essay ko.

"Baka gutom ka na? Tara, kain tayo. I bought you a food." He said sweetly.

Hindi ko parin siya nilingon. Oo nga gutom na din ako. Pero may baon naman ako.

MORE THAN FRIENDS [Season 01]Where stories live. Discover now