June 2013 ko silang dalawang nakilala. First impressions ko sa babae ay parang bata, bukod sa height nito ay yung boses niya parang naiipit na daga dahil martinis at maliit. Maganda na bata, that time medyo mataba pa pisngi niya parang bubbly tapos yung look niya nun ay naka-bun at may maliliit na nilalagay na parang naging bangs. Marami ring mga lalaking umaaligid dito. Actually halos lahat ng mga lalaki nasa upuan niya nakapalibot.At yung lalaki naman is late, parang late siya that time. Nakakalito mukha nila that time actually kasi marami siyang kamukha. Tapos yung katabi niya pa ay magkamukha pa niya. Nasa likod siya umuupo, siya yung klase ng lalaki na pabibo, lagi siya may tanong sa instructor namin. Chinito siya at payat pa siya that time.
Hindi sila close that time. May circle of friends ang babae na iba at yung lalaki rin. Kung magkakausap man sila is tungkol lang sa class or casual lang bilang classmate.
Sino ba naman mag-aakala na magiging mag-asawa ang dalawang ito hindi ba?
First sem wala masyadong ganap sa lablife.
Pero that time na hindi pa sila, sa Fb ay palagi na silang nagsasagutan sa comment section. Palagi rin silang nag-cha-chat. Tatanungin niyo kung bakit ko alam? Kasi na-ikwento sa akin ng babae. Mga random lang ang mga pinag-uusapan nila. Palagi rin sila nag-uusap sa chat. Hindi pa uso ang messenger that time sa phone. Website lang.
Marami naging crush ang babae at alam ng karamihan yun. Pero ni isa sa kanila ay hindi niya naging jowa. Approachable rin si girl kaya palaging may ka-chat at kausap na lalaki which is minsan ay napagkakamalan na din na nagpe-play lang ng damdamin ng mga lalaki. Medyo heart-broken pa ang lola niyo sa ex niya. At yung lalaki naman ay nagkaroon din ng jowa at kaibigan ko sa highschool! Parang naging tulay pa ako!
💜💜💜
Second year 1st sem. Kaklase kami nung lalaki at yung babae hindi na pero palaging pumupunta ang babae sa block namin kasi nandun halos mga kaibigan niya. Hindi ko alam na meron na pala something sila nito na sila lang nakakaalam. Pero hindi nila sinabi at hindi ko rin alam na one of the crush na pala ng lola niyo si lolo niyo. Ayaw niya sabihin sa akin kasi nga naging gf ni lolo niyo ang hs. friend ko.
May time pa nun, english 102? By Ma'am Wyrla, hindi ko na matandaan exact topic namin pero debate yata yun na hindi naniniwala si Ford sa love, which is that time ay hiwalay na rin siya sa gf niya. Sabi ko pa nun, "talaga lang ha?". Sa isip ko, kakainin niya rin ang sinasabi niya at tama nga ako.
One evening, may event yata nun sa school kaya nasa quadrangle ang lahat. Pumunta kaming dalawa ni Jn na kami lang dalawa. Nag-usap lang kami ng kung anu-ano. Hanggang, napag-usapan namin mag-dare. Nauso ang dare-dare sa aming magkakaklase nun. Nag-dare ako na parang hindi naman akitin parang- ano lang atleast paibigin si Ford at saktan. Nagtawanan pa kami that time dahil sa naisip namin na dare. Ang hindi ko alam ay gusto rin pala ng lola niyo haha! Pero, hoy binawi agad ni Jn yung dare ayaw niya raw niya. Gusto niya raw totohanin na lang. Ako yung nabigla, as in! Hahaha, kasi akala ko that time is yung isa kung classmate ang gusto ng kaibigan ko. Hindi ko alam, nahuhulog na pala yung lola niyo sa lolo niyo. Pero infairness, hindi naman maikakaila na malakas ang chemistry talaga nilang dalawa. Si Nor-ain mag-a-agree rito!
💜💜💜
Courting time, yun na nga nagsimula ng magparamdam si Ford kay Jn. Medyo mahaba rin ang courting ng dalawa dahil Inc ang babae tapos yung lalaki is SDA, which one of their hadlang. At nung second sem pa nun is nagbabalak na yung lalaki na mag-transfer na lang daw ng school. Paano na lang kaya Ford kung nag-transfer ka? I'm sure magsisi ka!Hindi pa official na nag-co-court ang lalaki that time pero grabe apektadong-apektado ang lola niyo haha. Kaya na-confirm ko malaki talaga ang tama ng babaeng ito. Grabe siya nasaktan na iiwan na siya kahit wala pa namang sila. Sana all!
BINABASA MO ANG
Aanine and Ford Love Story
Non-FictionPov ng writer niyong saksi ng pag-iibigan ng dalawang abnormal niyang kaibigan. Non-fiction ito! Basahin niyo kung wala kayong magawa. Note : Ginawa ang storyang ito para regalo sa kanilang first wedding anniversary.