° CHAPTER 3

683 10 0
                                    

Pangalawang araw ko na dito , ramdam ko Ang kaba habang tinutungo ang daan patungong classroom ko. Alam Kong may Mali pero pinipilit ko ang sarili na isantabi muna ito at nagmamadaling maglakad dahil sa mapanuring titig saakin ng mga estudyante .

May mali ba sa mukha ko? Alam ko namang Hindi maganda ang suot ko dahil sa may kunti itong gusot ngunit di naman Yun hadlang para magmukha akong gusgusin .

Napabuntong hininga nalang ako , siguro Hindi sila sanay na may ganitong estudyante sa paaralang to.

Nasa tapat na ako Ng room , mas tumindi ang kaba ko sa di malamang dahilan. Kahit Todo kaba ay mas pinili Kong buksan Ang pinto .

Parang nag slowmo ang lahat, ramdam ko ang mabahong amoy na dumikit sa buong katawan ko at ang malagkit na tubig na alam Kong dun nagmumula ang mabahong amoy na to.

Rinig ko ang malakas nilang tawanan , titig na titig sila saakin gamit ang mga mata nilang mapanghusga.

Pandidiri , yan Ang emosyong namumutawi sa mga mata nila. Napayuko ako at pinilit na huwag umiyak , ngunit mapaglaro ang tadhana .

Sabay sabay na binato saakin ng mga kaklase ko ang itlog na sira na . Kaya mas lalong lumala ang amoy ko.

Ginawa Kong pang protekta sa sarili ang dalawang braso ko ngunit Hindi Yun sapat para protektahan ang ibang parte ng katawan ko.

Masakit . Mahapdi . Ngunit wala silang tigil sa pagbabato saakin.

"Enough"

Sa baritonong boses na iyun , sa iglap lang ay tumigil sila.
Bagsak balikat akong napayuko. Hindi ko na maramdaman ang sarili sa pagkamanhid nito dahil sa sakit ng mga itlog na tumama sa katawan ko.

Akala ko tapos na Kaya maglalakad na sana ako, pero agad akong napatigil Ng may kamay na mahigpit na nakahawak saaking braso. Impit akong napadaing , ramdam ko ang pagbaon ng kuko nito sa braso ko kaya di na ako magtataka kung magkakaroon ito ng sugat.

Tiningala ko ang taong nakahawak saakin, ngunit ganun na lamang ang kaba ko ng makita ko kung sino ito.

" We meet each other , again."

Ang mga mata nyang may Galit saakin na Hindi ko alam kung saan nagmumula ang emosyong iyun. Nakakatakot , lalo na't sobrang sama nito. Napalunok Ako  , ramdam ko ang pagtahimik ng buong silid . Nasa Amin ang tensyon.

At Hindi ko mapigilan ang mas lalong matakot ng ngumisi ito sakin.

" Who would think that we will meet that early." Anas nito sa malamig na tono.

Hinawakan ko ang kamay nito na mahigpit paring nakakapit sa braso ko para sana alisin ito ngunit mas lalo ata syang nagalit dahil sa pagtangka ko.

"B-bitawan m-mo ko" mahihimigan ang takot Sakin at sakit saking boses. Ngunit parang mas natuwa pa ito at mas Lalo hinigpitan.

Nangilid na Ang mga luha sa sulod ng mata ko , hindi ko mapigilang ang umiyak.

Deserve ko ba ang ganitong trato? Naging mabuti naman ako , ngunit bakit parang Hindi yun naging sapat. Dalawang araw palang ako dito pero ramdam ko na Ang Galit nila saakin. Mas lalo akong napaiyak ng pabalibag ako nitong binitawan.

Ramdam ko ang likod ko na tumama sa pintuan na silid , at Hindi ko rin napigilan ang ulo ko kaya nauntog din ito.

Padausdos akong napaupo, ramdam ko ang sakit na lumukob saakin.

I bowed my head , lupaypay ang katawan Kong naisandal sa pintuan.  Sa lakas ng tama ko ay ramdam ko ang matinding sakit ng likod.

Nakakaiyak , sa liit ng katawan ko ay sa malamang madali akong mabalibag .

Napatingin ako sa braso ko . Namumula ito at may mumunting dugo.

Alam Kong walang tutulong saakin kaya kahit hirap man ay pinilit Kong tumayo.

"Weak"

Hindi ko pinansin ang sinabi nito , patuloy ang pagluha ko habang pinipilit ang sarili na maglakad .

Alam ko  simula palang ito ng kalbaryong dadanasin ko.

BULLY'S OBSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon