Tulad nga nang inaasahan ay nakapasok na ako ngayong Araw. Kaya ko na Sarili ko kaya ayos na Rin to.
Marahan akong naglalakad Dito SA hallway , nakayuko ang ulo ko takot na masalubong ang mga mata nila . Maiingay ang mga estudyanteng nakakasabayan ko kaya Todo gilid ako para di lamang nila mapansin .
Nakapasok ako sa silid ko ng Walang pambubully na naganap. Ngunit inihanda ko parin ang Sarili kung sakali mang saktan nila ako , eh Hindi na ako mabigla pa.
Naging alerto Ako sa buong klase , sa paaralang to ay di uso ang introduce yourself . Hindi nila ako Kilala at Hindi ko rin sila kilala. Para bang wala silang pakialam sa transferee o saakin lang sila ganun? Ewan nakakadisappoint kung ganun , biased pala Dito .
Nailang Ako ng maramdaman Ang pares ng mata na mataman na nagmamatyag sa mga galaw ko. Lumingon lingon ako. At Hindi naman ako nabigo agad ko itong Nakita.
Nagkatitigan kami , ramdam ko ang kaba at takot sa kulay abo nitong mata na walang mababakas na emosyon para bang andaming nakatago Doon. Napaka misteryoso nya.
Ako na Ang unang umiwas ng tingin at bahagya pang huminga ng malalim bago ituon muli ang atensyon sa harapan. Wala akong maintindihan dahil sa matang kanina pa nakatingin saakin. Kinakabahan ako sa Hindi mawaring dahilan .
Ang gusto ko na lamang ay matapos ang klaseng ito at ng makaalis na ako.
Ilang minuto Ang hinintay ko bago tumunog Ang buzzer . Agad namang umalis ang guro pagkatapos nitong magpaalam kaya dali Dali Kong sinukbit ang bag at malalaki ang hakbang na tinungo ang pintuan .
Lalabas na sana ako Ng may marahas na sumabunot sa buhok ko. Napapikit ako sa sakit , parang matatanggal ang buhok ko sa anit dahil sa lakas nito.
"Oh look what we have her?" Ani ng nakasabunot saakin , babae ito base sa Boses. Napapapikit na lamang ako para pigilan ang pagluha dahil sa sakit.
"B-bitaw pakiusap" alam Kong malabong bitawan nito Ang buhok ko pero nagbabakasali lamang ako.
"HAHAHA nakakatawa talaga ang itsura mo pag nasasaktan kaya siguro aliw na aliw sayo SI Master eh" Ani nito at tumawa ng malakas , pabalang ako nitong binitawan at medyo lumayo ito saakin . Napasalampak na lamang ako sa sahig hawak Ang ulo Kong parang hihiwalay sa katawan ko.
Naramdaman ko na lamang ang pagbato saakin ng mga bato , mapa Malaki man o maliit . At alam Kong natutuwa si Hunter sa nakikita nya ngayon .
Umiiyak Kong iniyuko ang Ulo at hinihintay ang pagtigil nila .
Natigil ako sa pag iisip ng maramdaman ang malaking bato na tumama sa ulo ko.
Napahiga ako sa sahig , ramdam ko ang mainit na likido ang lumabas dun kasabay ng pagsakit ng ulo ko.
Natulala Ako at naging sunod sunod ang pagluha. Eto na ba ang sinasabi nyang paghihirap? Nakakatawa na di ko man lang malaman ang dahilan ng mga galit nya , nakakatawa dahil nararamdaman ko ang mga bagay na ito.
"Oh f*ck ! Hunter what have you done!"
Nararamdaman ko na Ang pagbigat ng talukap ko ngunit pinipigilan ko ito. Tiningnan ko ang taong nasa harapan ko . Puno ng pag aalala ang mukha nito.
"D-dash" tila nagsusumbong na bata ang naging kinalabasan ng tono ko , sinikap Kong muling magsalita ngunit mas ramdam ko ang sakit pag nagsasalita Ako kaya tanging maririin lamang na lunok ang nagagawa ko.
Tumayo ito at galit na tumungo sa kaibigan nya , sinuntok nya ito sa mukha dahilan para matagilid ang mukha into , walang bakas pa ring reaksyon ang mukha nito.
"Bro! Babae sya! Bat mo Naman inutusan yang MGA l*tcheng Yan na ganyanin sya! "
Anu ba ang dapat maramdaman ko? Magiging masaya ba ako dahil sa tanang buhay ko eh Ngayon lang may nagtanggol saakin. Oh magdududa ulit , pero kasi tanging SI Dash lamang ang nandyan pag kelangan ko ng tulong. Pangalawang beses na tong tulong nya saakin.
"She deseve it." Walang bahid ng pangamba ang Boses nito , parang sinasabi ng mata nya na Tama lang to saakin.
Nakaramdam ako ng bigat sa puso , Hindi ko alam kung bakit. Napapikit Ako ng mariin Ng mas tumindi ang sakit ng ulo ko.
"Why are you meddling to my business?" Muling saad ni Hunter , Hindi ko na narinig pa ang naging tugon ni Dash dahil tuluyan ng pumikit ang mga mata ko.
Puro sakit lamang ang nararamdaman ko para akong binugbog ng karamihan dahil sa pananakit nito.
Galing palang akong hospital kahapon , baka magiging tambayan ko na roon.
BINABASA MO ANG
BULLY'S OBSESSION
De TodoHuminga ako ng malalim baka sakaling maibsan Yung sakit at takot na nararamdaman ko. Nasa loob ako ng bodega , nakakulong. Hindi ko naman pinangarap na maging ganito Ang Buhay ko. Wala sa isip ko ang makapag aral sa isang mamahaling paaralan ,sapat...