Una't Huli

73 0 0
                                    

Nakatira kami sa isang exclusive subdivision sa parteng norte ng Metro Manila. Kahit exclusive ang subdivision namin ay di naman ganoon kayaman ang mga nakatira dito. May kalumaan na rin ang subdivision namin pero marami pa ring bakanteng lote. Ang mga lote sa harapan, likuran at tagiliran ng aming bahay ay puro bakante pa. Iilan lamang ang mga bahay kalyeng kintatayuan ng bahay namin. Ako na lamang ang nakatira sa aming bahay kasama ko ang yayang nag-alaga sa akin simula ng bata pa ako na si Manang at asawa nitong si Manong. Nasa US na ang aking nakatatandang kapatid at ang aking mga magulang. Ganoon lagi ang senaryo sa aming kapaligiran kapag umuuwi ako ng bahay, tahimik at halos wala kang makitang taong gumagala sa kalsada. Tinatapos ko na lang ang kurso ko bilang doctor bago ako sumunod sa US.

Subalit nagbago ang lahat ng biglang may nagpatayo ng bahay sa bakanteng lote sa tabi ng bahay namin. Syempre noong una ay inis na inis ako dahil sa ingay ng mga trabahador na sinasabayan pa ng mga pupukan at ingay ng motor ng equipment na naghahalo ng semento. Grabe talaga. Parang ayaw ko ng umuwi at matulog sa bahay namin. Gabi kasi ang klase ko kaya halos buong araw ay tulog ako kapag wala akong duty sa hospital.

Nang minsang nagising ako sa lakas ng kalabog ng nadinig ko kahit naka-aircon ako at sarado ang mga bintana ng silid ko ay galit na galit akong sumugod sa ginagawang bahay. Magbubunganga na sana ako ng mapansin ko na may nadisgrasya palang trabahador dahil bumagsak ang tinutuntungan nito habang naglalagay ng mga alambre sa mga nakatayong bakal. Medyo duguan ito kaya syempre dahil medical student ako ay ako na mismo ang nagbigay ng first aid sa naaksidente. Mabuti na lamang at sugat lamang sa mga braso ang natamo niya at tila wala naman bale sa katawan dahil nakatayo at nakapaglakad siya muli ng matapos kong bigyan ng first aid.

Noon ko nakilala ang engineer ng construction na si Rommel at ang ilang trabahador nito. Noon ko rin naisabi ang aking mga reklamo sa ingay na dulot ng construction. Humingi naman ng paumanhin si Rommel at nangakong pipilitin nilang magtrabaho ng hindi makakaistorbo sa akin. Sa gabi din daw ay titiyakin ni Rommel na di mag-iingay ang kanyang mga trabahador dahil stay-in na rin siya doon sa construction. Nagpasalamat din sila sa akin sa ginawa kong first aid sa isang trabahador. Di na ako nagtagal doon at bumalik na ako sa bahay upang ituloy ang naudlot kong pagtulog.

Pagbalik ko sa aking higaan ay di na ako dalawin ng antok. Parang di ko makalimutan ang pagiging gentleman ni Rommel. Gwapo si Rommel at magaling pang makipag-usap. Lagi sumasagi sa aking isipan ang paghingi niya ng paumanhin sa akin. Di ko na tuloy ipinagpatuloy ang pagtulog ko sa halip ay kumain na lamang ako. Matapos kumain ay nakinig ako ng musika at ng magsawa naman ako ay nanood ako ng mga dvd movies. Di ko na namalayan ang oras nang biglang magtanong si Manang kung ano ang gusto kong meryenda. Mag-aalaskwatro na pala ng hapon. Nagpahanda ako ng juice at sandwich at pinaakyat ko sa aking silid dahil magsisimula na rin akong mag-aral ng aking lesson.

Pagpanhik ko sa aking silid ay di ko na naririnig ang dating ingay ng construction. Di na tuloy ako nag-aircon at binuksan ko na lamang ang lahat ng mga bintana. Busy pa rin sa kanilang trabaho ang mga tao sa construction ng dumungaw ako sa bintana. Sinimulan ko ang pagbabasa ng aking aklat. Makalipas ang isang oras ay nakarinig ako ng mahinang tawanan at pagbuhos ng tubig. Tumigil ako sa aking pagbabasa at sumilip muli sa bintana at hinanap ng aking mga mata ang pinagmumulan ng ingay. Noon ko nakita si Rommel at ang ilan niyang tauhan na naliligo sa isang sulok kung saan naroroon ang ilang drum ng tubig.

Nakatakaw pansin sa akin silang lahat dahil pawang naka-brief lamang sila. Si Rommel pa ay nakabikini brief lamang na parang maliit na sa kanya. Kaya naman hapit na hapit sa kanyang harapan at halatang halata ang kanyang alaga. Ang mga kasamahan naman niyang naliligo din ay merong de color na brief, may luma at manipis na at may maluluwag na ang garter. Halos mahubuan na nga ang ilan sa kanila. Subalit balewala pa rin ito sa kanila at tuwang tuwa pa sila sa kanilang paliligo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The EngineerWhere stories live. Discover now