Taliana
"Dito ka muna magsimula. Walisin mo lahat ng dahon dito sa field." Napatango-tango nalang ako sa inutos ng tauhan ni warden.
Nandito kami ngayon sa field ng kulungan, open space ito at maraming mga puno sa paligid, napasinghal nalang ako sa mga nakikitang nakakalat ng mga dahon. Hindi ko alam kung kaya ko ba 'tong tapusin ng magdamag.
"Sige po pero hindi ko po ito kayang tapusin ng maghapon." Napakamot nalang ako sa sariling ulo.
"Kaya mo 'yan. Papapuntahin ko nalang 'yong iba rito para tulungan ka." Anito. "Tsaka mo isunod yung office ni warden after nila matapos sa ginagawa nila."
Namula ang pisngi ko nang napagtanto ang sinasabi niya. Kahit sino namam ay mage-gets kung ano ang ginagawa nila sa opisina niya. Base nalang sa pinapakita ni ma'am Vivienne kaniya ay malalaman mo nalang.
"Sir, girlfriend ba ni Warden 'yong babae sa loob?" Nag-aalangang tanong ko. Hindi ako chismosa pero gusto ko lang malaman para alam ko kung sino at pa'no ko sila pakitunguhan.
"Ang alin?" Tumaas ang kilay niya. "'Si Vivienne ba?"
Tumango ako. "Opo. 'Yong magandang babae."
Suminghal siya. "Psh! 'Di naman maganda 'yong babaeng 'yon." Mas disgusto ang boses nito.
"Grabe ka naman sir. Maganda naman talaga si ma'am Vivienne." Sabi ko naman, dahil totoo naman.
Matangkad na babae si ma'am Vivienne, morena tsaka matangos ang ilong. Maganda din ang katawan nito, lalong-lalo na ang hinaharap nito, 'di gaya sakin na hindi pinagkalooban.
Maliit na nga, naging criminal pa.
"Ay naku! 'Di yan totoo. Kung ako tatanungin, mas maganda ka pa ng 'di hamak kaysa doon." Nag-init ang pisngi ko sa narinig. Kakaunti lang kasi ang nagsasabing maganda ako.
"'Di ko nga alam bakit pinatulan ni sir Clydous 'yong babae na 'yon. Palibhasa ay magaling gumiling sa hita ni sir Clydous."
Namula ako sa sinabi niya.
"B-baka 'yon ang gusto ni warden sa babae." Utal kong sambit habang sinasabay ang pagwawalis sa mga nagkalat na dahon.
"Tama ka diyan. Mahilig 'yan si sir sa pagkikipagtalik. Doon kasi niya tinatanggal 'yon stress niya dito. 'Di naman siya makalabas rito dahil may binabantayan."
Umiling -iling siya. Totoo naman, kahit sino naman ay makakaramdam ng stress sa ganitong trabaho. Sa dami ng mga naka-kulong rito ay mapapagod lang ang mata mong bantayan sila isa-isa lalo pa at nagsisilakihang mga kriminal ang nandito.
Karamihan sa mga inmate ay mga serial killer, mga drug lord at 'yong iba ay mga miyembro ng mafia at yakuza. Hindi ko tuloy mapigilan kabahan at matakot para sa sarili ko.
"Tsk! Tsk! Oh siya, magsimula ka na. Napapadami na ang daldal ko at baka may masabi pa akong 'di mo dapat malaman."
Nagpaalam na ito kaya mas inigihan ko naman ang pagwawalis. Gusto ko ng matapos agad ito ng mas mabilis para makapagpahinga na rin ako agad.
Iniipon ko ang mga dahon sa kumpol-kumpol kada puno para hindi ako nahirapan, tsaka ako lumilipat sa iba pang mga puno para mag-ipong muli. Isasako ko nalang mamaya ang 'to pagkatapos magwalis.
Sa tirik ng araw sa taas ay nakakasampung puno palang ako ay ramdam ko na ang pagod. Pinagpapawisan na rin ako ng malala. Mabuti nalang at nagsidatingan na 'yong iba pang inmate na may dala-dalang mga kanya-kanyang walis at sako.
"Nakakadami ka na pala." Bigla ay saad ng isang inmate na lalaki na kadadating lang. Nagwalis ito sa tabi ko sabay tingin sa'kin at ngumingiti-ngiti.
Tinaasan ko lang siya ng kilay at pinagpatuloy ang pagwawalis.

BINABASA MO ANG
WARDEN'S PET
Romantik"You are not just mine, you are me." - 𝙙𝙤𝙨 𝙬𝙤𝙡𝙛𝙜𝙖𝙣𝙜 Ang akala ni Taliana Hermoso ay ganoon na kamalas ang kanyang buhay ngunit hindi niya aakalain na may ikamamalas pa pala ito nang mapagbintangan siya sa isang krimeng hindi naman niya gi...