Nag-iisa

64 8 8
                                    

Nakaupo ka magisa sa classroom, parang may hinihintay na ewan. Habang ako, nakatingin--nakatitig lang sayo. May nakapagsabi ba sayong maganda ka? Hindi lang nila alam dahil hindi nila nakikita ang nakikita ko. Kung nakikita lang sana nilang ngumiti ka. Kung kilala ka lang sana nila katulad ng pagkakakilala ko sayo.

Kung nakita lang sana nila yung magaganda mong ngiti... yung mga masasarap sa tenga mong tawa--kung itinry lang sana nilang lapitan ka at tanungin...

Kagaya ko... tinatanong kita lagi kung, "Okay ka lang ba?" Kaso hindi ka naman nasagot eh.

Ang tagal narin ng huling may nagtanong sayo kung okay ka lang... tapos nagsinungaling ka pa. Sabi mo, "Okay lang ako..." tapos sinamahan mo pa ng isang pekeng ngiti.

Kahit minsan ka lang umiyak, ako yung nasasaktan sa ginagawa mong pagtatago ng nararamdaman mo... Kung nakikita lang sana nila yung mga luhang tumutulo ng palihim... Kung nakikita lang sana nila yung mga lungkot sa mga mata mo...

Kung titingnan ka lang sana nila ng mas matagal. Kung itatry lang sana nilang manatili sa tabi mo... Kung binibigyan lang sana nila ang sarili nila ng pagkakataon na kilalanin ka... Malalaman nilang lahat ang nalalaman ko. Baka makita nila ang nakikita ko...

Alam kong may dadating ding katulad kong may paki sayo... Unti-unting binabasag ang puso ko habang pinapanood ka--tahimik na hinahayaan ang mga luhang tumulo mula sa mga matang libo-libo ang emosyon na itinatago...

Tahimik ka lang na umiiyak kaya't hindi ko narin namalayang natulo narin ang mga luha ko... Ang hirap. Ang hirap na panoodin kang ganto... Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman mo. Nasasaktan din ako... Ang daming emosyon sa dibdib ko... Kasing dami ng iyo. Kasing gulo ng iyo...

Magkadugtong kasi ang puso't isip natin. Kaya tama na... Tama na, hwag ka na umiyak...

May kasalanan ba ako? Kung ganun, patawad na... Hwag ka na umiyak... Ang sakit na... Ang sakit na ulit. Tiningnan ko lang ang muka mo, Oo nga. Tanda ko na, may kasalanan ako sayo...

Pinilit kong abutin at haplusin ang pisngi nang puno ng luha, "Sorry... I'm sorry I died."

Lalong bumugso ang tulo ng mga luha ko nang makitang lumampas ang kamay ko sa muka nya... Sorry na... Hwag ka na umiyak...

Nag-iisa OSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon