Part 2

29 1 0
                                    

Leonard's POV

Muli akong napabuntunghininga at lumakad pabalik kay Mama.

"Mauna ka na sa kusina.Duon tayo mag-usap.Asikasuhin ko muna itong kapatid mo."Ani ni mama sa akin.

Muli kong sinulyapan si Tom na ngayon ay nakaupo na ulit sa upuan.Nakahilig ang ulo sa sandalan at nakapikit.

Nang nasa kusina na ako,nakita Kong may mga pagkaing natatakpan sa lamesa.Kanina nagugutom ako,pero Ngayon pakiramdam ko Wala na akong ganang kumain.
Natitigilan akong humila na lng ng silya at naupo.
Di pa din Ako makapaniwala hanggang ngayon sa mga sinabi ni Tom kanina.

May nararamdaman sya noon kay Leigh?Kala ko simpleng crush lang Ang meron ito?
Ilang taon nga lang ba c Tom nuon?
Twelve?,thirteen?

At Ngayon,Twenty three na sya.Ilang taon na Ang lumipas,nasa isip pa din ni Tom si Leigh?.Tulad ko din pala sya.
Di makausad Mula sa ala-ala nya.
Although nagkaron naman sya ng ilang mga girlfriends,at Ngayon nga ay may anak na siya,aaminin ko,tulad ni Tom,naiisip ko pa din sya..So many what if's inside my mind.Nagging me.

Napapailing na napapikit Ako sa isiping iyon.
Napalapit sa pamilya namin si Leigh ng magkasama Sila ni Mama sa trabaho.Kinailangan nyang mag working student.Napalapit din sya ng husto Kay Tom ..At higit sa lahat,naging malapit kame sa isa'-isa.
Best friends..

"O,Di ka ba nagugutom?"Ani ni Mama.
"Nakatulog na si Tom."dagdag pa nya.

Tumayo naman ako at kumuha ng pingan at kutsara.
Sumandok naman si Mama ng kanin at ulam at inilagay sa harap ko.
Caldereta,pork chop,fried chicken,at chopsuey Ang inihain nya sa akin.
Tinitigan Kong muli Ang mga pagkain.
Wala na talaga akong gana.Ngunit alam Kong kailangan Kong kumain.Isa pa,alam Kong Hindi papayag si Mama na Hindi Ako kakain..

Kaya,inot-inot akong naglagay NG pagkain sa pinggan ko at tamilmil na kumain.Naupo naman si Mama sa harap ko habang marahang nagbabalat NG saging at kinain ito.

"Hindi na Ako nagtataka sa sinabi NG kapatid mo tungkol sa nararamdaman nya nuon Kay Leigh."Panimulang Sabi ni Mama na nangingiti pa.
Napatingin naman Ako sa Kanya.

"Madalas nyang i-kwento sa akin noon Ang paghanga nya Kay Leigh.Sabi pa nga nya,liligawan daw nya ito."
At mahinang tumawa si Mama.
"Sabi ko naman,mas matanda si ate Leigh mo sayo.Sabi naman nya,walang kaso sa Kanya kahit gaano pa kalaki Ang agwat ng edad nila basta gusto nya si Leigh at liligawan nya ito."Ani pa nya.

Wala naman akong imik at tuloy lang na kumakain.

"Pagpasensyahan mo na lang Sana Ang kapatid mo sa mga nasabi nya sayo kanina."dugtong pa ni Mama.

Di pa rin Ako nakibo.Kunwa'y abala sa pag-kain.

"Anak,salamat sa mga sakripisyo mo para sa pamilya natin.Lubos kaming nagpapasalamat sayo ni Papa mo.
Napakabuti mong anak at kapatid.Kahit pa Ang kapalit ay katiyakan ng iyong kaligayahan."madamdaming Saad pa nya.

Inabot ko naman Ang baso at nagsalin NG tubig..Uminum muna Ako at nakangiwing sumagot Kay Mama.

"Ma,Sabi ko nga kanina Kay Tom,Hindi alam ni Leigh Yung nararamdaman ko sa kanya noon.
Di ko sinabi Kasi ayokong mailang sya saken at masira Ang friendship namin.Kaya walang kaligayahang nakataya noon.Desisyon ko Yun Ma."Ani ko.

Matagal at matama akong tinitigan ni Mama..Tila ba may kung anung inaalala sa isip.

"Kumusta na kayo ni Carla?"
Tanung nya pa..

"Ayus naman ho kami."balewalang sagot ko .

"Leo anak,hangad ko Ang kaligayahan mo.Kahit Di mo sabihin saken,alam ko,madalas pa Rin kayong mag-away ni Carla."malumanay na wika nya pa.

Napabuntunghininga na lamang Ako.

"Ganun naman talaga Ma.Walang perpektong pagsasama."Ani ko at muling sumubo ng pagkain.

"Pero kakaiba yang si Carla.Nananakit at matinding magselos.Ayoko ng ganun anak.Ayokong nasasaktan ka.
Bilang nanay mo,Di ko maalis sa isip ko Ang laging mag-alala sayo lalo na't kakaiba lagi Ang ugali ni Carla pag nalalasing at nakainum na" Puno ng pag-aalalang Sabi pa ni Mama.

Napatigil muli Ako sa pagsubo at muling uminum ng tubig.

"Anak,kapag Hindi mo na Kaya,pwede ka naman makipagkalas na sa kanya.Hindi naman kayo kasal at lalong Wala kayong anak."

Kita ko sa mga mata ni Mama Ang matinding lungkot.

"Ma,Hindi ganun kadali Yun..
Kahit papanu,may pinagsamahan kami ni Carla."

"Cge,kung Yan Ang pasya mo.Dito ka na matulog..Anong Oras na at magdadrive ka pa.Nasa Cavite kamo si Carla.Maayos at malinis naman ung kwarto mo."

"Sige Ma,Dito na ako matutulog."pagbibigay ko sa kanya.

"Sya nga pala,nagpaplano ng magpakasal si Shiela at ang nobyo nya.Nagsabi na ba si Shiela sayo?"

"Nabanggit nya saken nung nagkita kami nung nakaraan Ma.Ok naman sa akin.Nasa tamang edad naman na Sila at may maayos ng mga trabaho."

Ngumiti naman at tumango-tango si Mama.

"Nabanggit nga pala ni Shiela na gusto nyang imbitahin si Leigh bilang kakanta sa kasal nya.Ok lang ba sayo?"tanung muli ni Mama na ngayo'y matiim na nakatitig sa akin at naghihintay ng sagot ko.

Halos mahugot ko naman Ang paghinga ko sa emosyong biglang rumagasa sa dibdib ko sa sinabi ni Mama.Gusto Kong mapapikit sa tindi ng ragasa ng lagabog ng dibdib ko.
Ang kaalamang muli kaming magkikita ay parang kwitis na sumabog sa isip ko patungo sa sentro ng aking puso.Kakaibang kaba at excitement Ang sabay na lumukob sa akin.Kakaibang saya.Para akong batang pinangakoan ng lollipop at laruan.

"O-oka-y lang ho sa akin.Kasal naman ho ni Shiela yun."sagot Kong medyo nauutal..

"Salamat anak.Ang inaalala ko lang ay magiging reaction ni Carla kapag nakita nyang muli si Leigh."

"Hayaan nyo ho sya.Ako hong bahala sa Kanya."Ani ko at tumayo na.Nilagay ko Ang pinagkainan ko sa lababo.

"Ako na dyan.umakyat kna sa kwarto mo at magpahinga."Ani ni mama saakin..

Tumango at tumalikod na Ako Kay Mama upang umakyat na sa kwarto ko.Ngunit muli kong nilingon si Mama nang malapit na Ako sa pinto ng kusina.

"Ma,yung tungkol Kay Leigh,sa mga sinabi ni Tom kanina,Sana ho kalimutan nyo na lang Yun.Ayokong makarating pa Kay Carla at pag-awayan na naman namin."pakiusap ko sa kanya.

Ngumiti nman sa akin si Mama.

"Huwag Kang mag-alala,Wala na sakin yun.Sige na,umakyat ka na."Ani ni mama..

Bahaw na ngumiti Ako sa Kanya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nang nasa kwarto na Ako,inilibot ko Ang tingin ko sa kabuuan nito..ganun pa din Ang ayos ng kwarto ..
Ngunit bigla akong natigilan ng may isang alaalang pilit na sumisingit sa isip ko ng matanaw ko Ang bintana..
Muli akong nagpigil NG paghinga, lumakad patungo sa kama at naupo duon.

Ayokong isipin ka.
Ayaw kitang alalahanin.

Muli akong napabuga ng hangin at malalim na huminga.Lumapit Ako sa cabinet at kumuha ng damit.Maliligo muna ako bago matulog.









HANGGANG...(Leonard & Leigh Anne )Book 1Where stories live. Discover now