Naniniwala ka ba kay FOREVER?

445 1 0
                                    

( Paalala: Ito ay hindi istorya. Ito ay sarili kong opinyon kay halos bugbog sarado nang si FOREVER. May ilan ding masasabit na opinyon mula sa iba't ibang tao sa paligid ko na puro kabitteran ang laging isinasagot. Ayun lamang.)


O anu? Naniniwala ka ba kay FOREVER?

"Hindi. walang forever! kakabreak lang namin ng bf ko e." Literal na sagot ng mga BH o broken hearted na kabataan. *BITTER PRE!*

"Wala POREBER!" Sagot ng mga tambay. Kapag tinanung mo kung bakit? Aynako. Wag mo na tanungin. Sabay sabay lang sila sasagot at hindi mo maiintindihan. Basta wala daw poreber sa kanila. *KDOT!*

"Walang forever. Kasi di naman sabay na mamatay yung dalawang taong nag-iibigan" Sagot ng. Hehe. Basta. Basta mga may edad na ng konti. *sabagay may point*

"Walang Forever. Maghihiwalay din kayo" Banat ng mga single na nakakita ng magsyotang sweet overload sa daan. *Bitter Pa More*

E panu yung mga taken? May forever ba sa kanila? Yung iba meron. Yung mga walang tiwala sa relasyon nila, alam na. WALANG FOREVER.

Ilan lang yan sa mga opinyon na naririnig ko sa mga taong nakakasalamuha ko araw araw. Ang maraming nagrereact dyan ay ang mga kabataan. DIBA? Masyado silang galit kay forever. Kung tao lang si Forever matagal na siyang patay.

ANU BA KASALANAN NI FOREVER?

Wala naman diba? di lang talaga naniniwala ang karamihan na nageexist siya. May ibibigay ako sainyo na kasabihan nA SUPER common sainyo.

"Kung mag-asawa nga naghihiwalay, magsyota pa kaya? So, walang forever"

Diba? alam na alam niyo yang kataga na yan. Sinabe niyo rin yan sa sarili niyo lalo na pag broken hearted kayo. Dibadibs??? Ganyan din ako noon. *NOON*

SO ETO NA YUNG TURN KO PARA MASABI KO YUNG FEELINGS ESTE OPINION KO KAY FOREVER.

Syempre uumpisahan ko muna yung opinion ko noon. *Flashback baby* WALANG FOREVER. Bakit ko nasabi yan noon? Kasi lagi akong broken hearted. Walang tumatagal na relasyon. Meron man, on and off naman. Maniniwala paba ako na nageexist si forever? Hindi na. Itinatak ko na sa puso't isipan ko yan. Lahat ng relasyon, mauuwi rin sa hiwalayan. WALAAAAAAAAAAAANG FOREVER!

Ngayon. Naniniwala nako. :) Napanuod niyo ba yung movie na UP? Kwento ko na nga lang. summary na lang ha? Medyo di ko narin kabisado yung story pero parang ganito yun. May dalawang bata na naglalaro sa lumang bahay. si boy at si girl. Alam  niyo ba yung love at first sight? nalove at first sight si boy nung nakita niya si girl. tapos hanggang sa lumipas ang panahon niligawan  ni boy si girl. sinagot ni girl. sa tagal ba naman na nilang magkakilala e. tapos nung nasa tamang edad na. nagpakasal sila. hanggang sa magkaedad o tumanda na sila, magkasama parin sila. wala silang anak. kasi may probema ang isa sa kanila. nadepressed si girl. hanggang sa magkasakit si girl. at magpaalam kay boy. nung mawala si girl sa buhay niya sobra siyang nalungkot. wala na ung partner niya e. pero tinuloy nya parin pangarap nila ni girl na idala nila yung bahay nila sa napakagandang lugar na super tahimik. sa tuktok ng talon. naglakbay siya kasama yung boy scout na bata. pero nung malapit na sila nabitawan niya yung bahay nila ni girl na punong puno ng balloons. nalungkot siya. nagfailed siya sa mission  nila. pero naisip niya, masaya na siguro si girl kasi kahit papanu naidala yung bahay nila malapit dun sa pwesto na pangarap nila. at ipinagpatuloy ni boy yung buhay niya kasama yung echoserong bata na sumama sakanya at si girl na habang buhay na nasa puso niya. THE END.

sorry kung may mali man akong nasabi o naisulat dyan. pero gusto kong mapagtanto niyo yung gustong iparating nung story na yan. FOREVER really exist. Hindi niyo pa o hindi ko pa mararanasan o mararamdaman na may forever kasi bata pa ko. Bata pa kayo. But anyway, I DO BELIEVE IN FOREVER.  Kapag may partner na tayo hanggang sa patanda natin, mauna man ang isa sa amin. habang buhay siya sa puso ko. kumbaga sa story, nauna lang naman namahinga yung asawa niya. one day magkakasama din sila. diba? that's what we called FOREVER. PAG-IBIG NA WALANG HANGGAN. And don't forget to pray to God. Hindi masamang ipinalangin kay God na sana makatagpo ka ng best partner diba? Unang una sa lahat siya ang magbibigay ng lahat ng hinihiling natin. Magtiwala tayo sa magagawa niya.

MAY FOREVER. MANIWALA KA. :)


----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

* para sa mga makakabasa nito. super thankyou. comment lang kayo. :)

May FOREVER Nga Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon