PROLOGUE

7 0 0
                                    

PROLOGUE

Life is so much more interesting when delusions are fed. Delusions are like starved demons ready to swallow the whole you when it got a taste of your soul.

------
Hello. The moment you read this, ilang araw na kaya ang lumipas simula nung nagdecide tayo na magstop? Kamusta ka na? I hope you aren't overworking yourself too much. I wonder if naiisip mo pa yung ilang buwan na relationship natin? Or nakamove on ka na and you’re doing good sa track ng buhay mo?

Siguro magugulat ka kung bakit may ganitong letter. So bakit ko ba kinompose itong letter na ito? Kasi the way we stopped things still bothers me. I wasn’t able to say the things I wanted to say. I needed time to process everything, hindi ako ganoon katalino sa emotional na aspect. Gusto ko lang i-open yung mga unsaid feelings na naipon simula nung nagstop tayo. I am not doing this to guilt trip you or what, I am doing this to lessen the burden I am feeling, and para na rin sabihin na wala kang kasalanan.

Iyong pagwish ko sa iyo ng happiness and success that time ay hindi genuine. It was so bitter. The way things ended, for me was so bitter, kaya siguro nagawa kong iblock and cut off ka sa lahat ng ganap sa buhay ko. That time, I don’t want you knowing things about me.

I want to say my apologies for making you the bad guy in that relationship. I am sorry. Ang sabi ko, “pwede bang hindi ko muna tanggapin iyang sorry mo?”, where in fact hindi ko naman talaga deserve ng sorry from you. I should be the one apologizing. I think I made you feel less. Actually, you are enough. You are a good guy. Napakahardworking and responsible mo. Kahit na super busy mo sa work, you atleast find time to contact me. Samantalang ako, it was all pride for me that time. Hindi mo ako kokontaktin, hindi rin kita kokontaktin. Naging ganoon ako sa relationship na ‘yon, which is hindi tama. Kaya tama ka noong sinabi mong hindi kita deserve. You deserve better. You deserve someone who will make you feel enough. You deserve someone who will truly understand and support you with your goals. You deserve someone who will make you feel safe. Na kahit na malayo, kasi sa career path na napili mo, hindi ka mag-aask ng worth mo. You deserve someone who will love you for who you are, accept you for who you are, and is willing to learn along the way with you.

Kahit na nung hindi pa tayo, you had the courage to ask me na pumunta sa inyo. Ilang beses mo akong inaya sa inyo, siguro para ipakilala nga sa family mo, and ilang beses din akong gumawa ng dahilan para hindi makapunta sa inyo. That was so bobo of me. Napangunahan ako ng takot. Takot na baka hindi nga ako magustuhan ng parents mo. Nung sinabi ko na, “wala pa akong work”, inask mo anong connect non? Hindi ko naexplain sayo. Kasi gusto ko sana na humarap sa family mo na may something sa akin na nakakaproud.

Hindi mo deserve yung complicated na way ng pag-iisip ko. I made things so difficult. Mahirap na nga yung LDR, mas pinakomplikado ko pa. I'm sorry.

Also, hindi ako naging open sayo. Hindi ko inallow na makita mong vulnerable rin ako. It was you always, who shared things. Hindi dapat ganoon ang relationship. Dapat both parties, kayang magshare ng mga problema without the fear of getting judged and feeling like a burden. I am sorry, I did not trust you enough para mashare ko sa iyo yung mga problems, traumas and relapses ko. Hindi mo rin naman deserve ng additional burden. You have so much on your plate.

I am sorry for the unnecessary cold treatments and pagsusungits ko sa iyo. Yung pagod ka na nga sa work tapos masusungitan ka pa? Pasensiya ka na. Hindi mo din deserve yung mga iyon.

Nung narealize mong hindi ka pa ready for commitment, ilang beses kong dineny ang realization na hindi rin ako ready sa ganoong klase ng relationship. I’m sorry, I waited for you to end things... na dapat ako yung gumawa kasi ako yung unang nakarealize. O siguro hindi naman dapat talaga tayo nagstart sa relationship na iyon. Masyado kong pinilit. Masyado akong naging desperate to enter a relationship. Masyado akong nagcrave sa idea ng romance and love. Feelings like that, hindi dapat talaga minamadali. I am sorry nadamay ka pa sa mga delusions ko.

But it was true that I really like you. I like you because you're a good man. A good friend. Maybe I do have deeper feelings for you, but I am still not sure about that, too, and you don’t deserve that unsureness. Deserve mo yung sigurado at hindi nakakalito.

And you don't need to worry about me. I'll be doing fine. Sabi ko naman sayo na kaya ko ihandle feelings ko. Hehe. Busy na din ako nagaapply for work. Since you said that you'll pray for my success din, I'll do my best para maging successful in life. Di ko sasayangin prayers mo for me.

I’m really sorry. This time I am genuinely praying for your happiness and success. Take care
and thank you for the feelings and energy you gave me. Thank you for making me feel special even if it wasn't for very long.
-------

I copied the message I composed from my notes app para maisend ko iyon kay Sean ngunit nagdalawang isip ako. Instead, I sent it to a confession page where they post confessions of unknown people who wants to share their stories.

--------
I think this letter will be one of those na hindi ko rin kayang isend mismo sa iyo. I'm sorry.
--------

Hindi ko alam kung sadyang duwag lang ako o pride ko ang nagdidikta sa akin na huwag na ulit kontaktin si Sean. Gusto kong humingi ng tawad. That breakup wasn’t genuine, atleast for me. Mukha lang iyong healthy breakup pero hindi naman talaga.

“Ang ganda mo naman Jasmine. Wala ka pa rin bang boyfriend, iha?” 

Ngumiti ako kay Mang Edgar, matapos niyang ihinto ang tricyle sa harap ko.

Maliit lang ang barangay namin kaya halos kilala rin ako ng mga tao, lalo na at maraming amiga ang mama ko rito. Ngunit may mga tao naman akong hindi kilala dahil hindi naman ako mahilig maglalabas sa bahay. Kaya siguro wala rin silang alam gaano sa pribadong buhay ko. Ni hindi nga nila alam na kagagaling ko lang sa isang relasyon.

“Sa bahay na lang po Mang Edgar.” Sambit ko habang inilalagay ang mga pinamalengke ko sa loob ng tricycle niya.

“Kung wala ka pang boyfriend, ireto ko iyong anak ko sayo.” Aniya.

“Pasensiya na po. Hindi pa po kasi ako nakakamove on sa ex ko.” Sagot ko.

Tinawanan niya iyon na tila ba biro ang sinabi ko. Sa tono ng tawa niya ay parang nagpapalusot lang ako para tanggihan ang pagrereto niya sa anak niya.

“Ganoon ba? Buti na lang pala at naghiwalay kayo. Ibig sabihin ay hindi talaga siya ang para sa iyo, iha.”

Sa sinabing iyon ni Mang Edgar ay mas lalo lang akong nalungkot. Hindi ko matanggap na hindi siya ang para sa akin.

Hindi naman talaga naging malinaw ang hiwalayan na iyon para sa akin. Ni hindi niya nga nasagot ang mga tanong ko sa kaniya. I assumed things. Hindi niya direktang sinabi na gusto na nga niyang itigil, kaya siguro merong parte sa akin na umaasa na sana ay bumalik pa siya sa akin, na sabihin niyang hindi niya gustong makipaghiwalay, na gusto niyang ayusin ang kung ano mang meron kami.

Pero tila yata malabo iyon. At dapat ko ring panindigan ang pagpayag sa hiwalayan na iyon. Desisyon naman naming pareho iyon. We both have our own priorities, our career. Kaya wala kaming oras para sa isa’t isa. That relationship would just ruin the both of us kung ipagpapatuloy pa namin.

Wala na rin sa isip ko ang magnobyo dahil naranasan ko na at humantong lang iyon sa hiwalayan. Nakakatrauma. Hindi maganda sa pakiramdam.

Kung sakaling may magtangka na manligaw, sisiguraduhin kong hindi na nila maaakyat ang pader na tinayo ko para protektahan ang sarili ko.

Mabuting tao naman si Sean. Sadyang wala lang kaming oras para sa isa’t isa. O iyon ang alam ko dahil iyon ang dahilan niya kung bakit siya nakipaghiwalay at iyon ang gusto kong paniwalaan. Ayoko nang mag-isip pa ng kung ano.

Hindi lang naman tungkol sa pag-ibig ang buhay.

Aayusin ko na lamang ang pag-aapply ko ng trabaho. Mahirap mabuhay sa panahon ngayon. Ang tataas ng presyo ng bilihin.

“Tangina!”

Malutong kong mura matapos akong malampasan ng dumaang bus. Nakatulala kasi ako at hindi ko napansin na may paparating na bus.

Shit. Sana lang ay hindi ako malate sa interview ko doon sa inapplyan kong trabaho. Malas naman.

Mga sampung minutos ang nasayang sa paghihintay ko sa sumunod na bus. Yun nga at punuan pa itong nasakyan ko, kadalasan ay mga estudyante ang sakay. Wala nang available na upuan at marami na rin ang nakatayo. Hindi na ako nag-inarte at sumakay na. Kulang na ako sa oras.

“Lingayen po kuya. Mamaya na lang po yung bayad.” Sabi ko sa kundoktor dahil nasa bag ko ang pitaka at hindi ko magawang kunin iyon dahil siksikan na rin sa loob ng sasakyan.

“Lingayen. Dalawa.” Sambit ng pamilyar na boses sa likod ko. Hindi ko magawang lingunin iyon, ngunit kahit na hindi ko tignan kung sino man ang nagmamay-ari ng boses ay alam ko. Kilalang kilala ko. Hindi ako pwedeng magkamali.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Huminto ang bus sa tapat ng Integrated School para magbaba ng iilang mga estudyante dahilan para makaupo ako kahit papaano. Ramdam ko ang presensiya ni Sean sa gilid ko. Standing pa rin.

Inihanda ko ang pamasaheng pambayad upang makapagbayad na mamaya kapag naningil ulit ang kundoktor ng bus.

“Itago mo na yan. Binayadan ko na.” napalingon ako kay Sean.

“Huh?”

“Binayadan ko na ang pamasahe mo. Itago mo na iyan.” Ulit niya.

Narinig ko naman. Pero bakit? Bakit niya babayadan ang pamasahe na dapat ako ang magbabayad? Hindi naman kailangan dahil kaya ko rin naman bayadan ang pamasahe ko.

“Ibabalik ko sayo. May pambayad ako.”

Inabot ko ang singkwenta pesos sa kaniya ngunit hindi niya iyon kinuha.

“Sean… May pera ako.”

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at hinayaan ang inaabot kong pera sa kaniya. Ayokong magpumilit kaya itinago ko na iyon.

Akala ko ba ay nasa Manila siya? Nagtratrabaho?  Bakit siya ngayon narito? Gusto kong magtanong pero wala naman akong karapatan.

I want to know things about him, but it would be awkward. Wala na kami.

“Blinocked mo ako sa facebook. Can you unblock me?” he asked. Napalunok ako roon.

Ayoko. Ayokong magkaroon pa ng connection sa kaniya. I want to respect the decision we made and do it properly by not having any news about each other. I even changed my number so he can’t contact me.

Hindi na ako sumagot. I hope this encounter is just a coincidence and won’t happen again. Baka nakabakasyon lang siya at may kailangang asikasuhin dito sa Pangasinan kaya siya narito. Babalik rin siya agad sa Manila.

“Grabeng interview ‘yon te! Namental block ako nung tinanong ako in English!”

“Tangek! Parehas lang tayo! Napakapormal, tapos nakakapressure pa yung ibang mga kasama natin kasi alam talaga nila ang isasagot nila.”

“Hindi tayo matatanggap dito! Ang taas ng standard tapos hindi naman ganun katas ang sahod. Parang ewan!”

“O kwek-kwek. Ikalma mo.” Inabot ko ang biniling kwek-kwek kay Angel.

Naisipan naming tumambay muna sa may baywalk pagkatapos ng interview na pinuntahan namin. Sobrang nakakapressure. Akala ko kapag natapos ako sa pag-aaral ay tapos na rin ang paghihirap ko. Hindi pala ganoon iyon. Nag-uumpisa pa lang ang tunay na kalbaryo ko sa buhay.

“Nagtry ka na bang mag-apply sa mga kompanya sa indeed?” tanong ko and she pouted like a child.

“Masyadong malalayo yung mga kompanya doon. Kadalasan nasa NCR.”

“Ayaw mong itry doon?”

I always want to try living in a big city, but I don’t have the courage. Maraming manloloko at manggagantiyo. At baka umuwi lang akong probinsiya dahil hindi ko kaya ang taas ng mga bilihin.

“Nope. Manila is a trap.” She said like she once lived in there.

“Paano mo naman nasabi iyan, aber?”

“Magiging alipin ka lang ng salapi roon. Hindi mo maeenjoy ang buhay. Sumasahod ka pero yung sahod mo mapupunta lang din sa mga gastusin. Walang matitira pang inom at gala.”

“Ayon naman pala. Inom ang iniisip. Yang atay mo naninilaw na kakainom.”

She smiled like an idiot. Nagtaka ako dahil parang hindi naman sa sinabi ko ang nginingitian niya.

“Teeee! Ang pogi.” Aniya sa nagpipigil na kilig. Akala mo’y dagang parang naiipit. Nilingon ko ang tinutukoy niyang pogi.

Agad din akong napaiwas ng tingin sa sinasabi niyang pogi because it was Sean! Looking at us!

“Aww. Umalis na. Sayang.” Si Angel.

“Puro ka pogi.”

“Aba syempre! Hahanap ka na nga lang ng sakit ng ulo sa pangit pa? Huy wag ganun, Jasmine!”

Ewan ko sa iyo, Angel.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sweet Surge of LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon