Sobrang ingay sa paligid. Kalansing ng mga bote ng alak. K'wentuhan. Asaran. Kantahan. Hugong ng mikropono. Tunog galing sa videoke. At, tibok ng puso ko.
Makalipas ang ilang taon ay nakita ko na ulit siya. Ganoon pa rin ang gamit niyang pabango. Matapang. Ang pabangong ayaw ng ilong ko, pero nasanay na rin sa amoy nito. Hindi pa rin nagbabago ang ngiti niya. Nakakalusaw pa rin. Lumalabas ang dimple niya kada ngingiti.
Maraming hindi nagbago sa kaniya. Pabango. Pananamit. Ngiti. Marami. Alam ko 'yun, dahil kilalang-kilala ko siya.
Pero.. nagbago na ang paraan ng pagtingin niya sa akin. Hindi na kumikinang ang mata niya kapag nakikita ako.
“Teka,” biglang sabi ni Carmela. Tumahimik ang mga kaibigan namin at humarap sa kaniya. “I'm really curious about something.”
“Ano 'yun?” tanong ni Allison.
Lumagok ako ng alak na binigay sa akin ni Shanai. Binaba ko ang baso matapos iyong tunggain. Humarap ako sa nagsasalitang si Carmela na nasa harapan na namin ngayon. She looks wasted. Marami na yatang nainom.
“Sino mga naging first love n'yo?” tanong niya bago humagikhik. “I mean, lahat naman tayo for sure nagkaro'n ng first love, right? I'm just really curious kasi tayo-tayo lang ang laging magkakasama noon.”
Natatawang umiling si Yesha. “Usapang first love, tinatanong pa ba 'yan? Si Papa P sa akin! Patay na patay talaga ako sa kaniya noon! Ngayon, papatayin ko na siya!”
Binato siya ni Carmela ng potato chips. “We all know about your first love, you're very vocal about your crush! Bukam-bibig mo nga si Piolo rati!”
Umirap si Yesha bago pinunasan ang pisngi na natamaan ng potato chip. "E, sino ba naman kasing hindi magkaka-crush sa kaniya? Ang pogi-pogi niya."
"Dati." Pahabol niya na salita.
Mahinhing tumawa si Lorian. "Uh.. mine is Dev," saad niya bago nahihiyang tumingin sa akin.
Lahat ay natahimik. Ang kaninang sobrang ingay ay nawala. Lahat ay napatingin sa aming dalawa ni Lorian.
Kahit ako'y hindi makapaniwala sa sinabi niya. Really? Like, how?! She's like my closest friend! I even treat her as my sister, and I'm her first love?!
"But that was in the past, okay?" natatawang sabi niya nang makita ang mga reaksyon namin.
"I mean.. totoo ba?" tanong ko—hindi pa rin makapaniwala, o ayaw maniwala.
She nodded. "Bakit ba ayaw n'yo maniwala? You're really attractive! Sinong hindi magkakagusto sa'yo? You're our president tapos lagi ka pang top 1, you don't know how attractive that is."
Umiling ako, ayaw pa ring maniwala. Bakit niya ako magugustuhan? Naiisip ko pa lamang ang itsura ko noon, totoy, ay nandidiri na ako. Isama mo pang lagi akong nakasalamin dahil malabo na ang mata ko kakabasa. Naka backpack pa. Kulang na lang ay braces ay total pack nerd na.
"Well..." Sumipol si Carmela. "That was unexpected."
"Pero may gusto talaga akong malaman," humarap siya sa lalaking nasa harapan ko na kanina pa tahimik, nakakapanibago.
"Ikaw ba, Kiro?"
Hindi sumagot si Kiro at lumagok lamang ng alak na nasa harapan niya. Kasabay nang pagbaba ng baso niya sa lamesa ay ang pagtama ng mga mata namin.
Kumalabog ang puso ko. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay muling bumalik ang mga alaala ng nakaraan na gusto ko na kalimutan.
Huminga ako ng malalim at inipon ang lahat ng lakas ng loob para magsalita at tanungin siya.
“Sinong first love mo?” kinakabahan, ngunit kinaya kong titigan siya sa mata habang sinasambit ang tanong.
Hindi umaalis ang tingin ko sa kaniya. Ganoon din siya. Hindi niya nilubayan ang mga mata ko habang binibigkas ang salitang:
“Ikaw.”
YOU ARE READING
Ikaw
Novela JuvenilLibro. Papel. Salamin. Ang mga bagay kung saan umiikot ang mundo ni Dev. Aral. Bahay. Aral. Bahay. Paulit-ulit na routine ng buhay ni Dev. Kaya nga tinatawag na siyang 'nerd' ng mga kaibigan. Pero paano kung isang araw.. sa hindi inaasahan, biglan...