"Ballpen!"
Agad kong narinig ang boses ni Prince mula sa malayo. Nakangisi na siya nang makita akong papalapit sa classroom ng Grade 10. Mukhang nahulaan na niya ang dahilan kung bakit nandito ako.
Kaming dalawa lang ang nakakaalam ng rason kung bakit halos araw-araw akong dumadaan dito—kahit may shortcut naman papunta sa classroom ko, palaging pinipili kong umikot sa mas malayong ruta. Ginagawan ko talaga ng paraan para masilayan siya, kahit saglit lang.
"Landiii! Kay aga-aga, crush agad ang inaatupag," pang-aasar ni Prince sa akin.
"Eh ikaw kasi, wala kang crush!" irap ko sa kanya, kahit alam kong hindi ako magtatagumpay sa pagpigil sa kilig.
"Hindi crush 'yun. Mahal ko 'yun, eh," sagot niya, sabay ngisi pa rin.
Pinandilatan ko siya ng mata bago muling ibinaling ang tingin sa loob ng classroom.
Nandoon siya, nakaupo sa armchair sa tabi ng bintana sa second-to-last row, hawak ang gitara. Paminsan-minsan ay kinakalabit niya ang mga kuwerdas, tila seryoso, ngunit may kakaibang kislap sa mga mata niya. Nasa paligid niya ang mga kabarkada, lahat sila nagtatawanan.
Muli niyang ginawa ang paborito niyang mannerism—ang pagsuklay sa makapal niyang buhok gamit ang mga daliri. Ang makapal niyang kilay, ang hugis ng mga mata, ang tawa niyang parang musika, pati na rin ang pagkurap niya ng dalawang beses bago magsalita—lahat ng ito, halos naisasaulo ko na nang hindi ko namamalayan.
Jamie Loyd del Reyes. Paano ka nagiging ganito kaguwapo kahit unang araw pa lang ng linggo?
--
"Pass your paper on the front"
Mas binilisan ko ang pagkopya ng sagot sa papel ni Prince. I've been in the second place on top and math must be the reason why I can't be the first place dahil kung si prince forte niya lahat ng subject ay siya namang ikinabobo ko sa math. Science lang naman yung forte ko and the rest, kailangan ko pang magdoble review para lang may pumasok sa utak ko.
"Huy bilisan mo!"
Nang matapos kong kumupyo ay pinasa ko na yon sa harap. Ipingpaslalamt ko nalang na wala parin nakakapasa yung mga nakaupo sa harap dahil tulad ko, tulad nila ay nangongopya lang din ng sagot sa mga seatmate nilang binayayaan ng talino sa pagcompute.
Nang mag discussion si ma'am ay binigay ko ang buong attention ko sa klase habang kagat-kagat yung likod ng pisnge ko at mabilis tinetake note lahat ng mga nakasukat sa blackboard.
"Hahahaha tangena mo Prince. Wag ka kaseng magulo, nagbabasa!"
Rinig kong tawa ni Jen.Saglit ko silang nilingon at pinagkunutan ng noo. May nakabukas na Wattpad book sa harap ni Jen at marahil ay kinikiliti na naman siya ni Prince para isturbuhin sa pagbabasa. Like as if we're not in the middle of discussion.
"Ma'am.... Si Jen hindi nakikinig"
Pabirong sumbong ni Prince."Prince wag ka kaseng magulo, isa–"
"VACENCIOU!"
"Po!"
Mabilis akong napatayo sa hindi ko inaasahang pagalit na pagtawag ni ma'am sa apelyedo ko."Ang ingay-ingay niyo dyan...! Anong pinagkukuwentuhan niyo?!"
Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko, ang pamumuo ng butil ng pawis sa noo ko at ang paglamon ng kahihiyan sa sistema ko."Ma'am wala po. Nagsusulat lang po ng notes. Sila po–"
Bahala na. I pointed my fingers out of my two friends.Sabay silang napaiwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
Bestow Your Affections On (Highschool Series #1)
Dla nastolatkówBallpen believes that her feelings for her long-time crush, Jamie Loyd del Reyes, are just admiration. She thinks that a crush is merely idolizing a famous artist or K-pop idol, and that these feelings can fade away, allowing you to find someone new...