Kabanata 14

2K 32 2
                                    

Warning (R-18)

Enjoy reading! thank you sa paghihintay. Please vote and comment if you like this chapter!



Wala sa sariling napa dighay ako kaya napaangat ang tingin sakin ng dalawa at napailing. Napabungisngis ako at itinabi ang pinagkainan. 

Pakiramdam ko ay sobrang rami ng nakain ko. Nararamdaman ko ang pag bilog ng tiyan ko tanda na sa labis na kabusugan.

Instant noodles lang ‘yon pero feeling ko ‘yon na ang pinaka masarap na noodles na natikman ko.

Yummy!

“Next time, ikaw na gagawin naming chef.” biro ko na ikinataas ng sulok ng labi ni Dalton.

“Mahal ang talent fee ko.” 

Natawa ako. “Okay lang, worth it naman yung niluto mo.” 

Tuluyan na itong natawa na ikinalawak lalo ng ngiti ko. Lumingon ako kay Zillex at naabutan ko ang tingin nito sakin. Tumaas ang kilay ko sakanya.

He leans on the chair and licks his lower lip. His eyes glisten something, and it looks wicked.

“How about we grab a drink?” his lips rose for a sly smirk.

Napalingon sa kanya si Dalton bago sumulyap sakin. Nagkibit balikat ako at ngumisi pabalik dito.

“Sure,” 

Hindi pa man ay nararamdaman ko na ang excitement sa katawan ko. I feel that something will happen tonight.

Naglabas ng tigi-tigisang in can na beer si Dalton. Binuksan niya iyon bago binigay sakin. Sabay sabay kaming tumungga na ikinatawa ko.

Agad gumuhit ang init at pait sa aking lalamunan pababa sa aking tiyan. Bahagya pa akong napapikit na parang nakalimutan na ng dila ko kung ano ang lasa ng alak.

It's been a long since the last time I drank alcohol. Hindi ko na nga matandaan kung kailan ‘yon. Simula ng makilala ko ang dalawang ‘to parang naiwas na ako sa mga kalokohan ko.

Hindi na ko muling lumabas kasama ang iba't ibang lalaki. I never ditch my class again para lang mag perya at lalong madalang na rin ang pagpunta ko sa bar para manarget ng lalaki.

Since I met them ang dami ng nagbago sakin. Natitigilan ko ang mga bagay na imposible kong maihinto dati. I learn to stop my wrong doings, maliban na lang sa pag-aaral na hanggang ngayon ay kinatatamaran ko pa rin.

“So, what's we gonna talk about?” pambabasag ko sa katahimikan at nilingon sila.

Kasalukuyan kaming nakatambay sa labas. May kalakasan ang hangin kaya naman may makapal na balabal na nakapatong sa akin, habang naka makapal na jacket lang ang dalawa.

They looked at me and shrugged. Hindi ko alam kung bakit ba laging parang ako nalang ang laging may dalang baon na kwento samantalang tahimik lang sila.

Bagay talaga kami. 

Tahimik sila madaldal ako. Diba perfect match?

“Dumaldal naman kayo, baka mapanisan kayo ng laway niyan.” sabay suntok kay Zillex na malapit sa gawi ko.

Napaangil siya at sinamaan ako ng tingin. “What should we say?” sikmat niya kaya napairap ako.

“I don't know anything about you. Bukod sa isa kang bwisit na nilalang.” pang-iinis ko pabalik na ikina salubong ng kanyang kilay.

“You seem too interested in me.” he looked serious but I could see the playfulness in his eyes. 

“Yes, isn't it obvious?” walang halong biro kong sabi ngunit nakita ko ang pagtawa nilang dalawa.

Their Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon