Stell's POV
Ilang weeks nadin ang nakalipas, wala pading bago sa trato sakin ni Pablo. Hindi ko kasi maalala kung kailan kami nag simulang maging close. Pero ang alam ko lang hindi talaga sadya ang lahat kung bakit kami naging mag kakaibigang lima.
"Hoy Stell! Ang lalim naman ng iniisip mo. Hmmm hulaan ko, nag iisip ka kung paano patumbahin si Josh no?" Natatawang sabi ni Justin, nang maupo ito sa tabi ko.
Sa totoo lang ilang weeks nadin ako kinukulit ni Josh, araw araw may pa banat sakin, siguro kung hindi ko pa kilala si josh iisipin ko na may gusto siya sa akin. Pero since alam ko na talaga kung ano ang dahilan ng pag papansin niya dedma nalang talaga ako sa taong to. Bakit ba kasi ako pa ang ginagawang dahilan, hays napaka torpe kasi.
Bigla tuloy ako natawa ng maalalang, bwisit na bwisit talaga ako kay Josh dati, pero ngayon alam ko na kung bakit ganun siya sakin. Hinahayaan ko nalang talaga, saka sinusulit ko nalang din ang pangugulit nito dahil nung tumanda na kami, sobrang bihira ko nalang ito makita. I smiled bitterly.
"Hayaan mo na, sanay naman na ako kay dwarfie." Natatawa kong sabi, kaya natawa din si Justin nang marinig ang salitang "Dwarfie" (Dwarf)
"Hooy! Anong dwarfie! Alam kong maliit lang ako pero sabi ni mama, tatangkad pa daw ako, dahil hindi pa ako nag 21 years old." Nagulat ako sa pag singit nito, nasa likod na pala namin ni Justin.
"Omyy josh, kung alam mo lang. Hindi ka na talaga tumangkad kahit nag 21 years old ka. Dahil sating lima, ikaw lang ang 9'2 Nine two ang height." Bulong ko sa sarili.
Mas lalong tuloy lumakas ang pag tawa ko.
"Stell!!!! Binubully mo ba ako? Susumbong kita kay Ken!" Galit na galit na sabi nito.
Pero hindi ko maiwasang ma cute-an kasi sa totoo lang, ang cute ni josh namumula ang buong muka nito, tapos ipinapadyak ang mga maliliit na papa, pilit na nilalakihan ang boses, pero hindi pa talaga nag mamatured, kaya medyo ipit pa ito. Sa totoo lang para siyang isang kindergarten na inagawan ng manika at bigla nalang nag tatantrums.
"Alright alright~ kapag nag 21 years old na tayo, ikaw ang pinaka matangkad sating lahat." Nginitian ko pa ito at kinindatan.
"I hate you Stell, bully ka pala. Susumbong talaga kita kay ken." Naka nguso at naka kunot noo pa nitong sabi. Cute talaga parang sanggol.
"sorry na hindi ko mea..."
"Ken ken! Stell is bullying me." Bigla akong nagulat ng biglang tumayo si Josh at tumakbo. Dumaan pala si Ken, kaya hinarangan niya ito, at kumawit sa braso habang turo turo ako.
"Josh, bitawan mo ako!" Malamig na sabi ni Ken, at hinawi niya pa ang mga kamay nito.
"Ken, payag kang binubully ako ni Stell? Hmp~ Kala ko ba brothers tayo." Nag crossed pa ito ng arm tila ba nag tatampo.
"Ano bang gusto mong gawin ko kay Stell? Gusto mo bang ma expell ako sa school?" Matigas na sabi nito kay josh, bago humarap sakin at nag eye to eye contact kaming dalawa ng ilang segundo.
Bigla tuloy kumabog dibdib ko, bigla akong nakaramdam ng takot. Yung mga tingin niyang sobrang talim, huhu Ken inaano ba kita?
Napapalunok tuloy ako ng laway, kahit alam kong hindi talaga ganito si Ken, pero bigla kong naalala iba pala ang ken na una kong nakilala. Isa ito sa kinakatakutan ng mga istudyante. At hindi naging okay yung pag sasama namin dati, hindi kami naging close agad at sobrang lamig ng trato nito sakin.
"Relax ken, joke lang! Huwag mong gagalawin si Stell. Kasalanan ko, ako kasi nag simula" Nanginginig na sabi ni Josh.
"Tch! See you're wasting my time josh! Don't be childish ng hindi ka binubully" Matigas na sabi ni Ken.
Nakita ko namang nag senyasan si Justin at Josh.
"Alright alright tara na! Ano gusto mo? Softdrinks? Libre ko." Sabi ni Josh bago hilain si Ken papalayo saming dalawa ni Justin.
"Stell, don't mind them nalang. Mababait naman talaga sila." Sabi ni Justin.
Alam ko naman, kaibigan ko kayo eh.
BINABASA MO ANG
Rewriting destiny [SB19 - STELLJUN AU]
Roman d'amourSome people say that you cannot undo your past, but if given the chance to rewrite your destiny, are you willing to do it?